CHAPTER 93 TOGETHER...

6 12 0
                                    

"OKAY NA PO AKO".

Naiuwi na ako ni dexter pero si mommy ay ayaw parin akong tan-tanan baka daw may injury pa ako , gusto din niyang kasuhan ang bumangga sa akin at tumulak mabuti at napigilan ko siya agad.

Wala namang kasalanan ang driver,
si marie ang may kasalanan, isa pa pinaubaya ko na kay dexter ang babaeng yon.

"Wag ka munang mag kikilos , naku... Baka mabinat ka!" turan ni mama sita ng tumayo ako para sana mag timpla ng juice.

Muli niya akong pinaupo sa tabi ni mommy..

"Sita is right , hindi ka pa gaano nakaka recover , you need to rest.."sambit naman ni mommy.

Hay! Dalawang araw na nga ako panay pahinga lang, puro nalang pahinga.

Parang gusto nila lahat na matulog nalang ako lagi.

"Makinig ka nalang sa mommy Elizabeth." turan naman ni mommy selvia. 'the biological mother of bryant'

Huminga ako ng malalim at nakangiting tumango sa kanila. "Ano pang magagawa ko , eh pinag kakaisahan niyo na ako ." Napailing ako.

Nang bumalik si mama sita at nag lapag siya sa harapan ko ng chocolate cupcakes at juice.

Agad ko iyong kinain

Hmmm.. ang sarap talaga!

"Anak , sigurado na ba talaga kayo ni dexter na mag sasama na talaga kayong dalawa? Kahit hindi pa kayo kasal?" Napatingin ako kay mama sita at nakangiting tumango . "Oh sha , segi , malalaki na din naman kayo , nasa tamang edad na , alam niyo na ang ginagawa niyo."

Napatingin ako kay mommy ng hawakan niya ang kamay ko. "Basta ako , kung saan ka masaya , susuportahan kita..." nakangiting sambit ni mommy.

"Thank you mom.."

"Ako din , shempre.."napatingin ako kay mommy selvia. "basta kapag sinaktan ka ni bryant , sabihin mo lang sa akin.. sa amin , dahil naku...."

"Hinding hindi ko po siya sasaktan.." napalingon ako at napangiti ng makita si dexter na papalapit sa kinaroroonan namin .

Agad siyang bumeso kina mommy helena , mommy selvia at mama sita sabay Mano na din , tapos ay lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa nou ko.

"Kamusta ka? Nakapag pahinga ka ba?" Napasimangot ako. "Oh bakit?" takang tanong nito ng makitang nakasimangot ako.

Napalabi ako . "Kasi wala na ata kayong ibang gustong ipagawa sa akin kundi ang magpahinga... " turan ko sabay cross arm.

"Oh segi , hindi na , date nalang tayo.." agad akong napangiti at napatingin dito . "Tara?" Nakangiting tumango ako sa kanya .

"Ehem!" Sabay kami napatingin kina mommy helena, mommy selvia at mama sita ng tumikhim sila.

OH MY BOOK (PUBLISHED)Where stories live. Discover now