Chapter One

907 22 7
                                    

STELL POV
Tanghali na naman at madaming kumakain dito sa aming fast food at pupunta na naman dito yung dalawa. Sila Pablo at Ken.

“Stell, lunch tayo?” sabay nilang tanong habang bitbit ang sari-sarili nilang baunan.

Hirap talaga pag maganda este pogi, madaming magkakagusto sa 'yo.

“Uh hindi na, may sarili akong baon” saad ko sabay pakita ng aking baunan.

“Edi sasamahan na lang kita kumain.” saad ni Pablo habang nakangiti

“A-ako rin sasamahan din kita!” saad ni Ken habang nakangiti rin

“Osya sumama na kayong dalawa” saad ko at naunang nag lakad sa kanila papuntang table.

Sumunod naman silang dalawa sa'kin at umupo din sa table kung saan ako puwesto.

At binuksan na nila ang mga baunan nila. At nilapit nilang parehas ang baunan nila. Ibig sabihin na inaalok nila 'yon sa'kin.

Adobo ang kay Ken at Kare-Kare naman ang kay Pablo, hmm parehas kong paborito ang dala nilang ulam.

“ 'di ba paborito mo itong Kare-Kare? Masarap 'to, ito tikman mo.” saad ni Pablo at sasandok na sana ng Kare-Kare pero biglang nag salita si Ken.

“Mas masarap itong adobo ko, pinag hirapan kong lutuin 'to para sa 'yo kaya ito ang tikman mo.” saad ni Ken at sinandukan ako ng adobong manok.

“Talaga bang pinaghirapan mo 'yan? Baka nga binili mo lang 'yan sa labas kasi alam ko naman na hindi ka marunong mag luto” hirit ni Pablo sa adobong manok ni Ken

“Anong binili sa labas? Luto ko talaga 'to, gusto mo tikman mo pa eh” saad ni Ken habang pinag mamayabang ang luto niyang adobong manok.

“Yung sinigang mo nga mukhang sopas eh” saad pa ni Pablo kaya napatingin sa kaniya si Ken.

“Pake mo ba? Gusto ko ganon yung texture eh” umirap pa si Ken kay Pablo, at nakangiting tumingin ulit sa'kin.

“Uh, Pablo, Ken? 'Wag na kayong mag away, hehe parehas naman masarap at paborito ko yung mga dala niyong ulam” saad ko dahil mukhang mag kakainitan na naman sila dahil sa'kin.

Tumango na lang sila parehas at kumain, naku ang hirap ng ganitong sitwasyon!

Pag katapos ng lunch ay nag si-balikan na sila sa kanilang mga trabaho, at sinabi naman ni Pablo na ihahatid niya na daw ako pauwi.

Kaya sinang-ayunan ko na lang si Pablo, medyo nakakahiya na nga sa kanilang dalawa kasi lagi nila akong binibigyan ng ulam at ginagawa nila ang lahat makuha lang ang matamis kong “OO”

Pero wala pa sa desisyon ko talaga ang makipagrelasyon. Pero kahit sinabi ko na sa kanila 'yon, sinabi nila sa'kin na ipagpaptuloy pa rin nila ang panliligaw hangga't pumayag ako.

Kung dumating yung panahon na handa na akong mag mahal, sino kaya sa dalawa ang pipiliin ko? Pablo o si Ken?

Mahirap mamili sa kanilang dalawa dahil parehas naman silang worth it mahalin. Pero isa lang ang dapat piliin ko pag dating ng panahon.

Nag alas-otso na nga at nag sara na kami ng fast food at naka-abang na si Pablo sa tapat ng pinag tratrabaho-han ko.

“Tapos ka na?” tanong niya agad at lumapit sa'kin, tinanguan ko naman siya.

“Tara na” saad niya at binigay ang isang helmet na hawak hawak niya

Sinuot ko 'yon at sumakay na sa motor niya, nag taka ako kung bakit hindi niya pa pinapaandar.

“Oh bakit hindi mo pa pinapaandar?” tanong ko sa kaniya

“Humawak ka baka mahulog ka.” saad niya at hinawakan ang braso ko para iyakap sa bewang niya kaya laking gulat ko ng gawin niya 'yon.

At pinaandar niya na ang motor, gulat na gulat pa din ako sa ginawa niya, at hangga't makarating na nga kami sa tapat ng bahay ko.

“Stell, nandito na tayo” saad niya at nabalik na ako sa ulirat

“Uh-uhm, s-salamat pala sa pag hatid” saad ko at inabot sa kaniya ang helmet niya.

“Ingat ka!” pahabol kong salita bago siya makaalis.

Hindi ko alam sa sarili ko kung ano ang nararamdaman ko ngayon eh, kinikilig ba o nagulat dahil sa ginawa niya.

End Of Chapter One

Ang Sa'yo Ay Akin
Sekentell Fanfiction 2023
All right reserved 2023*

Ang Sa'yo Ay Akin (SEKENTELL FANFICTION STORY)Where stories live. Discover now