KEN POV
Maaga akong nagising para makapag luto ako ng ibabaon ko mamaya at para na rin kay Stell. Madaming nag tatanong kung bakit ko pa nililigawan si Stell eh may iba pa naman daw. Wala eh si Stell ang gusto ko.Sinisikap ko rin matuto mag luto kasi sasabihin na naman ni Pablo na binili ko lang daw sa labas yung mga binibigay kong ulam kay Stell purkit marunong siyang mag luto. At inasar pa nga yung sinigang ko! Ang sarap kaya nu'n kahit ganon itsura.
Pagpakatapos kong mag luto ay naligo na ako para maaga akong makapasok sa coffee shop.
Na'ng matapos na akong mag ayos ng sarili ko ay nag pasundo na ako kay Josh, nakikisabay na ako sa kaniya dahil hindi pa naayos yung kotse ko kaya sa kaniya muna ako nakikisabay. Buti nga ay mabait itong si Josh at pogi HAHAHAHA nambola pa nga.
Pero seryoso ang pogi-pogi niya pero wala siyang jowa, 'di ba sayang kapogian niya.
Dahil kakadaldal ko sa inyo hindi ko namalayan na nasa tapat na pala kami ng coffee shop ko.
“Dre nandito na tayo, tulala ka na naman d'yan. Iniisip mo siguro kung paano ka sasagutin ni Stell” saad niya sabay tawa
“Sira! Osya dito na lang ako, salamat nga pala sa pag hatid sa'kin dito” pag papasalamat ko kay Josh saka bumaba ng kotse niya.
Bukas na pala itong coffee shop ko, binuksan na pala ng mga tauhan ko. Pumasok ako at binati ang mga tauhan na nakakasalubong ko.
Nag pa served lang ako ng coffee para sa'kin, para mahimasmasan ako.
Kung darating ang araw na may sasagutin na si Stell sa'min, sino kaya pipiliin niya? Ako o si Pablo?
Siguro si Pablo ang pipiliin niya dahil sobrang talino nito at magaling sa ibang bagay kesa sa'kin. Alam kong mas lamang si Pablo sa'kin.
Habang nag mumuni muni ako dito sa coffee shop hindi ko namalayan ang oras, kailangan ko na palang pumunta sa practice room dahil meron kaming rehearsal. May sasalihan kasi kaming dance contest, baka sakaling manalo ulit kami.
Agad akong nag paalam sa mga tauhan ko, at pinag bilin ang coffee shop at umalis na. Nag lakad na lang ako papunta sa dance room namin dahil malapit lapit lang din 'yon sa coffee shop ko.
Naabutan ko na sila sa dance room, nandun si Josh pati ang ibang kasama namin.
Iniintay nila ako nalate kasi ako ng tatlong minuto dahil sa pag lalakad ko.
At pagkatapos namin mag practice, ay tanghali na. Sumama si Josh sa pag punta ko kay Stell, sumama pa 'tong mokong na 'to alam ko naman na mang aasar lang 'to dun. Gusto niya daw kasing makita kung gaano ka pogi si Stell at bakit ko nagustuhan.
Nag kotse kami papuntang trabaho ni Stell, at sakto nag sisimula na silang kumain ni Pablo, akala siguro ni Pablo masosolo niya si Stell ngayon, no way!
“Yun ba si Stell? Yung naka uniform na puti at may matangos na ilong?” tanong ni Josh at tumango ako. Nag lakad ako papunta sa table kung saan sila nakaupo ngayon.
“O-oh ken nandyan ka pala, akala ko 'di kana dadating, nag bake kasi ako ng dalawang box ng cupcake para sa inyong dalawa ni Pablo” ngumiti siya pag katapos niya mag salita, ito na naman yung ngiti niya na pumapatay sa'kin.
“Uy thank you, Stell” sabi ni Josh sabay kuha sa box ng cupcake na inabot sa akin, walang hiya talaga 'to oh!
Nahihiyang ngumiti na lang ako kay Stell, nakakahiya kasi 'tong kaibigan ko.“Sige upo na kayo” saad niya at ngumiti ulit, umupo na ako saka si Josh, at nag uusap at nag kwekwentuhan si Pablo at Stell samantalang ako ay tahimik lang na kumakain.
Nag tatawanan nga silang dalawa eh, feeling ko talaga may gusto si Stell kay Pablo kaya ganun siya kasaya pag kasama si Pablo kesa sa'kin, hinayaan ko na lang sila mag tawanan ng mag tawanan hanggang matapos ang lunch break.
“Hoy p're ba't ang tahimik mo kanina?” tanong ni Josh at umakbay sa'kin
“Wala lang” malamig na saad ko habang nakatulala lang habang nag lalakad
“Ehhh selos ka kasi nakita mo sobrang saya ni Stell nung kausap niya si ano, sino nga ulit yon? Yung karibal mo?”
“Si Pablo”
“Oo yun nga! Aminin selos ka kay Pablo?” tanong ni Josh sa'kin, tumingin naman ako sa kaniya ng masama
“Hindi noh” saad ko at umiwas na ng tingin
“Deny ka pa! Gusto mo kausapin ko? Mag date kayo? Yung kayong dalawa lang, walang thirdwheel na si Pablo” saad niya
“Hindi 'yon papayag sir4 ka!” saad ko at akmang babatukan siya pero lumayo agad siya sa'kin
“Saka busy 'yon noh, gagambalain mo pa.” malamig na saad ko at nauna ng pumasok sa dance room.
End of Ken POV
End Of Chapter Two
Ang Sa'yo Ay Akin
Sekentell Fanfiction 2023
All right reserved 2023*
YOU ARE READING
Ang Sa'yo Ay Akin (SEKENTELL FANFICTION STORY)
FanficPaano kung ang dalawang lalaki na nag aagawan sa iisang lalaki ay mag kahulugan sa isa't isa dahil sa pag aagawan nila? Magkakaroon kaya ng chance ang dalawa kay Stell o pagbibigyan na lang nila ang mga pusong tumitibok para sa isa't isa? ABANGAN 'Y...