After 3 years ago
KEN POV
Nagpakasal na rin kami ni Paulo sa ibang bansa at kakabalik lang namin dito sa Pinas. At dahil balak din namin mag ampon para magiging anak namin.“Na miss ko dito sa Pilipinas, tagal rin kasi natin sa ibang bansa eh” Saad niya habang nakatingin sa mga batang nag tatakbuhan at naglalaro dito sa bahay ampunan.
“Ako nga rin na miss ko ang pamumuhay dito, pero what if dito na lang ulit tayo manirahan?” Saad ko sa kaniya at tumingin siya sa'kin
“Mabuti rin 'yang suggestion mo, parang gusto ko na nga rin tumira ulit dito sa Pilipinas” Saad niya ulit habang tinitignan ulit ang mga bata.
Dahil napagod na rin kakalaro ang mga bata ay agad rin silang nag si-upo sa mga bench at tumatakbong palapit sa'min si Olivia, ang batang balak naming ampunin. Pawis na pawis siya kaya agad na kumuha si Pablo ng bimpo para punasan ang likod niya dahil baka matuyuan ito ng pawis. Kaya rin namin inampon si Olivia dahil grabe ang pinagdaanan niya. Lalo na sa kamay ng mga kamag anak niya, pinag malupitan daw ito ng kaniyang kamag anak ayon kay Sister Dahlia, na madre dito sa ampunan.
Kaya may trauma rin ang batang ito, gusto namin ni Pablo na malimot niya ang hindi magandang nakaraan.“ 'Wag ka masyadong mag pagod, huh? Baka matuyuan ka ng pawis at mag kasakit.” Saad ni Pablo kay Olivia at tumango ito.
Hindi pa namin officially na anak si Olivia pero si Pablo sobrang maalaga at maalalahanin na.
Kaya ko mas lalong minamahal siya eh, dahil husband material talaga siya.“Napaka maalalahanin naman ng langga ko sa future baby namin” saad ko at tumingin naman siya sa'kin
“Obligasyon naman natin na alagaan siya, at ibigay ang pagmamahal na hinahanap niya, 'di ba Olivia?” Pumantay pa siya kay Olivia, at tumango naman si Olivia bilang tugon.
“Ang cute cute niyo, at mahal na mahal ko kayo” saad ko at namula naman si Paulo kaya tumayo siya at yumuko.
At pagkatapos namin bisitahin si Olivia sa ampunan ay pumunta ulit kami sa Manila Bay para masaksihan ang magandang pag lubog ng araw.
“Naalala mo ba nung una tayong nag punta dito?” Tanong ko sa kaniya at tumango siya
“Oo ang pabebe mo pa nu'n, yun pala nag bibigay ka ng sign na mayroon ka'ng gusto sa'kin.” Saad niya at natawa pa
“Bakit cute naman ako no'n ah? Hindi mo lang masabi kasi na cucutan ka talaga sa'kin” Pang-asar ko pa sa kaniya at tumingin siya sa'kin na parang nandidiri pa
“eh? Ako? Macucutan sa'yo? Eww” At tumawa tawa pa siya kaya hinampas ko siya ng mahina, ”Aminin mo na kasi na cucutan ka no'n, halata naman sa mukha mo” saad ko pa, at inirapan niya naman ako
“Kapal mo naman.” Saad niya at tumingin sa Sunset.
Nagbalik tuloy sa'kin nung una kaming pumunta dito nu'n, ang ganda parang movie. At parang movie rin nung nakasama ko siya dito, dito na palihim na pinaparamdam ang nararamdaman ko.
At ito na nga ngayon, napasa'kin na ang taong gusto ko lang mapasa'kin noon.
May chance pa rin naman pala na mahalin ka din ng taong mahal mo, basta 'wag ka lang sumukong iparamdam na mahal mo siya.
At dumating rin yung araw na puwede na naming makuha si Olivia at maging opisyal na anak si Olivia. At tumira na ulit kami dito sa Pilipinas dahil husto naming namiss ang buhay dito.
Pinag-aral rin namin siya sa paaralan para magkaroon siya ng mga kaibigan at para makahalubilo na siya sa mga tao, 6 na taon palang si Olivia pero napaka galing niya na sa mga bagay bagay na hindi pa kayang gawin ng kasing-edad niya.“Ga, alam mo proud ako kay Olivia, kasi tignan mo, bata palang siya pero ang dami dami niya ng alam sa mga bagay bagay” saad ko at dinala ang bag ni Olivia.
“Tignan niyo po Papa, Daddy nakakuha ako ng madaming stars” saad ni Olivia at ngumiti naman si Paulo,
“Very good naman ang anak ko, manang mana sa'min ng papa niya.” saad ni Pablo habang hinihimas himas ang buhok nito.
“Sa susunod galingan mo ulit para may stars ka ulit” saad ko at ngumiti lang si Olivia.
Ngumiti lang ito, at tinitignan ulit ang kamay niyang may stars, na ang swerte ko naman pala, hindi pala ako malas. Kasi dumating si Pablo at Olivia sa buhay ko at sila ang dahilan ko ngayon kung bakit ako bumabangon, bakit ako lumalaban. Sila ang mundo ko.
Sila ang nag papangiti sa'kin lagi.***
“Uy! Stell! Kumusta kana ngayon?” Tanong ko sa kaniya dahil nagkita kami ngayon sa grocery.
“Ito ayos lang naman ngayon, eh ikaw ba?” Tanong niya, malaki rin ang pinagbago niya.
“Ito masaya naman, may sariling pamilya na” sagot ko sa tanong niya
“Ah may pamilya kana pala, ako rin meron na”
“Tsaka gusto ko rin humingi ng tawad sa inyo ni Pablo, kasi napaasa ko lang kayong dalawa. Pinagutan ko kasi yung dinadala no'n ni Yza, kasi tinakbuhan siya nung tatay” Malungkot na saad niya.“Nung una pa nga eh ayaw niyang pumayag sa gusto ko pero pinilit ko na siya, kawawa rin kasi yung bata kung lalaking walang ama na gumagabay, ayoko naman na maranasan niya yun” saad niya, may point nga rin naman si Stell, kawawa rin yung bata kung lalaki siyang walang ama.
Siguro ayaw niya lang na maulila yung bata, ayaw niya siguro matulad sa iba na lumaking walang mga magulang.
“Mauna na ako Ken, may mga gagawin pa kasi ako” saad niya at nauna, pinag masdan ko lang ang paglalakad niya papalayo sa akin.
“Papa! May napili na po kaming toys ni Daddy!” Humarap namana ako, nakita ko si Olivia na papalapit sa'kin at kasunod naman niya si Pablo.
“Wow, ang ganda naman ng napili mo baby, tara bayaran na natin 'tong mga pinamili natin para makauwi na tayo” saad ko at sumang-ayon naman silang dalawa.
Napapaisip rin ako minsan, na kapag nasaktan ka may dadating bago para tulungan ka mag heal at mamahalin ka. Ang swerte ko rin kasi naging kaagaw ko noon si Pablo kay Stell, at kung hindi man si Stell ang para sa aming dalawa, para naman kami sa isa't isa. Hindi ko pinagsisihan na minahal ko si Pablo, dahil sa kaniya maligaya na ako ngayon at kuntento kung anong meron ako.
Napagpapasalamat ako sa Diyos dahil binigay niya sa'kin ang napakagandang anghel niya.
At habang buhay kong dadalhin ang alaalang ito kasama siya.WAKAS.
End Of Chapter Ten
Ang Sa'yo Ay Akin
Sekentell Fanfiction 2023
All right reserved 2023*
YOU ARE READING
Ang Sa'yo Ay Akin (SEKENTELL FANFICTION STORY)
FanfictionPaano kung ang dalawang lalaki na nag aagawan sa iisang lalaki ay mag kahulugan sa isa't isa dahil sa pag aagawan nila? Magkakaroon kaya ng chance ang dalawa kay Stell o pagbibigyan na lang nila ang mga pusong tumitibok para sa isa't isa? ABANGAN 'Y...