Dear Crush,OMG! This is the best day eveeeer! It was already my turn para sumakay sa zipline at saktong dadaan ang buong section niyo papunta sa event's place. Ang dare ng friends ko ay isigaw ang pangalan mo. Bilang walang shy na tao, I did! I'm not sure if you heard me, but it's fine. At least nagawa ko, hahaha. Hindi ako nakiliti sa ride, kundi sa ginawa ko.
Pakiramdam ko kamatis ako ngayon. Paano ba naman kasi? Ilang beses kitang nakasalubong sa Total SLEX nung nag-stop over tayo. Inaasar ka pa ng friends mo kaya lalo akong nahiya at... kinilig. Pagdating ko sa loob ng Jollibee, sinabi ko kay Nina kung paano tayo nagkasalubong. Pinanlakihan niya lang ako ng mata the whole time na nagkukwento ako. Ngumuso pa siya sa bandang kaliwa ko. Ayun pala, nakapila sa tabi namin ang mga classmates mo at nakikinig lang sila sa akin! Hindi ko alam if matutuwa ba ako o mahihiya pero hindi naman nila ako inasar. Nginitian pa nila ako, haha!
Lastly, nung uwian na ikaw ang huli kong nakita bago ako sumakay sa kotse dahil dumating na si Daddy. Haaay, what did you do to me, Kuya Louise? Kita mo? Nagsusulat pa ako sa diary na 'to kahit alas onse na. Ang mahalaga naman ay happy ako sa ginagawa ko. :)
Sincerely,
Mari
YOU ARE READING
Sincerely Yours
Teen FictionAn Epistolary. I've been crushing on you for five years. Is this even worth it? Maybe. Maybe you're worth the wait. Sincerely, Mari