Page 25

5.3K 55 2
                                    

The party went well kahit na gumawa ng gulo si Tita Carmina. Buti na lang at hindi nakita ni Charlotte ang ginawa ni Tita Carmina sa akin dahil kausap niya ang lola ni Wade.

Sobrang saya ni Charlotte sa party dahil marami siyang nakilalang mga relatives ni Wade katunayan very closed agad sila nina Tita Lucy at Tita Claudine ganoon din si Tita Rebecca.

Marami ring natanggap na early christmas gift si Charlotte galing sa family ni Wade. Ang bait pa rin talaga ng family ni Wade sa akin kahit na matagal na kaming hiwalay.

Nakatulog na si Charlotte sa sobrang pagod niya.

"Pwede bang sa inyo ako magdiriwang ng pasko?" tanong ni Wade sa akin.

"Sa amin?"

"Oo, eto kasi yung first christmas celebration na kasama kayo. Sa new year naman baka pwede na sa amin naman. Pwede mo naman isama sina Auntie Marilyn, Irene at Wendy."

"Yung sa pasko pwede. Alam kong matutuwa si Charlotte pero yung sa new year pag-iisipan ko pa."

"Salamat Pauline for giving me another chance sa buhay mo."

"Chance? Walang chance! Ginagawa ko lang ito para kay Charlotte."

"Bakit ba ang tigas ng puso mo Pauline?"

"Dahil yun sa'yo Wade. Matapos mo akong lokohin naging matigas na ang puso ko."

"A-Ano bang kailangan kong gawin para mapatawad mo ako?"

"Wala ka ng dapat pang gawin. Hanggang kay Charlotte ka lang. Pwede ba magmaneho ka na lang diyan!"

"O-Okay."

Kahit anong gawin ni Wade hinding-hindi ko siya mapapatawad sa ginawa niya. Kakausapin ko lang siya kung tungkol sa anak namin at hanggang doon na lamang yun.

Nasa kalagitnaan kami ng biyahe ng makarinig kami ng putok ng baril.

"Dapa!" sigaw ni Wade.

Ilang putok pa ng baril ang narinig namin. Niyakap ko ng mahigpit si Charlotte. Tulog na tulog ito kaya hindi niya naririnig ang mga putok ng baril.

Nakarinig kami ng malakas na pagsabog dahilan para magpaikot-ikot ang minamanehong kotse ni Wade.

"W-Wade...."

"K-Kumapit ka!"

Agad na inihinto ni Wade ang kotse na minamaneho niya.

"W-Wade ano yun?"

"Huwag kang bababa."

"A-Anong binabalak mo?"

"Basta! Diyan ka lamang sa loob bantayan mo si Charlotte."

May kinuhang baril si Wade sa drawer ng kotse niya tapos bumaba ito. Kitang-kita ko sa side mirror ang pagdating ng dalawang lalaking naka mask may mga hawak itong baril. Nagising si Charlotte na nasa tabi ko.

"Mommy, nasaan po si Daddy?"

"Huwag kang maingay."

"Bakit po?"

"Basta! Huwag kang maingay. Daddy is buying something in a store. Matulog ka na lang." saad ko kay Charlotte.

"O-Okay po Mommy."

Pinahiga ko sa upuan ng kotse si Charlotte. Hindi niya dapat makita ang mga nangyayari ngayon. Nagulat na lamang ako na may dumating na lalaking naka mask at binuksan ang kotse.

"Please, huwag ang anak ko." pakiusap ko sa lalaking naka mask.

Tumayo ako ng upuan at lumabas ng kotse. Ni lock ko muna ang pinto para hindi nila makuha si Charlotte.

Hiding My Ex Husband DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon