CHAPTER 4

43 4 0
                                        

TRIGGER WARNING: This chapter contains themes of mental illness, hysteria, family pressure, infidelity, child loss, and miscarriage that may be triggering or distressing to some readers.

"NO! DON'T touch my baby! Don't touch me! Let me go!"

Nag-hysterical na nadatnan ni Diana ang kaibigan sa kwarto nito.

Dalawang nurse ang pilit na pinapakalma si Eunice at pinipigilan ito sa kama. Akmang papagalitan na sana niya ang mga ito nang biglang pumasok ang doktor, si Dr. Gregant na kahapon lamang dumating.

"Doc Gregant..."

Nanlaki ang mata ni Diana. Kung hindi siya nagkakamali, siya rin ang doktor ni Eunice tatlong taon na ang nakalilipas.

What a coincidence... or maybe fate?

"How was she?" tanong ni Diana, halatang nag-aalala.

"Based on the test results her former doctor showed me, wala naman dapat ipag-alala. But I have to talk to at least a family member," sagot ng doktor.

"She got no one. Ako at si Diana lang ang pinaka-closest na pwede mong tawaging famil—" sabat ni Dwayne pero pinutol siya ng doktor.

"Her husband will do."

"SIR, THE MEETING will start in a minut—" Ani Azrael, ang secretary ni Keus, nang biglang pumasok ang babaeng nagbibigay sa amo niya ng matinding sakit ng ulo.

"You can't do this to me, Keus! Something happened between us and you can't deny na you could be the father of my baby!" sigaw ni Ayn.

Napahilot ng sentido si Keus. Inakala niyang iba si Ayn, na mas mataas siya kaysa sa mga babaeng desperada. Pero nagkamali siya.

Ilang araw nang ipinipilit ng kanyang ina na pakasalan niya si Ayn dahil sa batang dinadala nito.

Pero paano niya gagawin iyon, kung hanggang ngayon, the person his is tied with are nowhere to be found.

"Pwede ba, Ayn? I won't run away from you!" sigaw ni Keus, halos maubos na ang pasensya.

He was just drunk that night. Hindi niya alam ang nagawa. Ang gusto lang niya ay maibsan ang bigat sa dibdib. Kaya tuwing natatapos siya sa trabaho, dumidiretso siya sa bar para malasing. Pero hindi niya inasahan na magigising siya sa tabi ng dalaga na hubad, magkasama sa iisang kama.

"Is it because of your bitch wife?! My God, Keus! Apo ko ang nasa sinapupunan ni Ayn! I didn't raise you just to disobey me!" galit na sigaw ng ina ni Keus sa loob mismo ng opisina.

Umalingawngaw iyon sa apat na sulok ng silid.

Naririnig niya lahat, naiintindihan niya. Pero hindi siya makapagdesisyon.

Maybe because deep inside, Keus is still waiting for someone.

Hanggang naalala niya ang litrato mula sa taong inutusan niyang hanapin ang asawa niya. Don't get him wrong, plano lang talaga niya iyon. Pero habang pinipilit niyang mag-isip ng paraan para maibalik ang lahat sa dati, isang katotohanan ang sumampal sa kanya...

Siya lang ang nasaktan. Siya lang ang iniwan. At siya lang ang patuloy na naghihintay.

Muli siyang nalasing hanggang mawalan ng ulirat.

"I didn't plan this. Akala ko, kasama ng mga kasinungalingan mo ay tuluyan na ring nawala ang faith ko sa'yo. Pero siguro, hindi pa sapat ang pagdurusa ko..." bulong ni Keus kasabay ng pagbuhos ng ulan.

ONE WEEK na confined si Eunice sa hospital room. Ang tanging ramdam niya lang ay lungkot. Wala siyang makita ni anino ng kanyang little Bryle.

She missed him so much. Unti-unti na ring tumulo ang mga luha sa kanyang mata.

"C-Come on, l-little Bryle... D-Don't hide from tita Eunice. I-I promise, tita won't force you to eat veggies anymore kahit good 'yon sa health mo. Hindi na rin kita iiwan sa school. You can eat all the chocolates you want. Just please... come back. Tita and daddy are so sad. Your baby twin brother and sister miss you too..." umiiyak na bulong ni Eunice habang nakatanaw sa bintana.

Napapikit si Diana, hindi na napigilang maluha habang pinakikinggan ang kaibigan. Ramdam niyang wasak na wasak na ito.

Walang magawa si Diana kundi umiwas ng tingin at tumalikod. At doon niya nadatnan ang kuya niyang si Dwayne na kararating lang mula sa kompanya.

"Kuya..." halos pabulong niyang tawag.

Dwayne put his hand on her shoulder, comforting her before speaking.

"Keus got Ayn Ruiz pregnant, I heard it from his secretary," panimula ni Dwayne. "Hinahanap na nila si Eunice. Keus wants to end his relationship with her."

Nanlaki ang mata ni Diana. Hindi agad pumasok sa isip niya ang sinabi ng kuya. Ilang minuto pa bago tuluyang nag-sink in.

Pero natauhan siya nang bumukas ang pinto. Nandoon si Eunice, pilit nakangiti, pero bakas na bakas ang sakit sa likod ng maskara niya. Nang bumagsak ang luha nito, tuluyan ding gumuho ang mga puso nila.

"Diana, Dwayne... uuwi na ako. P-Please let me," hikbi ni Eunice.

Hanggang tuluyang bumigay ang emosyon niya. Yumakap si Diana sa kanya habang humahagulgol.

"I'm sorry... I'm really sorry. I failed you... I'm sorry," iyak ni Diana.

THE NEXT DAY, dumalaw si Dr. Gregant bago siya umalis.

"I don't wanna go back here... can I?" mahina ngunit matatag na tanong ni Eunice.

Napatingin ang doktor sa kanya, diretso sa mga mata. Naalala niya pa noong una siyang dumalaw rito, hindi dahil sa guardian, kundi dahil gusto niyang lumaban.

"I want to be finally free. I want to be a good mother to little Bryle. I want to give him a better environment. And I think I'll start with myself."

Bakas sa mata ni Eunice ang determinasyon. At doon, hindi na napigilan ni Dr. Gregant ang paghanga.

Hindi na niya kailangan ng maraming gamot. Unti-unti, siya mismo ang nagbabago. At masaya ang doktor para rito.

Pero matapos ang ilang taong kasal kay Keus, he was now seeing her again. Just like how she was more than a decade ago.

Broken. Lost. Shattered.

"Bryle, anak! Please, don't leave... tita Eunice is begging you!" iyak ni Eunice.

"Doc, kanina pa po siya nagwawala—"

"Doc Sanchez!" tawag ng nurse.

Agad nagmadali si Gregant nang makita ang dugo na dumaloy sa hita ni Eunice.

"Call Doc Joson! Bilis!" sigaw niya.

"N-No... Gregant, my babies!" nanginginig na iyak ni Eunice habang hawak-hawak siya ng doktor.

ECHOES OF OUR VOWSWhere stories live. Discover now