CHAPTER 84 THE FORGETFUL AND THE FORGOTTEN

9 12 0
                                    

WALA SIYA.

Ilang araw na ba ang lumipas? Tatlo?
Oo tama , tatlong araw na ang lumipas mula nung huli kong nakita yung lalake na ang panggalan ay dexter.
Sabi ng doctor ay pwede na ako umuwi sa susunod na araw. Kailangan ko lang manatili muna dito sa hospital para sa mga gagawin pang test.

Bakit kaya hindi siya pumupunta dito? Palaging dumadalaw sina watson, west, jordan at spencer dito , maliban lang sa kanya .

Eh ano naman ngayon kung hindi siya dumalaw? Ano naman kung wala siya?

Bakit ko ba kasi siya iniisip? Ni hindi ko nga alam kung sino ba talaga siya sa buhay ko tanging panggalan lang niya ang alam ko.

Hindi ko din magawang mag tanong kina spencer , nakakahiya eh , baka ano pang isipin nila.

Napabuntong hininga na lamang ako habang nakatingin sa bintana.

Bakit ba kasi?

"You okay?" Nabaling ang tingin ko kay spencer ng magsalita ito sa tabi ko. Napatingin ako sa kanya na ngayon ay nag babalat ng mansanas.

Mukhang kanina pa ata siya nasa tabi ko pero hindi ko lang napansin ang presensiya niya sa lalalim ng iniisip ko.

"Spencer... May tanong ako. "hindi ko na nasagot pa ang titanong niya kanina.  Kailangan ko siyang tanungin tungkol don sa dexter na yun.

Isa pa , siya at ako lang naman ang andito , mukhang busy yun mga kapatid niya. Nakwento kasi ni jordan na magkakapatid raw sila lima.

Tumaas bahagya ang isa niyang kilay habang abala sa pag babalat ng mansanas.

"Gusto ko lang itanong , bakit ata hindi dumadalaw yung si dexter dito?"tama ba yung pagkakasabi ko? bakit demanding yung dating!

Dito siya natigilan at napatingin sa akin na may seryosong mukha. Maliban kay watson ay mukhang lagi ding seryoso itong si spencer .

Sumandal ako sa headboard mula sa pag kakaupo sa kama . Inabot niya sa akin ang binalatan niyang mansanas na kaagad ko ding tinanggap.

"Salamat." ngumiti ako dito. Imbis na kainin ay tinitigan ko lamang ito.

"He's always here." turan nito na siyang ikinatigil ko at ikinatingin sa kanya .

"H-Ha?"ugtang ko dito. Sino ba ang tinutukoy niya? Si dexter ba?

Ngumiti siya na siyang ikinagulat ko.

Luh! Ngumingiti pala siya?! Nakakagulat ah!

"Hindi mo man siya nakikita dito , pero palagi siyang andito at binabantayan ka. " mukhang si dexter nga ang tinutukoy niya.

"Kung ganon , bakit hindi siya nagpapakita?"mahinang tanong ko sa kanya at ibinaling ko ang tingin ko sa hawak kong mansanas.

"Bakit mo ba siya hinahanap?"balik tanong nito sa akin na siyang ikinatigil ko.

Yun din ang tanong ko sa sarili ko , bakit nga ba?

"Hindi ko alam ." Wala sa sariling sagot ko. Tumingin ako kay spencer na ngayon ay seryosong nakatingin sa akin. " S-Sino ba siya.... sa buhay ko?" tanong ko dito.

OH MY BOOK (PUBLISHED)Where stories live. Discover now