Dear Crush,Third day! Nakita kitang sumayaw ngayon. Ang cute mo. Smile ka naman 'diyan! Sabi ng mga classmates ko, i-cheer daw kita habang sumasayaw ka para naman mawala ang hiya na nararamdaman mo. Eh, mahiyain din ako! Gusto ko man na i-cheer ka, hindi ko naman magawa dahil sa sobrang hiya. Sana sa susunod kaya ko na! By the way, ang saya ng celebration natin ngayon ng foundation week 'no? Hindi katulad no'ng mga nakaraang taon. May perya pa tayo sa quadrangle, hahaha. Pinapanood ko ang mga naglalaro kanina sa Hagis Piso na game. Nagulat ako kasi nasa harapan kita. I mean, nasa kabilang banda pero magkatapat tayo. Ang gwapo mo talaga! Napatingin ka nga sa akin, e. May meaning ba 'yon? Echos!
Sincerely,
Mari
YOU ARE READING
Sincerely Yours
Teen FictionAn Epistolary. I've been crushing on you for five years. Is this even worth it? Maybe. Maybe you're worth the wait. Sincerely, Mari