Chapter Five

2 2 0
                                    

Third person's POV

Ilang minuto lang din ang tinagal bago makarating si Ziel at Camilla sa Blackbird Makati kung saan sila magla-lunch.

Umupo na sila sa isang bakanteng lamesa at hinayaan na ni Camilla na si Ziel ang um-order.

"Ba't dito tayo kakain? Mahal dito hindi ba?"

"Oo, libre ko naman kaya 'wag kang mag-alala," walang emosyong sabi ni Ziel.

Hindi rin nagtagal at dumating na rin ang inorder ni Ziel. Halos kalahati ng dish ng Blackbird ay in-order ni Ziel. Takam na takam si Camilla kaya naman hindi na niya inisip pa si Ziel at kumain na.

"Gutom na gutom ka a," paninimula ni Ziel dahil walang imik si Camilla.

"Inubos mo kasi 'yung pagkain ko. Pinaghirapan kong lutuin 'yun tapos Ikaw lang 'yung kakain at hindi at makakatikim," direktang sabi ni Camilla ay kumain nang muli. Hindi na nagsalita pa si Ziel dahil tinitigan na lamang niya si Camilla.

Nang matapos silang kumain ay dumiretso na sila sa kompanya dahil tambak ang pipirmahan ni Ziel.

Habang nakasakay sila sa elevator ay hindi na mapigilan pa ni Camilla na magtanong ng kung anong bagay Kay Ziel.

"May special someone ka na?" Hindi na napigilan pa ni Camilla ang mga katagang binitiwan niya.

"Bakit mo naman tinatanong?"

"Wala lang. Curious lang. Well, matalino ka, may kompanya ka, guwapo ka rin namang lalaki at may pagka-gentleman ka rin, kaya gusto ko lang malaman kung may special someone ka na?"

"Well, it's a secret," sabi niya at ngumisi pa rito.

"Hmmp," iyon na lamang ang nasabi ni Camilla at saka lumabas ng elevator.

Nagpunta na sila sa loob ng opisina ni Ziel at nagsimula nang mag-trabaho. Wala silang imik pareho kaya naman nakakabingi ang katahimikan doon. Nabasag lamang iyon ng pumasok ang kuya Mateo ni Ziel na may bitbit na paper bags.

"Good afternoon po sir," sabi ni Camilla at nagtrabahong muli. Nginitian lamang siya ni Mateo at nagtungo kay Ziel.

"Ano 'yan?"

"Para sa iyo raw. Galing kay Quien," ibinigay na nito kay Ziel ang paper bags at umalis na.

Ziel's POV

Tinignan ko ang laman ng paper bag na binigay sa akin ni kuya Mateo. Ang laman noon ay puro baked goods. And may Isa pang letter na nakalagay.

Tinignan ko iyon at nakitang sukat kamay iyon ni Quien, binasa ko ang sulat na nandoon at nagulat na lamang sa nabasa.

Ziel, I know na matagal nang walang tayo. But I hope you can forgive me for what I've done to you before. Hindi ko 'yon sinasadya. I'm really sorry. And I want you to know that I still love you until now. I never stopped loving you.

Mabilis kong nilukot ang papel at itinapon sa basurahan. Ang kapal din pala ng pagmumukha nang babaeng iyon at nagparamdam pa. Matapos ng ginawa niyang katangah*n, magpaparamdam siya na parang patatawarin ko agad siya.

"Camilla, umuwi ka na muna. Bukas mo na ituloy 'yang trabaho mo," sabi ko at tumayo na.

"Pero sir, mamaya pa po ang labas ko—"

"I said, umuwi ka na. Wala kang makakasama sa office. Aalis ako kaya umuwi ka na rin."

Tumango na lang siya at inayos ang gamit niya. Pagkatapos noon ay lumabas na rin siya. Hindi ko rin alam kung bakit ko ginawa 'yon. Ang alam ko lang ngayon ay gusto kong magpakalasing. Kaya naman nagpunta muna ako sa bahay at nagtungo sa mini bar. Binuksan ko ang Isa sa pinakamamahaling alak doon at nilaklak iyon.

Ilang oras na rin akong nainom sa may mini bar sa loob ng bahay. Nakailang alak na ako. Mga nasa pitong bote na rin ang nainom ko. Pero wala akong paki-alam. Habang inaalala ko ang nangyari noon ay hindi ko na lamang napigilan ang mapaluha.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa mga oras na 'yon. Si Quien— may kahalikang ibang lalaki sa bar. Gusto ko siyang komprontahin pero hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko.  Gusto kong suntukin 'yung lalaking kahalikan niya pero wala akong magawa. Ni hindi ako makagalaw sa puwesto ko. 

Nagbabadya nang lumabas ang nga luha ko kaya naman lumabas ako ng bar. Gabi na noon at umuulan din ng malakas. Hindi ko alam kung saan ako pupunta pero drive lang ako nang drive. Hanggang sa makarating ako sa isang beach resort. Nag-check in ako at doon nagpalipas ng gabi. Buong gabi akong nag-inom. Hanggang sa mawala na ako sa katinuan at nagpunta sa beach. Balak kong lunurin ang sarili ko.

Nasa kalagitnaan na ako ng dagat ng may biglang isang lalaking umawat sa akin. Iyon 'yung life guard. Agad nila along dinala sa hospital at doon ako na-confine ng three days.

Binisita agad ako ni Quien sa ospital. At doon ko rin siya kinompronta tungkol sa nakita ko. At sinabi naman niya ang totoo na nakipaghalikan siya sa ibang lalaki at hindi na rin niya ako mahal. At doon na rin siya nakipaghiwalay sa akin. Pinilit ko pa siyang mag-stay pero ayaw niya. Nagmakaawa na ako't lahat lahat pero wala. Ayaw niya pa rin.

Napasinghap na lang ako ng maalala ko lahat ng nangyari noon. Hindi ko na rin napigilan ang sarili kong tawagan si Camilla dahil kailangan ko ng karamay ngayon. Mabuti na lang at sinagot niya ang tawag.

"Pupuntahan kita sa apartment niyo, mag-handa ka na," pagkasabi ko niyon ay pinatay ko na agad ang tawag. Kahit naman naka-inom ako ay hindi pa ako gaanong lasing at kaya ko pang magmaneho.

Pinuntahan ko na ang apartment ni Camilla at naghintay sa baba. Hindi naman siya nagtagal at dumating na rin. Ipinagbukas ko siya ng passenger seat at nagmaneho pagkatapos. Hindi ko alam kung saan kami pupunta. Hanggang sa mapadpad kami sa isang rest house namin dito sa may Pampanga. Ilang oras din ang tinagal bago kami mapadpad dito. Buong biyahe ay walang nag-imikan. Kaya naman buong biyahe ay naka-open ang stereo ng kotse.

"Anong ginagawa natin dito?" Tanong ni Camilla ng makababa kami sa kotse.

"Dito muna tayo," sabi ko at dumiretso sa loob ng rest house.

Matagal ko nang hindi nabibisita itong rest house na 'to kaya naman nagulat na lang ang mga care taker doon nang magpakita ako.

To be continued... next Chapter

Taming Mr. ZielWhere stories live. Discover now