Dear Crush,Well, itatanggi ko pa ba? Hindi kita crush, Kuya Louise. Crush na crush lang. Fine! Crush na nga kita. Bakit ba paulit-ulit pa ako? Kahit anong dedma pa kasi ang gawin ko, alam ko rin naman na dito mauuwi 'yon. Ano bang ginawa mo sa akin? Charot! Weird ba kung sasabihin ko na masaya ako dahil ikaw ang crush ko? Wala lang, masaya na akong tingnan ka sa tuwing naglalakad ka, kumakain ng lunch with your friends. Kahit nga tumayo ka lang sa harapan ko, ang saya ko na, e. Thank you po, Kuya Louise.
Sincerely,
Mari
YOU ARE READING
Sincerely Yours
Teen FictionAn Epistolary. I've been crushing on you for five years. Is this even worth it? Maybe. Maybe you're worth the wait. Sincerely, Mari