Chapter Four

7 2 0
                                    

Ziel's POV

Nasa opisina kami ngayon ng kuya kong si Kuya Mateo na limang taon lang ang tanda sa akin.

"Hindi ka na ikakasal kay Daira kaya wala ka nang dapat pang isipin pa sa kaniya. Tapos na rin ako sa trabaho ko sa States kaya dito na ulit ako."

"Thank you kuya."

"Pero, sino 'yung babaeng kasama mo? Girlfriend mo?" Pag-usisa ni kuya. Don't worry kuya, magiging girlfriend ko rin si Camilla— wait what? Did I just really said that?

"She's my new secretary."

"Hmm, I like her," parang nag-init ang ulo ko sa sinabi niya.

"What do you mean by that?"

"Nothing. Magaan lang ang loob ko sa kaniya. Nothing more, nothing less. So don't worry Ziel," mahinahong sabi ni Kuya Mateo sa 'kin. Kaya naman wala na rin akong ibang nagawa kung hindi tumango na lamang.

"So, kailan ka maguumpisang mag-trabaho?"

"Ngayon na, you should go to your office now, iyun lang naman ang kailangan kong sabihin sa 'yo," sabi niya at umupo sa swivel chair niya.

Kaya naman umalis na ako at nagtungo sa opisina ko. Pagkapasok ko ay nakita ko si Camilla na naka-upo sa sofa at nakatingin sa kawalan. Malalim yata ang iniisip niya at hindi niya ako napansin. Pinuntahan ko na lang kung nasaan siya at umupo sa tabi niya. Nang maramdaman niya ang presensiya ko ay nagulat siya dahil halos magtama na ang mga labi namin dahil sa sobrang lapit ng mukha namin. Napatalon siya dahil sa bigla samantalang ako naman ay naka-upo pa rin.

"S-sir, andiyan na po pala kayo," mahinahon na sabi niya at tila nahihiya pa.

"Upo ka muna dito," tinapik ko pa ang kaninang inupuan niya. Nagaalanganin pa siya ngunit umupo rin naman sa tabi ko.

Naamoy ko ang pabango niya, mukhang baby cologne ang gamit niya. Napangiti ako sa naisip ko at eksaktong napatingin naman sa akin si Camilla kaya naman parang nagtaka siya.

"Ang pabango na gamit mo, baby cologne?" Tanong ko at nakangiti sa kaniya. Nag-iwas siya ng tingin na para bang nahihiya.

"Ahh... e.. opo e... Wala na akong ibang mahanap na pabango sa bahay kaya ayun na lang 'yung ginamit ko. Ayaw niyo ba ng amoy?" 

"Hindi naman, sa lahat kasi ng naging sekretarya ko, Ikaw ang unang gumamit ng baby cologne na pabango. And, I like it, don't worry," sabi ko at saka ngumiti sa kaniya.

"Halika na, mag-start na tayo. Ituturo ko muna sa 'yo kung anong mga schedules ko. Kailangan mo ring malaman ang ibang pangalan ng mga board members at bukas ka na rin pala pipicture-an," sabi ko at nagtungo sa mesa kung saan doon muna si Camilla magtatrabaho.

Nakasunod lang siya sa mga ginagawa ko. Nasa harapan kami ngayon ng computer niya at siya naman ay naka-upo.

"Okay ka na? May kailangan ka pa bang itanong or hindi pa naintindihan?" Pagtatanong ko kay Camilla nang matapos kong sabihin ang lahat ng kailangan niyang gawin.

"Yes po sir! Okay na po ako! Ready na akong mag-work," masiglang  sabi niya at nakangiti pa. Kaya naman pagkaharap niya sa akin ay pinisil ko ang pisngi niya. Napangiti na lang din ako sa ginawa ko.

Umupo na ako sa swivel chair ko at binuksan ang loptap ko, una ko munang tinignan ang mga emails ko, buti na lang at wala akong email mula sa ama ko.

Next naman ay tinignan ko ang mga papeles kong kailangang pirmahan. Ang napirmahan ko ay nasa right side ko samantalang ang mga hindi ko pinirmahan ay nasa left side ko.

Mabilis lumipas ang oras na hindi ko namalayang lunch na pala. Pati si Camilla ay hindi rin iyon namalayan, wala naman kasing bell dito na nagsasaad na lunch time na, sa mga departments ay meron. Pero dahil opisina lang ng CEO, COO, at Secretary ay hindi ko na pinalagyan ng bell pa. Para na rin hindi ako maistorbo sa mga trabaho ko.

Pero nakaramdam ako ng gutom ngayon kaya naman inaya ko si Camilla na kumain kami ng lunch. Ayaw niya dahil daw nagbaon siya ng lunch niya.

"Sir—"

"Hindi ba't sinabi kong huwag mo 'kong tatawagin na Sir kapag walang tao na nakapaligid sa atin. Call me Ziel," direktang sabi ko sa kaniya.

"S-sige, Ziel, Ikaw na lang muna ang kumain sa labas ng lunch dahil may baon ako. Kung gusto mo share tayo, kung kakain ka nito e," tinuro pa niya ang lunch box niya na ang ulam ay chicken. Home made chicken iyon.

"Sige, subuan mo 'ko. Ahh," ngumanga pa ako kaya naman napangiti siya at saka lumapit.

"Sure ka?"

"Oo nga. Subuan mo na 'ko, dali." Sabi ko at binuksan muli ang bibig ko. Sinubo niya sa akin 'yung chicken na may kanin. To be honest, masarap 'yung chicken a! Baka mamaya kung anong iniisip niyo diyan e!

"Ano? Masarap ba? Anong lasa? Okay ba?" Suno-sunod niyang tanong kaya natawa ako ng mahina.

"Ano nga?! Hindi ba okay?! Sige, ako na lang kakain nito," aalis na sana siya ng pigilan ko siya.

"Masarap, subuan mo pa ako, masarap talaga pramis!" Nang sabihin ko 'yon ay parang nabunutan siya ng tinik at isinubo niyang muli ang pagkain sa bunganga ko.

Hindi ko na namalayan na ako na pala ang umubos sa baon no Camilla at wala siyang nakain sa binaon niya. Kahit isang subo wala! Dahil lahat ay kinain ko na at ngayon ay nasa tyan ko na.

"Camilla, sorry, naubos ko 'yung pagkain mo. Bili na lang tayo sa labas. Libre ko, tutal ako naman ang kumain sa pagkain mo e," sabi ko at sana naman ay pumayag siya.

Nag-isip siya sandali at saka nagsalita, "sige, kain tayo sa labas. Gutom na rin naman ako e. Ikaw kasi e! Kinain mo lahat! Wala tuloy natira sa baon ko," sabi niya na nakapagpatawa sa akin ng malakas.

Natawa ako sa sinabi niya at saka ngumiti, "o siya, halika na," sabi ko at tumayo na.

Lalabas na sana ako nang biglang nagbukas ang pinto. Inliluwal niyon si Kuya Mateo na may hawak-hawak na folders.

"O, saan ka pupunta?"

"Magla-lunch na."

"Ilalapag ko na lang 'tong ibang kailangan mo pang pirmahan," sabi niya at saka nagtungo sa desk ko. Habang narinig ko namang nagsalita si Camilla. Pero hindi ko na iyon masyadong inintindi at lumabas na.

End of Chapter Four

Taming Mr. ZielWhere stories live. Discover now