Dear Crush,This is the saddest night ever. Every year masaya ang mga students sa campus natin kapag fourth day of foundation week. Dahil doon na ipapalabas ang play ng Theatre Clubs. Isa ako sa mga estudyanteng naghihintay sa gabing 'to. Kaya naman talagang in-off ko ang phone ko para hindi ma-distract! Pagkatapos na pagkatapos no'n binuksan ko rin naman para sana tingnan kung may message ba ang Mommy ko.
Pero higit pa ro'n ang inaasahan ko. Nag-message sa akin sina Ate Mandy, Ate Caila, at Kuya Gene! Mga kaklase mo. Sabi pa nila, may magpapa-picture sa akin na classmate nila. At ikaw 'yon... kaso late ko nang nabasa, nakauwi na raw sila. Sobrang disappointed ako sa sarili ko. Sana pala iniwan kong bukas ang data ko. Haaaay! Hindi ako si Ned sa pelikulang, 'Labs Kita, Okey Ka Lang?' pero nanghihinayang ang puso ko.
Anyway, nakita kita sa hallway nung uwian kasama ang mga kaibigan mo. Akala ko nakauwi ka na rin. Kahit madilim, alam ko... alam ko na nakatingin ka rin sa akin. I wonder if alam mo na may balak pala ang classmates mo na picture-an tayo? Halata kasi sa message nila na pinagtulungan lang tayo. Kung natuloy man 'yon, I will be the happiest girl!
Sincerely,
Mari
YOU ARE READING
Sincerely Yours
Teen FictionAn Epistolary. I've been crushing on you for five years. Is this even worth it? Maybe. Maybe you're worth the wait. Sincerely, Mari