Chapter 1: Manaless

41 8 10
                                    

Tuwing sumasapit ang bagong taon sa Land of Elixir. Ang Elixir Empire ay pinahihintulutan ang lahat ng guild na tumanggap ng bagong mga miyembro. Ngunit sa paraang nais ng Emperyo, ang Trial of the Council. Ito ay isang uri ng pagsusulit na hindi naman ganoon kahirap. Ang trial of the Council ay ginaganap sa kapitolyo ng Elixir Empire, Ang Devata Arena.

"Ikinalulugod kong makita ang ating mga manonood-Mga Devata at Elixirian na naririto, sa ating mga Guild Masters na sadyang nakatuon ang atensyon sa ating mga kalahok na magpapakitang gilas ngayon. May the luck be with all of you!" ani ng naatasang tagapatnubay sa pagsusulit na ito. "At bago ko makalimutan, sa mga di nakakakilala sa akin, ang aking ngalan ay Adam Kaymon. Ngayon, simulan na natin ang una at napakadaling pagsusulit na ito"

Elixirian ang tawag sa ordinaryong mamamayan ng Elixir Empire. Devata naman sa mga kabilang sa guild.

Ang unang pagsusulit ay ang Mana Test. Walang ibang gagawin ang bawat kalahok kundi ang maghintay na mabigyan sila ng Mana Staff. Ang bilang ng mga kalahok ngayon ay Apatnapu't isa. Ang nasabing staff ay isang bagay na maihahalintulad sa pinakamaigsing baton na maiisip ninuman. Ang taas na bahagi nito ay mayro'ng orb na siyang magpapakita kung gaano kadami ang mana na tinataglay ng may hawak nito. Kulay asul ang ilalabas na liwanag nito kapag nasa dalawampu't lima ang porsyento ng mana na mayro'n ang isang Elixirian. Pinakamababang mana na tinataglay ng isang Elixirian. Sumunod ay berde, na nasa limampong porsyento ang mana na maaari nang mapabilang sa isang guild. Ang pulang liwanag naman ay pitongpo't limang porsyento pataas, nagpapahiwatig na napakataas ng mana nito. Karamihan sa mga guild masters ay nasa pulang liwanag ang lebel ng kanilang mana. Ang huling kulay ay ginintuang liwanag. Tanging mga nasa Council, piling guild masters at ang Hari ang may ganitong lebel ng liwanag. Ang mana level na nasa isang-daang porsyento ay ang hangganan ng mana sa mundong ito-ang pinakamalakas at di mapapantayang mana sa Land of Elixir.

Ang Devata Arena ay isang napakalawak na lugar kaya't madaling makita ang kakarampot na bilang ng mga kalahok na ngayon ay may kani-kaniyang hawak na nagliliwanag na mana staff. subalit,

"A-ano..."biglang sambit ng binatilyo sa gitnang bahagi ng mga kalahok. "di pa ako nabibigyan ng mana staff"

Halos mapatalon sa gulat ang ibang kalahok na malapit sa binatilyo nang magsalita ito. 'paanong naririto ito, ibig kong sabihin, paanong bigla na lamang lumitaw ang isang ito' ani ng katabi nito sa isip. 'may kakayahan ba itong gumamit ng concealing skill? subalit tanging mga nasa Epic rank lamang ang nakagagawa nun' ani ng isa pa. Samo't saring bulungan ang namayani sa buong Arena. Maging ang mga guild master ay hindi maitago ang pagkalito sa nangyayari. 'kahit na kaming mga grandmaster rank ay wala pang kakayahan na itago ang presensya, pero ang isang 'to' ani ng isang guild master.

"Ikaw, gumamit ka ba ng concealing skill?" tanong ni Adam Kaymon dahil maging siya na pinakamalapit ay di man lang nito naramdaman ang binatilyo.

Bakas ang pagkalito naman ng binatilyo ng tanungin siya imbes na bigyan ito ng mana staff para sa pagsusulit. "Concealing skill?" balik tanong nito na halatang di nalalaman ang nasabing kakayahan. Dahil sa nasaksihan ng mga naroroon sa reaksyon ng binatilyo, napapatunayan nilang di ito gumamit ng concealing skill.

"Di mo ba nalalaman ang kakayahang maitago ang iyong presensya sa iba?" dagdag na tanong ng tagapatnubay. "Pero di bale na lang, marahil di ka namin agad napansin dahil sa nasasapawan ng ibang kalahok ang iyong presensya. Masyadong malakas ang aura na tinataglay ng nakapalibot na mga kalahok sa iyo."

Tinawag nito ang isang knight na may hawak ng kahon ng mana staff para bigyan ito. Subalit, isa na namang pangyayari ang di mapaniwalaan ng lahat ng mga naroroon. 'imposibleng mag-malfunction ang kayamang kami mismo ang gumawa' ani Adam Kaymon sa isip. Ang mana staff na hawak ng binatilyo ay walang naging reaksyon. Ibig lang nitong ipahiwatig na ang binatilyo ay isang manaless, walang kakayahang gumamit ng mahika tulad nila.

"Sigurado kang gusto mong lumahok sa pagsusulit na'to, iho?" aniya. Walang ibang naging tugon ang binatilyo kundi ang matamis na ngumiti dito.

Samantala, dismayado namang napa-upo ang ilang guild masters nang mapagtanto ang kakayahan ng binatilyo. Kaya pala hindi nila ito napansin o maramdaman lamang ang presensya sapagkat ang dahilan ay isa itong Elixirian na kung tawagin nila ay Commoner. Mamamayan ng Land of Elixir na walang taglay na mahika. Akala nila ay mas kamangha-mangha ito sa isa pang kalahok na naunang kumuha ng kanilang atensyon. Ang binatilyong si Cedrick Xavier. Ang binatilyong may nagliliwanag na green-red mana staff. Nagpapahiwatig na nasa sukdulan ng berdeng lebel ang kaniyang taglay na mana, na talagang kamangha-mangha. Dahil sa pangyayaring ito, ang mga guild masters ay gusto siyang kuhanin na karagdagang kanilang miyembro. Subalit sa dami ng pumipili sa kaniya, si Cedrick Xavier ang siyang magkakaroon ng karapatan na pumili kung alin ang guild na kaniyang napupusuan.

Galaxy Dominator [The Labyrinth Of Miraculous Island]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon