Chapter One

7 3 0
                                    

I'm Camilla Daira Ramos, a twenty-three year old woman who lives in Manila. I already finished college and I'm looking for a job since I got fired from my last one.

So far, In all the companies I applied for, none of them still emailed me. That's why I am currently sitting on the couch wondering if I'll get a job by this week.

I have so many bills to pay and yet I don't have a stable job to support myself. I don't want to tell this to my parents since I already cut off my connections with them.

Pinutol ko na ang connection ko sa kanila dahil sa isang malaking pagkakamaling ginawa nila— ang isiping ipapakasal ako sa taong hindi ko naman mahal at kilala. Kaya't pagkatapos kong mag highschool ay umalis agad ako sa bahay at nagpuntang Maynila. Kahit na alam kong labis silang mag-aalala ay itinuloy ko pa rin.

Pagkatapos ko namang mag-kolehiyo ay agad akong natanggap sa isang kompanya bilang sekretarya ng may ari. Sa dami ng pinagagawa ng boss ko at sa liit ng sahod na ibinibigay niya ay gumawa ako ng isang kasalanang alam kong hindi niya ako mapapatawad. Pero siyempre, sinigurado ko munang hindi ako makukulong bago ko gawin 'yon.

'Yun nga lang, ngayon, nganga ako. Wala akong perang ipambabayad sa mga kuryente, tubig, credit cards at iba pa.

At dahil halos buong araw akong nakatunganga sa loob ng apartment ko ay naisipan kong lumabas para bumili ng makakain dahil kumalam na rin naman ang tiyan ko. Umaga pa ang huli kong kain.

Kinuha ko na ang itim na jacket kong nakasabit sa pintuan at naglakad na palabas. Wala ring masyadong tao sa labas. Marahil ay nasa mall ang mga iyon.

Nang makababa ako ay dumiretso ako sa sakayan ng jeep sa tapat. Naisipan kong kumain na lang sa mall. May natitira pa naman akong perang pang-gastos ko sa pang-araw-araw.

Habang nag-aantay ako ay may isang lalaking naka-suit ang tumabi sa 'kin. Hindi mapagkakailang mayaman siya dahil sa relong suot niya na Rolce Royce. Maitim ang kaniyang buhok at light brown ang kulay ng kaniyang mga mata. Maputi rin siya at matangkad. Mukha ring matalino. Kaso, bakit siya nandito? Nag-aantay ng sasakyang jeep? Masyado ata akong judgemental.

Ilang minuto rin ang inantay ko bago ako makasakay ng jeep. Nagulat na lang ako nang tumabi muli sa 'kin 'yung lalaki. Tinitigan ko siyang maigi. Nahuli niya akong nakatitig sa kaniya kaya naman nag-iwas siya ng tingin. Samantalang ako ay nakatitig pa rin sa kaniya. Hindi ko naman siya type kaya ba't ako mahihiya?

Nang marami-rami na ang nakasakay ay umandar na rin ang jeep. Sampung Piso lang ang ibabayad ko dahil diyan lang naman ako sa malapit.

Ibinayad ko na 'yung sampu at nanahimik na. Nakita ko 'yung katabi kong lalaki na nilabas niya 'yung pitaka niya at maraming kulay asul ang nasa loob. Huwag mong sabihin na iyon ang ipambabayad niya.

"Here Manong, this is my payment," sabi niya with an accent. Ang shala naman ng lalaking 'to! Isang libo pa ibabayad. Yayamanin..

"Naku hijo, wala akong panukli sa iyo," sabi ng driver at kumamot sa kaniyang ulo na animo'y may malaking problema.

Hindi na ako nakapagtiis pa kaya naman tinanong ko na siya, "saan ka ba pupunta?"

"Are you talking to me?" Halos mataray niyang tanong.

"Hindi ba obvious? Sa 'yo nga ako nakatingin e!" Pagtataray ko rin sa kaniya. Alangan namang siya lang ang magtaray.

"Sorry sorry, well, pupunta ako sa Monteclaro Wine Company," saad niya. Nagtatagalog din pala 'tong lalaking 'to e! 

"Manong, eto bayad niya," abot ko sa dryber.

"You're paying for me?" Tanong niya at rinig sa boses niya ang pagkabigla sa ginawa ko.

"Oo, sayang naman kung ibayad mo 'yang buong isang libo," sabi ko naman at saka tumingin sa cell phone ko.

"Thanks. But, I don't want to owe you," sabi niya na titig na titig sa akin.

"Then give me your number," sabi ko at muling ibinaling ang titig sa aking phone. Alam ko namang hindi niya ibibigay 'yon kaya iyun ang sinabi ko.

"Here," binigay niya sa akin ang business card niya. Nagulat ako sa ginawa pero kailangan ko nang bumaba ng jeep. Ibabalik ko sa 'yon kaso hindi niya tinanggap.

Natagalan din ako sa pagbaba kaya naman sinigawan na ako ng dryber ng jeep dahil marami ring napeperwisyo. Kaya naman bumaba na lang ako at walang nagawa.

Nagpunta na ako sa loob ng mall ay naghanap ng restaurant na makakainan. Eksakto namang nakita ko ang Shakey's kaya doon na ako dumiretso.

Um-order na ako at hinantay ang pagkain ko. Habang naga-antay at tinignan ko ang business card na binigay sa akin kanina nung lalaki.

Nakalagay doon ang kompanya, ang pangalan ng CEO at ang contact number.

"Ziel Adonis Monteclaro, CEO of Monteclaro Wine Company," mahinang sabi ko habang tinititigan ng maigi ang business card.

Sinearch ko agad 'yun sa Google at nakita kong ang Wine Company nila ay ang nangunguna sa lahat ng Wine Companies na may maraming sales. Hindi lang iyon ang Kompanya nila, marami pang iba. Sinearch ko rin 'yung CEO at nakita kong iyun 'yung lalaki kaninang nasa jeep. Bakit kaya siya nagco-commute?

Habang nasa malalim ang iniisip ko ay biglang dumating 'yung order ko, hindi ko agad narinig 'yon kaya naman nagulat na lamang ako ng nasa harapan ko na 'yung pagkain.

Kinain ko na 'yun at pagkatapos ay umalis na ako at naglakad-lakad sa mall. Pumunta ako sa bookstore at saka tumingin ng mga libro.

Matagal ko nang pangarap ang magkaroon ng malaking bahay at magkaroon ng isang napakalaking library. Kaso nga lang, hindi ko pa maaring gawin 'yon dahil wala akong mapaglalagyan sa loob. Dahil nga sa isang apartment lang ako nakatira.

Kinuha ko 'yung isang libro na gustong gusto ko at binayaran na 'yon sa counter. Marami-rami na rin akong libro sa bahay siguro mga nasa 30 plus na rin ang mga iyon.

Nang matapos akong mag ikot-ikot ay umuwi na ako. Habang nakahiga ako sa kama ay naisipan kong pumunta bukas sa Monteclaro Wine Company, baka puwede akong mag-apply bilang secretary doon dahil hindi ko pa naman naa-applayan 'yon at wala pa rin namang tumatanggap sa akin.

End of Chapter One

Taming Mr. ZielWhere stories live. Discover now