Dear Crush,Hindi ako makatulog lalo na't naiisip ko na may nasayang akong chance kanina. Jackpot na, nawala pa. Nakakalungkot naman talaga. Mas nanghinayang ako lalo nung nakita kitang sumakay sa jeep. Malawak ang space no'n kaya pwedeng-pwede na samahan kita pauwi. Kaso lang may sundo ako, e. Nagkatinginan nga ulit tayo. But this time, mas matagal na. Para ba tayong nag-uusap gamit ang mga mata. Hindi ko alam kung delusyon ko lang ba 'to pero mukhang hinihintay mo ako na sumakay kanina. Sana sa susunod makasabay na talaga kita.
Sincerely,
Mari
YOU ARE READING
Sincerely Yours
Fiksi RemajaAn Epistolary. I've been crushing on you for five years. Is this even worth it? Maybe. Maybe you're worth the wait. Sincerely, Mari