Chapter Six

352 8 0
                                    

Still Pablo POV
Hindi ako nakatulog dahil sa kakaisip sa nangyari, bakit ganun si Ken? Nakakapagtaka siya ah, ano kaya sumapi doon? Biglang nag papabebe sa'kin at ano naman kasi ang nangyari sa'kin at bakit ako sumusunod sa gusto niya? AHHHH HAYUP!
Buti one week ang day off ko! Magdamag kasi akong gising kakaisip!
Hanggang sa mag liwanag na at tumayo na lang ako sa higaan ko at nag luto ng almusal. 
Habang nag luluto ako ay may nag door bell na naman, hays baka si Ken na naman yun, i-noff ko muna ang stove at pinuntahan kung sino ba ang nag d-door bell.

“Hello! Pupuntahan mo ba si Stell ngayon?” anak ng tokwa nandito na naman siyaa!

“Pasok ka” saad ko at ngumiti
“Ano?” Tanong niya ulit

“Hindi ako pupunta sa kaniya, madami akong ginagawa ngayon.” saad ko at nag luto na lang ulit

“Bakit ka ba nandito?” tanong ko naman sa kaniya

“Wala lang sinasamahan lang kita, bakit bawal ba?” saad niya at umupo sa katabing upuan ko.

“Alam mo nakakapagtaka ka ah? Sinasamahan mo ako? Hindi ba't yamot ka sa'kin dahil kaagaw mo ako kay Stell.” saad ko sa kaniya at hindi siya sumagot.

Ano ba nakain nito at bumait sa akin?

“Bakit masama ba'ng sumama sa'yo at bisitahin ka?” saad niya habang nakatingin sa akin

“Hindi naman, kung kailangan mo naman ng kasama nandiyan naman si Josh eh, para samahan ka” saad ko at kumunot ang noo niya

“Buti nga mabait na ako sa'yo eh!” saad niya pa habang nakakunot noo

“Wala ka ba'ng trabaho ngayon? Sa coffee shop mo?” saad ko pa at tumingin siya sa'kin

“Wala, saka nabobored na ako sa coffee shop ko”

“Okay samahan mo na lang ako mag work dito” saad ko at tinapos na ang pag luluto at pagkain ko.

***

“Ito ba yung work place mo?” Tanong niya at tumango ako

“Ganda ah, meron na akong idea pag mag papa-design ako.” saad niya at umupo naman ako sa working chair ko

“Mayroon din kasi akong ibang work bukod sa pag cacall center.” kuwento ko sa kaniya at nakikinig naman siya
Nang matapos akong mag kwento ay umupo siya sa sofa at kinuha ang gitara ko at nag simulang kumanta.

“Minsan oo minsan hindi
Minsan tama minsan mali
Umaabante umaatras
Kilos mong namimintas
Kung tunay nga ang pag ibig mo
Kaya mo bang isigaw
Iparating sa mundo”

“Tumingin sa aking mata
Magtapat ng nadarama
Di gustong ika'y mawala
Dahil handa akong ibigin ka
Kung maging tayo
Sa'yo lang ang puso ko
Walang ibang tatanggapin
Ikaw at ikaw parin
May gulo ba sayong isipan
Di tugma sa nararamdaman
Kung tunay nga ang pag ibig mo
Tumingin sa aking mata
Magtapat ng nadarama
Di gustong ika'y mawala
Dahil handa akong ibigin ka
Kung maging tayo
Kailangan ba kitang iwasan
Sa twing lalapit may paalam
Ibang anyo sa karamihan
Iba rin pag tayo
Iba rin pag tayo lang”

Napatingin naman ako sa kaniya, ang sakit naman ng kinakanta niya siguro para kay Stell yun. Nakapikit pa siya habang kumakanta.

Dumilat na rin siya at nakita niya akong nakatingin sa kaniya pero umiwas agad siya ng tingin.

“Tumingin sa aking Mata
Magtapat ng nadarama
Di gustong ika'y mawala
Dahil handa akong ibigin ka
Kung maging tayo (kung maging tayo)
Kung maging tayo (kung maging tayo)
Kung maging tayo
Sa'yo na ang puso ko”

Pinagpatuloy niya na lang yung pag kanta niya at binalik ko na lang din ang tingin ko sa computer ko.

Ken POV
Habang kumakanta ako ay napansin ko si Pablo na nakatulog na pala siya sa working place niya. Agad ko naman siyang nilapitan ng dahan dahan upang 'di siya magising.

Tinitignan ko ang Pablo na mahimbing ang tulog, mukha siyang mahinhin pag tulog, charot baka magising 'to at batukan ako. Hindi ko maitatangi na may angking kagandahan siya, para siya ngayong prinsesang natutulog.

Tinititigan ko lamang ang mala-anghel niyang mukha. Sinusubukan kong hawiin ang buhok niya para hindi ito tumakip sa maganda niyang mukha.

Dahan dahan kong nilalapit ang kamay ko para hawiin ang buhok niyang makintab pero napadilat siya kaya agad akong napalayo sa kaniya.

“A-anong ginagawa mo?” tanong niya na para ba'ng inosente

“Ahh w-wala ano tinitignan ko lang kung humihinga ka pa ba” natatawang saad ko kunyari

Nag kusot kusot pa siya ng mata dahil parang nanlalabo pa ang mata niya dahil sa antok niya.

“Akala ko multo ka” saad niya at ngumiti ng may pag katamis tamis.

“Ahh sige baba muna ako” saad ko at may nahihiyang ngiti. Bumalik naman siya sa pag tratrabaho niya.
Ken bakit mo ba nilapitan si Pablo at sinusubukang hawiin ang buhok niya? Baliw na ba ako? Hindi ko alam!!!!
Kumuha na lang ako ng makakain niya, mukhang pagod at gutom siya kakatrabaho niya.

“Ahh Pau, meryenda mo” saad ko sabay bigay ng food tray, nakakunot na naman ang noo niya sa'kin.

“T-thank you” saad niya at kinuha niya yung food tray.
Puwesto naman ako sa sofa niya kung saan ako nakaupo kanina.

Mga ilang minuto ay tumayo siya, bakit kaya?

“Matutulog lang ako Ken ah, manood ka lang d'yan kung gusto mo o kumain” saad niya, halatang pagod at antok siya. Sa pananalita at kilos palang ay halata na, may sakit ba siya?

“Sige, pahinga ka muna.” saad ko at umalis na siya sa working place niya at pumunta sa kuwarto niya.

Sinundan ko lang siya, gusto ko lang masiguradong okay siya.
“Pau, okay ka lang talaga?” saad ko at humarap siya sa akin at ngumiti.

“Sige dun kana sa sala, mag enjoy kana dun” saad niya at napataas kilay ako.
Pumunta ako sa kusina para kumuha ng tubig para mapunasan siya.
Pag kakuha ko ng planggana na may tubig ay agad akong pumunta sa kuwarto niya.

Nakita ko na tulog na siya at mahimbing ang tulog niya, at balot na balot siya ng kumot.
Kumuha agad ako ng bimpo sa cabinet niya para mabasa yun ng tubig at ma-ilagay sa noo niya.

“Bakit ka kasi nag papakapagod?” Tanong ko sa kaniya kahit alam ko naman na tulog siya.

“A-a-ang l-l-lamig” Saad niya habang nanginginig sa lamig

“Ikaw kasi eh, nag papagod ka” Saad ko sa kaniya habang dinadampi sa kaniya ang bimpo para bumaba ang lagnat niya.

“Kumain ka ng kaunti para makainom ka ng gamot” Saad ko sa kaniya pero nanatili pa din siyang nakapikit.
Pagkatapos ko siyang punasan kumuha naman ako ng makakain niya.
At kumuha ako ng gamot na pwede niyang mainom para bumaba ang lagnat niya.

“T-thank you, K-ken” Saad niya pagkatapos niyang kumain, at ngumiti lang ako ng tipid sa kaniya at pinainom ko na siya ng gamot at pinatulog.

End Of Chapter Six
Ang Sa'yo Ay Akin 
Sekentell Fanfiction 2023
All right reserved 2023*

Ang Sa'yo Ay Akin (SEKENTELL FANFICTION STORY)Where stories live. Discover now