Sa bawat pagsusulit, may mga kalahok na hindi na nakasama pa sa mga sumunod na trial. Hindi sa kadahilanang sumuko na sila, sapagkat pinili na sila ng iba't ibang guild masters.
"At dahil limang kalahok na lamang ang natitira. Atin nang simulan ang huling pagsubok sa taunang pagsusulit na ito" ani Adam Kaymon.
Ang huling pagsusulit na inilahad ng Trial of the Council ay isang combat test kung saan magtutulong-tulong ang natitirang kalahok na labanan ang si Adam Kaymon. Marami ang nabigla sa naging takbo ng pagsusulit. Sapagkat isang taga-council ang mismong nagpresinta na makilahok sa mismong huling pagsusulit. Alam ng nakararami na simula pa nang maipatupad ang Trial of the Council, ang huling pagsusulit ay labanan sa pagitan lamang ng mga kalahok.
"Tamaan niyo lamang ako o madikit ni kapiraso ng inyong damit sa akin. Ang buong council ay bibigyan, sinuman sa inyo ang makagawa, ng karapatang pumili sa nais ninyong guild. Ang mga guild masters ay di makakatanggi kung papalarin kayo." Aniya.
Isang pitik sa daliri lamang ni Adam Kaymon ang naging hudyat ng pagsisimula ng pagsusulit. "Eto na ang huli, kaya di maaaring uuwi ako ng luhaan"ani ng isa sa lima pang natitirang kalahok.
'kailangan mapansin ako ng mga guild masters para kuhanin nila akong maging miyembro' karamihan ng tumatakbo sa isip ng mga kalahok.
Binigay nila ang buong makakaya nila subalit walang kahirap-hirap na naiiwasan ito ni Adam Kaymon.
"Water Energy: Turtoise Fists!" usal ng isang kalahok ngunit nagawa itong salagin ni Adam Kaymon gamit ang kaniyang force field magic.
"Mukhang masyado kayong nahihirapan na tamaan ako. Iibahin ko na lamang muli ang panuntunan ng yugtong ito" ani Adam Kaymon na halatang iniinis ang mga kalahok na naghahabol ng kanilang hininga. "Force Field: Barrier" usal nito kaya nagkaroon ng barrier na sinasangga ang alin mang atake na tatama kay Adam Kaymon. Pagkatapos ay naglabas ito ng upuan mula sa kaniyang interspatial ring.
"Earth Magic: Rock Punches!" Magkakasunod na batong kamao ang tumama sa ginawang barrier ni Adam Kaymon ngunit dahil sa mataas na kalidad ng mahika nito ay walang naging epekto ito sa taong prenteng nakaupo sa loob ng barrier.
"Earth Energy: Raging Draconic Stone!"
"Fire Magic: Flaming Tiger!"
Dumaan ang mahigit kalahating oras ngunit walang sinuman sa mga kalahok na umaatake ang nakatitibag sa depensa ni Adam Kaymon. May mga nakahiga na sa lupa, nakaupo sa sahig, at may pilit na inalalayan ang pagtayo dahil masyado nang nasasaid ang kanilang mana. Hindi ito biro para sa isang Devata ang masasairan ng mana dahil buhay ang magiging kapalit kapag tuluyan nang masaid ito. Kaya imbes na magpatuloy sa pag-atake ay huminto na sila.
'Kikilos na siya' ani Adam Kaymon sa kaniyang isip nang mapansin na lumalapit sa kaniyang kinaroroonan ang kanina pa niya hinihintay. Ang binatilyong manaless na walang ginawa kanina sa mahigit kalahating oras kundi ang tumayo at panoorin sila. 'nasisiguro kong may tinatago ka'
Pagkalapit ng manaless sa hangganan ng barrier ni Adam Kaymon. Marahan niyang itinaas ang kaniyang kaliwang kamay. Bago pa man lumapat ang kaniyang palad sa panangga, umusal siya "Chaos Power: Destroy" sa pagbanggit niya sa mga katagang ito, kasabay ng pagkasira ng force field barrier ni Adam Kaymon ay napatayo ito sa kinauupuan.
'haha, anong klasing chant 'un? Kung di lang alam ng mga nilalang na 'to na ang kakayahang gumamit ng kapangyarihan ng di na umuusal ay nagpapahiwatig na hindi ito nagmula sa kanilang mundo, di ko na sasayangin ang laway ko para magsalita' ani manaless 'kung di ko lang kailangan mapabilang sa isang guild para maisakatuparan ang mga plano ko, di ako makikisali sa pipitsuging Trial of the Council na 'to' dagdag pa niya na halatang nababagot na.
Tungkol naman sa kung bakit napatayo si Adam Kaymon. Marahil sa narinig nitong chant ng manaless. "Ang chaos power! Isang lost magic na libong taon nang nabura sa kasaysayan!" Imbes na matakot ay sadyang natutuwa ito ng sobra. "Mabuti na lamang at mabilis akong nakapaglagay ng sound concealing skill sa aming dalawa" aniya. Iniisip nitong kapag nalaman ng mga nakapaligid sa kanila na nagtataglay ng Chaos Power ang binatilyo, marami ang matatakot para isiping panganib ang dala dala nito. Pero si Adam Kaymon ay isang eksperto sa maraming bagay kung ang pag-uusapan ay kaalaman na wala ang kanilang mundo. Isa pa, ayaw niyang humantong na kung saan walang pagpipilian ang binatilyo kundi ang ituring silang kaniyang kalaban.
Matamis na ngumiti si Adam Kaymon sa binatilyo nang makalapit sa kaniya ito. Iniangat nito ang kaniyang braso para makipagkamay sa manaless na wala namang pag-aalinlangang nakipagkamay din ito.
"Hayaan ninyong ipaliwanag ko kung paanong nagawang tibagin ng kalahok sa aking tabi ang force field barrier na aking ginawa" simula nito. "Ang manaless na nasa aking tabi ay di pangkaraniwan kung inyong iisiping mabuti. Nagtataglay siya ng nullifying magic kaya madali lamang niya itong nasira, at dahil na rin sa kaniyang mahika kaya di gumana ang mana staff sa kaniya" Dagdag pa niya sa gawa-gawa niyang pangyayari. Napatingin naman sa kaniya ang binatilyo dahil sa mga pinangsasabi niya pero ngiti lamang ang natanggap ng binatilyo mula rito para maunawaan nitong tanggapin na lamang ang kaniyang sinasabi.
'Nawa ay hindi ako nagkamali sa aking naging desisyon na kaibiganin ang binatilyong ito' sa isip ni Adam Kaymon.
BINABASA MO ANG
Galaxy Dominator [The Labyrinth Of Miraculous Island]
FantasySa mahiwagang mundo ng Land of Elixir, kung saan ang mahika ay kasingkaraniwan ng araw-araw na kalakal, namumukod-tangi ang kaharian ng Northern Riverland. Sa kaharian na ito, tahanan ng halos kalahating milyong mamamayan, matatagpuan ang mga Devata...