Page 27

5K 60 1
                                    

"Oh kamusta naman ang pagdalaw ninyo kay Wade?" tanong ni Wendy

"Okay, naman Wendy."

"Base sa mukha mo mukhang masaya ah? Anong nangyari tell me?" pangungulit ni Wendy.

"Ah...Wala!"

"Anong wala? Parang meron ah?"

"May nangyari sa amin."

"Ano nadiligan ka na? Wow congrats di na tuyo ang bukirin mo," natatawang saad ni Wendy.

"Puro ka talaga kalokohan Wendy!"

"Eh kayo ng bruha mong hilaw na biyenan?"

"We're okay."

"Okay? Naniwala ka naman?"

"Mabait na siya sa akin at kay Charlotte."

Napaubo si Wendy sa mga sinabi ko.

"Naniwala ka naman?"

"Bakit hindi?"

"Alam mo parang ahas lang yung bruha na yun. Nagbabalat kayo. Mabait pero deep inside demonyo. Sinasabi ko sa'yo magiingat ka sa bruhang yun. Di natin alam ang mga binabalak niya. What if ipapatay ka niya di ba nga galit siya sa'yo."

"Ipapatay? Grabe ka naman?"

"Pwede naman yun ah. Lalo na feeling niya magiging kaagaw ka niya sa manahin na pera at kumpanya."

"Luh? Advance ka mag-isip isa pa wala akong pake sa pera at kumpanya nila. Nagawa kong mabuhay ng walang tulong nila. Lalo na ni Wade."

"Pinapaalalahan lang kita. Wag kang magtitiwala sa bruhang yun. Knowing her face at mga ginawa niya sa'yo dati. Nagbabalat kayo lang ang bruha. Santa santita ang peg niya. Ah basta wala pa rin akong tiwala sa bruhang yun."

"Ewan ko sa'yo Wendy."

Wendy has a point. Hindi tama na magtiwala agad ako kay Tita Carmina. Sa dami ng mga ginawa niya sa akin. Hindi talaga dapat siya pagkatiwalaan but on other side baka nga nagbago na siya based on her words and actions.

Ngunit siguro pakiramdaman ko muna si Tita Carmina kung talagang nagbago na siya baka mamaya eh palabas lang niya lahat yun at may binabalak na masama sa akin o kay Wade. Matindi ang galit ni Tita Carmina kay Wade lalo na at si Wade ang bunga ng naging bangungot niya dati.

"Maiba ako mahal mo pa ba si Wade?"

"I don't know Wendy kung mahal ko pa si Wade."

"Di mo mahal pero nagpadilig ka sa kanya?"

"Hindi ko rin alam Wendy. Malay natin matutunan ko ulit na mahalin siya but for now co-parenting muna kami kay Charlotte."

I'm not sure on my feeling towards to him. Hindi ko pa alam kung kaya ko pang mahalin muli si Wade gaya ng dati. Sa ngayon focus na muna kami sa pagpapalaki kay Charlotte yun lang at wala ng iba.

Pagsapit ng alas singko ng hapon bumalik ulit ako sa mansion nila Wade para sunduin na si Charlotte.

"H-Hello po..."

"Nandito ka na pala Pauline." saad ni Tito Raul.

"Susunduin ko na po si Charlotte. Nasaan po ba?"

"Nasa kwarto ni Wade."

"Pupuntahan ko lang po siya Tito Raul."

"Dito ka na lang kaya kumain ng dinner magpapaluto ako?"

Hiding My Ex Husband DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon