Chapter 3: Magic that can copy someone's appearance and power

20 7 0
                                    

Bukas sadya ang pasukan ng Riverland Phoenix Guild na para bang kahit na sino ay maaaring pumasok ng kusa. Sa harap nito ay mapapansin ang dalawang binatilyo na sabay na dumating, nagkatitigan pa ang dalawa na para bang ilang saglit lamang ay magbubuno sila. Ngunit ang manaless na mismo ang kusang bumitaw sa kanilang masamang tinginan.

"tss, Ced, Cedrick Xavier. Tandaan mo ang pangalang iyan dahil sa hinaharap, ako ang magiging Guild Master ng Riverland Phoenix" ani Cedrick Xavier na pumunta pa sa harap ng manaless at nagmamayabang na itinuro ang sarili. "At ikaw, ikaw..... di bale na lang" halata sa tuno nito na naghahanap ng magiging posisyon ng manaless kapag siya na ang naging guild master.

"Art, Art Fredrinn" ani manaless na tinutukoy ang ang kaniyang pangalan. Iyon lamang ang tugon ni Art Fredrinn kay Cedrick Xavier na para bang ayaw nitong makipag-usap dito. Uminit naman ang ulo ni Ced dahil sa pakikitungo nito sa kaniya kaya ikinumo niya ang kaniyang kamao at sinugod si Art Fredrinn. Bago pa man lumapat ang kaniyang kamao kay Art Fredrinn, nagtataka siya kung bakit napahinto na lang bigla ang kaniyang katawan, hindi niya ito magawang igalaw ano man ang pagpupumilit niya.

"Ang anumang uri ng pag-aaway sa labas ng aming guild ay mahigpit na ipinagbabawal" rinig niyang wika ng boses ng babae. "Sumunod kayong dalawa sa akin" Doon lamang siya nakagalaw nang lumampas sa kaniya si Art Fredrinn para sumunod sa babae. Dagli naman siyang sumunod dito at nakita kung sino ang nagmamay-ari ng boses. Ang Guild Master ng Riverland Phoenix Guild, Master Brittania Avannia!

Pagpasok sa loob ng guild, kapansin-pansin na tahimik ang loob ng guild iba sa iniisip ni Cedrick Xavier na bubungad sa kaniya. Ang bawat miyembro ng Riverland Phoenix Guild ay kani-kaniya ang ginawa. May nag-iinuman ng alak, kumakain ng matatamis na pagkain, nag-uusap-usap, at marami pang iba. Ngunit ginagawa nila ito sa tahimik na paraan. Kumakaway si Cedrick Xavier sa mga Devatang tumitingin sa kanila pero para bang hangin lamang sila, 'di sila pinapansin ng mga ito.

Pagpasok sa silid na naunawaan naman ng dalawa na opisina ito ni Master Brittania Avannia. Kasabay nang pagkarinig nila sa pag-usbong ng ingay sa labas ng silid ay ang pagkagulat nila sa biglang pagbabagong anyo ni Master Brittania Avannia. Mula sa katawan nitong hukluban ang itsura, naging balingkinitan ang katawan, kuminis ang balat at pumantay ang tangkad nito sa kanila. Tumambad sa kanila ang dalagitang sing-edad nila na may mapupulang kumikinang na mga mata at mala-rosas na kulay na buhok.

"Master! where na you?! di ko na kayang mag pretend anymore bilang ikaw" aniya na maluha-luha pa. Di ito magkanda-ugaga sa pabalik-balik na paglakad nito sa harap ng Master's Table habang nasa harap nila ang lumulutang ng Magic Orb.

"A-anong ibig mong sabihin?! hindi ikaw ang Guild Master?" sigaw na tanong ni Cedrick Xavier dahilan para mapunta ang atensyon ng dalagita sa kanila.

Nanlalaking tumingin ito sa kanila "Sumunod kayo hanggang dito sa loob ng office ni Master?!!!" Balik tanong nito kaya nagkatinginan ang dalawa.

"Pinasunod mo kami tapos itatanong mo sa amin 'yan?!" halatang naiinis na sabi ni Cedrick Xavier. Hindi nagkaunawaan ang magkabilang panig. Kaya lamang sinabi ng dalagita na sumunod ito sa kaniya dahil isa iyong paraan para malaya silang makapasok sa loob. Para hindi sila hadlangan ng Barrier na pumoprotekta sa imprastraktura ng Riverland Phoenix Guild.

"Kung ganun, I don't have to hide kung bakit nagpepretend ako bilang si Master" ani ng dalagita na umupo sa Master's chair ni Master Brittania Xavier. "I am Hans Avannia, bunsong anak ni Master Brittania Avannia" dugtong nito dahilan para mapa-upo rin ang dalawa sa magkabilang upuan na magkaharap. "Isang linggo ang makalipas nang tumanggap ang aking ina, si Master Brittania ng direct mission from the council, kapag isang direct mission ang natatanggap ng guild ay laging ang guild masters ang gumagawa" halata sa boses nito na anumang sandali ay hihikbi na ito. "P-pero, di tulad ng dati na natatapos ang direct mission ni Ina nang hindi umaabot ng ilang araw. Dahil isa siya sa mga tinaguriang Saint Devata ng Elixir Empire." Hindi na nito mapigilan ang mga butil ng luha na tumakas sa kaniyang mga mata dahilan para mataranta si Cedrick at hindi alam kung ano ang gagawin.

"Anak ka ni Master Brittania Avannia?" naisambutla sa bibig ni Cedrick Xavier dahil sa di nito alam kung ano ang itutugon sa dalagita.

"Sorry, alam kong na-o-awkward kayo sa bigla kong pag-iyak" ani Hans Avannia. Na-pinupunasan ang mga luha. "Nagpanggap ako bilang si Ina dahil napapansin ko ang kawalang pag-asa ng mga Riverphoenixes sa guild na ito. I don't have any choices but to use my magic. Ang gayahin ang itsura ng nais kong kopyahin, maging ang kapangyarihan nito ay nagagawa kong gamitin na para bang akin" aniya na ikinamangha ni Cedrick Xavier. "Nagpanggap ako bilang siya para mabuhayan ang mga miyembro ng guild na ito, para magkaroon sila ng lakas na lumaban sa mga misyong tinatanggap nila. Para sa pagbalik ni Ina, walang sinuman ang nabawas sa kaniyang itinuturing na mga anak"

Samantala, napatuon ang tingin ni Art Fredrinn sa litratong nasa likod na bahagi ni Hans Avannia. 'Pamilyar ang matandang 'yan, parang nakita ko na siya kamakailan lamang' aniya sa isip.

Galaxy Dominator [The Labyrinth Of Miraculous Island]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon