CHAPTER 72 SEA OF MEMORIES

5 11 0
                                    

"DAHAN-DAHAN LANG, BAKA MABULUNAN KA"

Hindi ko na pinansin pa ang sinabi ni dexter sa akin dahil abala ako sa pag lamon . Ang daming pagkain!

Ilang oras na din ang nakalipas mula nong matapos namin mag kausap ni uncle at saktong bumalik si dexter.

Bahagyang pinunsan ni dexter ang aking bibig habang tuloy parin ako sa pag lamon.

Nasa tabi ko lang siya , nakaupo habang nakatingin sa akin , dumampot ako ng friend chicken at isinubo sa kanya na kaagad din niyang kinain.

"Kumain ka din " sambit ko habang ngumunguya , ngiti lang ang isinagot niya sa akin habang nakatitig sa akin , ngumiti ako pabalik sa kanya at nagpatuloy na ako sa pagkain ngunit agad din akong natigilan sa plano kong pag subo ng pagkain ng biglang dumating si ma'am helena at sir Robert , napatitig muna ako sa kanilang dalawa bago ko ibaba ang hawak kong kutsara at humawak sa braso ni dexter.

Nang hawakan ni dexter ang kamay ko na nakahawak sa kanyang braso ay napatingin ako sa kanya. Ngumiti siya sa akin at marahang tumango na parang sinasabi 'Wag kang magalala' naramdaman ko ang mahinang pag pisil niya sa kamay ko .

Muli akong tumingin kina ma'am helena na ngayon ay lumuluhang nakatingin sa akin at sir Robert na nakahawak sa mga barso ni ma'am helena para alalayan ito .

"Darling... G-Galit ka ba kay mommy?" lumuluhang turan ni ma'am helena na marahan kong inilingan. "Pwede ba kitang yakapin...anak?" Nakikiusap ang tinig nito , bahagya akong napayuko dahil hindi ko kanyang tignan si ma'am helena na ngayon ay lumuluha , nasasaktan akong makita siyang nasasaktan , kahit paano ay naging malapit ako sa kanya .

Tumayo ako at naglakad papalapit sa kanila , marahan kong niyakap si ma'am helena na mas lalo niyang ikinaiyak.

"Oh god , my daughter..." mahigpit niya akong niyakap , marahan kong hinagod ang kanyang likuran , hindi ko na din napansin ang paglalandas ng mga luha ko . "I'm sorry Señorita.. I'm sorry kung hindi namin inisip kung ano ang mararamdaman mo sa ginawa naming set up , I'm sorry kung pinangunahan namin ang nararamdaman ng puso mo. I'm sorry Señorita... I'm sorry darling."lalong humigpit ang yakap ni ma'am helena sa akin at naramdaman ko ang senseridad sa kanyang sinabi.

Marahan akong humiwalay at humarap sa kanya. "Wag ka na po umiyak .....mommy." lalo siyang napaiyak .

Ang mga mata niyang kulay asul na gaya ng sa akin ay patuloy parin pinaglalandasan ng mga luha.

Napatingin naman ako kay sir Robert na ngayon ay humawak sa aking braso. Wala man siyang sabihin ay alam kung nag sisisi din siya dahil nakikita ko iyon sa mga mata niya.

Bumitaw ako kay ma'am helena at niyakap ko si sir Robert. "D-Daddy..."

Naramdaman ko ang pag yakap niya sa akin pabalik at marahang pag hagod sa aking buhok.

"I'm sorry ..." sambit nito , humiwalay ako sa kanya at humarap ako sa kanilang dalawa ni ma'am helena.

"M-Mahal na mahal ko po kayo..." lumuluhang turan ko na na siyang nagpangiti sa kanilang dalawa na mag asawa. Muli silang lumapit sa akin na mag asawa at sabay nila akong niyakap.

OH MY BOOK (PUBLISHED)Where stories live. Discover now