Chapter Eight

350 10 2
                                    

STILL KEN POV
Inaya kami ni Josh sa isang party kasama si Pau, agad nga akong inasar kay Pau eh nalaman niya lang na mag kasama kami. Naku talaga 'tong si Josh mapang-asar.

Habang nagkakasiyahan sa party hindi ko namalayan na wala na pala si Pablo sa tabi ko!

Nag panic ako dahil wala naman siyang kakilala dito sa party baka mamaya ay pinagtritripan na 'yun ng mga babae dito kaya kaliwa't kanan akong tumingin-tingin sa paligid dahil sobrang kaba ko. Sobrang kaba ko na may mangyaring masama sa kaniya.

Nabubunggo ko na rin ang ibang tao sa venue kakahanap kay Pablo, hanggang makita siya ng mga mata ko! Lasing na lasing at kasama si Josh! Haytek ka talaga, Josh!!! Kung saan-saan mo hinila si Pau!
Agad ko naman siyang nilapitan at ngumiti siya ng makita ako at inaaya uminom, lagot talaga sa'kin 'tong si Josh!

Pinipigilan ko naman na siyang uminom at pilit na pinapatayo sa pagkakaupo niya sa sahig. “Gusto ko pa'ng uminom, Ken!” Saad niya habang kumakawala sa pagkakahawak ko, kulit mo talaga, Josh!

“Tama na 'yan, Pau lasing na lasing ka na oh!” Saad ko sa kaniya habang inaalalayan siyang tumayo

“Hindi pa ako lasing haa! Ha-hayaan mo ako ditoo!!” Sigaw niya pa kaya ang ibang tao ay napapatingin sa aming dalawa.
“Pablo, uuwi na tayo!” Saad ko habang tinatayo siya

Mabuti naman na hindi na siya nag laban pa at lumakad na kami palabas ng venue at sinakay ko siya sa kotse niya at nag simula na akong mag drive.

***
“Bakit mo ako pinauwi?!” Galit na tanong niya

“Lasing na lasing ka na Pau! Bukas niyan sobrang sakit ng ulo mo, kakagaling mo lang nung isang linggo sa sakit tapos umiinom ka kaagad?” Sermon ko sa kaniya habang nag hahanap ng damit pambahay na pwede niyang maisuot.

Nang makakita na ako ay agad ko siyang nilapitan, nakatingin siya sa akin habang kukurap-kurap. Nagulat din ako ng bigla siyang umiyak, hala baka sabihin niya pinaiyak ko siya!

“Pinipigilan mo akong uminom?! Ehh wala ka naman nararamdaman eh! Sobrang t*nga ko kasi ikaw! Ikaw!” Saad niya habang tinuturo ako!
Hinila niya ako sa damit ko dahilan para makalapit pa kami sa isa't isa. Sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa.

“Anong karapatan mo na pigilan ako? Bakit mahal mo ba ako? Hindi mo kasi alam yung nararamdaman ko eh! Para sa'yo Ken!” tinutulak tulak niya pa ako habang ang higpit ng hawak niya sa damit ko, tulala lang ako habang sinasabi niya 'yon.

“Ang pa-fall mo kasi eh! Inaalagaan mo ako! Inaakikaso mo ako! Tapos ano?! Aalis ka din? Iiwan mo ako? Hahayaan? Lalo na may nararamdaman na ako sa'yo? Nakakainis ka!” Umaagos ang luha niya habang sinasabi 'yon at tinuturo ako, mukhang wala siya sa sarili niya.

Totoo ba 'to? O nasasabi niya lang 'to dahil lasing siya? Hindi nakakapagsinungaling ang mga lasing.

“Alam mo pina-pinakita m-mo ka-kasi sa'kin eh! Na dapat ikaw na lang! Mahal na mahal kita! Ken ako na lang! 'Wag na si Stell! Ako!” Hindi niya na natuloy ang sasabihin niya pa dahil nakatulog na siya sa kalasingan.

Para akong hindi makagalaw dahil sa mga sinabi niya, sa mga binanggit niya. May nararamdaman din siya sa'kin?

Pinalitan ko na ang suot niyang damit dahil nasukahan niya 'yun kanina, hindi pa rin mabaon sa utak ko ang mga sinabi niya.

Kaya hindi ko maalis ang titig sa kaniya, totoo ba 'yun? Hindi tuloy ako makatulog sa mga sinabi niya, “Mahal na mahal kita! Ken ako na lang!” paulit ulit kong naririnig 'yon.
Hindi ko alam kung lasing lang siya kaya pangalan ko ang binabanggit niya.
Ayoko mag assume! Ayokong umasa!

***
Tumayo na ako sa kinahihigaan ko para makapag luto na ng almusal. Para makakain na rin si Pablo at makainom ng gamot para sa sakit ng ulo, dahil alam kong sasakit ang ulo niya.

Habang nag luluto ako ay nagising na pala siya, nakahawak siya sa noo niya habang bumaba.

“Ano masakit ulo mo?” Tanong ko sa kaniya, umupo naman siya sa dinning table.

“Oo eh, ano ba'ng nangyari kagabi?” Saad niya at napahinto ako dahil naalala ko ang mga pinagsasabi niya.

“Na lasing ka.” Maikling sagot ko sa kaniya

“Pinilit pilit kasi ako ni Josh eh” Saad niya habang nakahawak pa din sa ulo niyang masakit, mas masakit pag walang ulo!

“Bakit ka pumayag?” Tanong ko

“Eh pilit niyang pinapainom sa'kin, sabi ko isang try lang pero dinamihan niya na ang pag papainom sa'kin, tapos yun hindi ko na alam yung mga nangyari pa.” Saad niya at nilagay ko na sa mesa ang pagkain na niluto ko.

“Oh ayan kumain kana.” Saad ko sa kaniya at nilagyan ng pagkain ang plato niya.
“Ano ba'ng nangyari kagabi?” Tanong niya

“Ayoko sabihin, saka baka sabihin mo inimbento ko lang mga sinabi mo kagabi” Saad ko sa kaniya at kumunot ang noo niya

“Sabihin mo na para malaman ko” Pangungulit niya

“M-may nararamdaman ka ba para sa'kin?” Bigla kong tanong at nagulat din siya doon.

“M-may nararamdaman?” Pag ulit niya sa sinabi ko

“Oo Pablo! Hindi ko alam kung totoo ba yung sinabi mo sa'kin na gusto mo ako eh, na may nararamdaman ka para sa'kin”

“Hindi ko alam kung nababanggit mo lang ang pangalan ko dahil ako ang kasama mo no'n! Please ayokong umasa!” Saad ko pa na nag pabigla sa kaniya

“N-nasabi ko sa'yo yun? Na gusto kita? O-oo! Totoo 'yun! Ewan kung paano nag simula, kung paano ko naramdaman” Saad niya at napatayo na rin
Hindi ako makapagsalita para akong tinanggalan ng boses dahil sa sinabi niya, totoo na may nararamdaman siya at hindi yun biro lang.
“H-hindi ko alam eh! Paano ba kita minahal? Kasi pinakita mo sa'kin na dapat ikaw! Ikaw yung tao na piliin ko” Tumutulo ang luha niya hindi ko alam kung bakit ako napahinto sa pag amin niya.

Niyakap ko na lang siya, hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa ngayon na alam ko na.

End Of Chapter Eight
Ang Sa'yo Ay Akin 
Sekentell Fanfiction 2023
All right reserved 2023*

Ang Sa'yo Ay Akin (SEKENTELL FANFICTION STORY)Where stories live. Discover now