Page 17

5.5K 71 3
                                    

Ilang araw din na namalagi sa hospital si Charlotte. Salitan kaming dalawa ni Auntie Marilyn sa pagbabantay.

Sina Wendy at Irene naman ang namahala sa flower shop. Malaki ang naitulong ni Tito Raul nakahanap siya ng rare blood na negative AB para kay Charlotte.

"Mommy, uuwi na po ba tayo?" tanong ni Charlotte.

"Sabi ni Doc pwede na tayong umuwi. Magaling ka na sa sakit mo."

"Talaga po Mommy?"

"Yes, we can go home now. Gusto mo ba paguwi natin ipagluto kita ng favorite mong pasta?"

"Opo Mommy. Gusto ko po ng pasta. Hindi po kasi masarap ang pagkain dito eh."

"Alright ipagluluto kita ng pasta."

Bumalik na si Auntie Marilyn pagkatapos niyang bayaran ang hospital bills.

"Tara na." ani Auntie Marilyn.

"Finally, makakauwi na rin po tayo," masayang saad ni Charlotte.

Sobrang saya ko talaga na naging okay na si Charlotte ngayon. Akala ko talaga tuluyan ng may mangyayaring masama sa kanya.

Kinuha na ni Auntie Marilyn ang mga gamit namin. Binuhat ko na si Charlotte hanggang sa makarating kami sa parking ng kotse.

"Auntie Marilyn, pagkauwi po sa bahay magpahinga po muna kayo. Ako na muna bahala sa lahat. Alam ko pong pagod at puyat kayo sa pagbabantay kay Charlotte."

"S-Sigurado ka? Pagod at puyat ka rin hija. Baka ikaw naman ang magkasakit niyan."

"Okay pa po ako Auntie Marilyn."

Nasa kalagitnaan kami ng biyahe ng makatanggap ako ng text. Galing yun kay Tito Raul.

Tito Raul:

Let's talk

Inihinto ko saglit ang pagmamaneho para mag reply sa kanya.

I said yes kay Tito Raul. Gusto ko rin na magpasalamat sa kanya sa tulong na naibigay niya sa akin.

"Uhhm...Auntie Marilyn may kailangan pala akong puntahan mamaya pwede po bang kayo muna bahala kay Charlotte. Huwag po kayong mag-alala babalik din po agad ako."

"Okay, Hija."

Inihatid ko muna sina Auntie Marilyn at Charlotte sa bahay. Nakatulog sa biyahe si Charlotte kaya dinirecho ko na siya sa kwarto nito para makapagpahinga na.

"Kayo na po muna bahala sa kanya Auntie Marilyn."

"No, problem hija. Teka saan ba lakad mo?" tanong niya.

"Kay Tito Raul po....."

"Raul? Yung step father ni Wade?"

"Uhhm...Opo para po personal na magpasalamat sa tulong niya sa akin."

"Okay."

Nasabi ko kay Auntie Marilyn na tumulong si Tito Raul para makahanap ng dugo kay Charlotte hindi naman galit si Auntie Marilyn. Alam na rin niya na nagkita na kami ni Wade. Sinabi ko rin ang mga plano ko. Hindi na makikiaalam si Auntie Marilyn sa desisyon ko.

Dumirecho na ako sa coffee shop kung saan kami magkikita ni Tito Raul.

Naroon na si Tito Raul na nakaupo sa mesa. Mukhang kanina pa siya naghihintay sa akin.

"Tito Raul..." bungad ko.

"Have a sit Pauline." ani Tito Raul.

Naupo ako sa table kung nasaan si Tito Raul.

Hiding My Ex Husband DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon