Gumising agad ako nang maaga at nag-ayos. Napagdesisyunan kong tumuloy sa paga-apply sa Monteclaro Wine Company.
Sana naman bakante ang posisyon na iyon ngayon. Nang matapos akong mag-ayos ay tinignan ko muna ulit ang sarili ko sa salamin.
Nang makuntento na ako ay umalis na ako sa apartment ko at dumiretso sa sakayan ng jeep. Magpapabango na lang ulit ako. Walk in ang gagawin ko ngayon. Well, sana makilala ako nung lalaki.
Nang makarating agad ako ay hinarang ako ng guard. Hinihingi ang Id ko pero wala ako noon.
"Ma'am, ID niyo po?"
"Ahm, I don't have my ID," saad ko, may sasabihin pa sana ako kaso biglang nagsalita 'yung isang lalaki.
"Are you Ms. Daira?" Nagulat ako ng tanungin niya ang pangalan ko. Alam niya, stalker ko ba 'to?
"Yes I am Daira. Why?"
"Ma'am, this way please," sabi niya at umuna ang lalaki. Kaso bago siya umuna ay tumingin muna siya sa guard at binigyan ng isang makahulugang tingin.
Pumasok kami sa elevator at pinindot nung lalaki 'yung pinaka top floor. Marahil ay nandoon ang opisina nang CEO.
Ilang minuto lang din ang tinagal bago kami makarating sa top floor. Sinundan ko lang ang lalaki hanggang sa makarating kami sa isang meeting room. Iniwan na niya ako kaya naman kaming dalawa na lang nung lalaki na nandito. Naka-upo siya sa isang swivel chair at nakatingin sa malaking glass wall na kitang kita ang kabuuoan ng siyudad.
Mamaya ay nilingon na niya ako. Nakatayo pa rin ako Hanggang ngayon. Bakas sa mga mukha niya ang gulat sa pagkakita sa 'kin.
"You're not Daira," saad niya. Ang lalaking humarap sa akin ay 'yung lalaking nakasabay ko sa jeep kamakailan lang.
"I am Daira. I guess the guards got the wrong one," saad ko.
"What are you doing here?" Ibang iba 'yung tono niya, hindi katulad kahapon. Kinikilabutan na ako, dapat pala hindi na ako nagpunta dito.
"I'd like to apply here in your company sir—" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang magsalita siya.
"You're very unprofessional Ms. You should have emailed the company first before you came here," saad niya at humigop sa kaniyang kape. "Hindi 'yung basta basta ka na lang pumupunta. Isa pa naman 'yan sa pinaka-ayaw ko—" hindi na niya natapos ang sasabihin niya ng may pumasok sa babae sa loob.
"S-sir, sorry for barging in. I'd just like to tell you na hindi raw po makakapunta si Ms. Daira."
"You're fired," diretsong sabi nung lalaki.
"P-pero sir," magpupumilit pa sana 'yung babae kaso inunahan na siya nung lalaki.
"Alam mo naman na ayaw na ayaw kong biglang bigla napasok sa loob without knocking. This is the second time you've done that. Ayaw ko nang makita ang pagmumukha mo. Kaya umalis ka na bago kita ipakaladkad sa guwardiya."
"Yes po sir," huling sabi nung babae at umalis.
"You'll be my new secretary. Ngayon ka na magsimula. You'll have your own office. Let me see your resumé first," binigay ko 'yung resumé ko sa kaniya at saka nanahimik.
"You graduated Magna Cum Laude, that's great," binalik na niya 'yung resumé ko. Parang nag-iba agad 'yung mood niya.
"Camilla Daira Ramos, I'll call you Daira. Wanna know my name?" Moody 'tong isang 'to. Malakas din 'yung tama.
"Sir, I know your name. You're Ziel Adonis Monteclaro, the owner of this company,"
"You're good. I like it, anyways, halika na, I'll tour you in the company," sabi niya at agad na tumayo.
Nauna siyang maglakad kaysa sa akin. Kaya naman para akong kuting na nakasunod sa kaniya. Konti lang din naman ang mga makikita mo rito, tanging tatlong opisina lamang ang naririto, ang office ng CEO, ang office ng secretary, at ang Isa pang office, marahil ay sa COO iyon, at dalawang meeting room.
"You'll stay in my office for a few days para malaman mo kung anong mga kailangan mong gawin at ang mga patakaran ko. But first, pumunta muna tayo sa mall. Let's go."
"Sir, ako kasama niyo?"
"Obvious naman 'di ba? Alangan namang 'yung guwardiya 'yung isama ko. Tantanan mo na 'yung mga tanong mo." Huli niyang sinabi at bumaba na kami sa basement at kinuha niya ang susi ng kotse niya, isang Lamborghini ang kotse niya, binuksan niya 'yung passenger seat at pinasakay ako roon.
"Call me Ziel kapag wala tayo sa kompanya," sabi niya kaya naman tumango ako.
"Ziel," pag-ulit ko at may ngiting sumilay sa aking mukha.
"Hmm?" Rinig kong sabi niya kaya naman sinagot ko siya.
"Wala wala," sabi ko at tumingin na lang sa bintana.
"Sa park na lang pala tayo pumunta," sabi niya at tumango ako.
Ilang minuto lang ang tinagal bago kami makarating sa park. Maraming tao, 'yung iba may dalang mga aso, 'yung iba kasama 'yung pamilya nila at 'yung iba naman, kasama 'yung mga jowa nila.
Pinagbuksan niya ako ng passenger seat at inalalayan ako palabas. Halatang mukha kaming tumakas sa trabaho namin dahil nakapang-office kami.
Tanghaling tapat kaya mainit 'yung ibang banda ng park, pero kahit ganoon ay marami pa ring mga tao.
"Gusto mo ba dito o ayaw?"
"Okay lang naman po ako dito."
"Stop with the po, bata pa ako at halos magkasing-edad lang tayo. Ilang taon ka na ba?"
"Twenty-three na."
"O, twenty-three ka lang pala e! Twenty-five lang naman ako, I'm just two years older than you. Ayoko na rito. Let's go somewhere else," sabi niya at bumalik kami sa kotse niya, hindi pa nga kami nakakapaglakad-lakad sa malayo ayaw na agad ng lalaking 'to.
Inalalayan niya ulit ako sa passenger seat at pagkatapos ay nag-drive na siya. Tahimik lang kami kaya naman nagsalita ako.
"Bakit ka nga pala nag-jeep kahapon?"
"My brother dared me to do it. Kapag daw hindi ko nagawa 'yon ay hindi niya ako tutulungan."
"Tutulungan saan? If you don't mind me asking."
"Well, gusto akong ipakasal ng tatay ko sa isang babaeng ayaw ko, at iyon si Amanda Daira Degrada. Kaya napagkamalan ka kanina ng guards na Ikaw siya."
"You're having a arrange marriage?"
"Oo, pero ayaw ko. I like to marry a woman na mahal ako at mahal ko. Gusto kong ang pakakasalan ko ay isang babaeng kilalang kilala ko."
"Hmm," iyon na lamang ang nasabi ko.
Buong araw kaming namasyal. Kung saan saan kami nakarating, sa mall, parks, beach, restaurants— na siya ang nanlibre, at iba't ibang shops.
Hinatid na rin niya ako pauwi kahit na sabi ko ay hanggang sa paradahan na lang ako ng jeep. Pagkauwi ko ay pagod na pagod ako kaya naman nakatulog agad ako. Excited na ako para bukas dahil may trabaho na ako!
End of Chapter Two
YOU ARE READING
Taming Mr. Ziel
RomanceIsang CEO ng Wine Company si Ziel Adonis Monteclaro. Marami rin siyang iba pang business kaya naman kilalang kilala siya. Ngunit isang araw ay nag-commute na lamang siya sa isang jeep dahil dinare siya ng kaniyang kuya at iyon ang tanging paraan pa...