W A R N I N G
𝑇𝑦𝑝𝑜 𝑒𝑟𝑟𝑜𝑟𝑠, 𝑤𝑟𝑜𝑛𝑔 𝑔𝑟𝑎𝑚𝑚𝑎𝑟𝑠, 𝑎𝑛𝑑 𝑠𝑝𝑒𝑙𝑙𝑖𝑛𝑔 𝑎ℎ𝑒𝑎𝑑.
𝙲𝚑𝚊𝚙𝚝𝚎𝚛#𝟶𝟶𝟷
𝐴𝑙𝑒𝑐𝑠𝑢𝑠 𝑆𝑡𝑟𝑒𝑣𝑒𝑛 𝑃𝑜𝑣"MIDNIGHT my lo-"hindi na nya natapos ang sasabihin nya dahil iniwasan nito ang vase na ibinato ko sa kanya,"wews kalma."
"What do you want?"masamang tingin ang ipinukol ko sa kanya
"Kakatakot ka namang tumingin,"ika nito at umaktong parang batang natatakot,"boss mo parin ako kaunting respeto naman,"saad pa nya.
"Kung wala kang balak na sabihin ang gusto mong sabihin aalis nako,"I have no time for jokes, ang aga aga sinisira nya ang araw ko.
"Chill masyado kang atat,"binuksan nito ang drawer at may inilabas na isang pulang folder,"you have a next mission at sa folder na yan nakalagay ang information ng taong target mo."
Nagtataka siguro kayo kung ano ang trabaho ko, currently I'm unemployed just kidding I'm an assassin and my codename is midnight, yung lalaking kausap ko ngayon ay ang boss ko. Boss ko na sakit sa ulo. Wala akong maalala sa nakaraan ko nagising nalang ako isang araw na nag-iinsayo na maging isang assassin, at first it was difficult to adjust lalo na sa unang mission ko. Hindi sanay ang katawan ko na pumatay ng tao pero hanggang sa tumagal ay nakasanayan ko narin.
Binuksan ko ang folder, tumaas ang isang kilay ko dahil sa nabasa,"gulat ka no?"ambang ihahampas ko yung folder na hawak ko sa kanya ng bigla ulit itong magsalita,"Kalma midnight hear me out first before mo ako saktan, mahirap maghanap ng mas malalim na impormasyon sa taong yan kahit ang pinakamagaling na hacker natin ay hindi nya kaya."
"Ide tanggalin mo na kung wala namang silbi,"ika ko. Paano ba naman kasi pangalan, birthday, address, at trabaho lang ang nakalagay na impormasyon sa folder na hawak ko, akala mo naman sobrang daming laman dahil makapal,"so bakit ang kapal ng mukha mo este ang kapal ng papel na nandito sa folder kung ito lang naman ang imformasyon na nakalagay?."
"Syempre naman para surprise,"nakangiti nitong saad, ako naman ay seryoso lang na nakatingin sa kanya.
"Pasabugin ko kaya itong opisina mo,"nanggagalaiting wika ko sa kanya,"pasalamat ka iniwan ko yung dospordos na pamalo ko sa condo kung hindi ihahampas ko talaga sayo."
"Galit na galit gustong manakit?"wika naman nito, wala sa bokabularyo ko ang magtimpi ng masyadong matagal, ngayon palang gusto ko na syang patayin pero iniisip ko pa yung mga utang nya sa akin dapat mabayaran pa nya yun bago ko sya patayin para lahat happy happy.
"So what do you want me to do with him?"bigla syang sumeryoso, kaya nanahimik ako saglit, kahit gaano sya kapilosopo kinatatakutan parin sya ng lahat ng kasapi ng assassination clan lalo na kung seryoso ito.
"Gawin mo syang katulong magpasama kang tumae ganun,"inilabas ko yung baril na itinago ko at itinutok sa kanya, agad naman syang nagtaas ng dalawang kamay nya pero hindi parin naaalis sa mga labi nya ang ngiti,"Haha chill, masyado kang seryoso sa buhay midnight. Well as usual you just need to kill that man and boom tapos na ang misyon mo."
"Gagawin ko ang misyong ito sa isang kondisyon,"hindi sya nagsalita at hinihintay lang ang mga susunod na sasabihin ko, "after this mission, I want a two years vacation with no contact at hindi mo ako guguluhin."
"That's too long, alam mo namang isang minuto palang miss na miss na kita dalawang taon pa kaya,"pabebe nitong saad, hindi ko naman pinansin ang sinabi nya dahil lalala lang ang pagiging pilosopo nito kung sasagutin ko pa.
BINABASA MO ANG
His Dangerous Obsession(BL Story)
General FictionWARNING: This contains matured scenes not suitable for very young audiences. Read at your own risk. R+18