Chapter 8: Solarix Institute

13 6 0
                                    

"Titigil kayo o nais niyong sumali ako sa away ninyong dalawa." malalim na boses na sinalita ni Adam Kaymon. Agad namang binawi ng dalawa ang kanilang enerhiya saka tinikom ang kanilang bibig. Galit na galit man ang matanda ay pinakalma nito ang sarili dahil nagsalita na ang kanilang pinuno sa paraang ayaw nilang marinig at ayaw nilang galitin pa ito lalo. "Mabuti, mabuti" Nakangiti nang wika ni Adam Kaymon.

"Hayaan niyong ako na ang personal na mag-imbestiga sa nangyayari kasama si Fernan Blade" aniya. "Ang isa pang dahilan ng pagpupulong na ito ay ang paglitaw muli ng mahiwagang isla, ang Labyrinth of Miraculous Island"

"Isa lamang ang maaari nating gawin sa pangyayaring ito, kundi, ang ipadala sa islang 'yon ang mga bagong miyembro ng bawat guild sa ating pinamumunuang mga kaharian"

"Makakaasa akong gagawin ninyo ang inyong bahagi sa mahalagang pagkakataon na ito na hindi dapat natin palalampasin. Iyon lamang at maari na kayong umalis"

"Fernan at Cris. Magpa-iwan kayong dalawa"

Isang malakas na kalabog ang nagpatigil sa kasiyahan ng mga devatang kabilang sa Riverland Phoenix Guild. Natatakot naman silang napabaling kung saan nagmula ang kalabog.

"Masyado ata tayong maingay kaya di na nakapagtimpi si Master" naibulalas ng isang miyembro ng nasabing guild.

Agad nilang nakita sa bukana ng nakabukas na pinto ng opisina ni Guild Master Britannia Avannia ang nakakunot noo nitong mukha. Nakatingin ito sa kanila ng masama kaya halos manginig ang karamihan ng guild members.

"Anong mayro'n at iniistorbo niyo ang aking pamamahinga?" malalim na boses nitong tanong.

"A-ano" di na na-ituloy ng lalaki na nasa malapit nang bigla na lamang niyakap ni Hans Avannia ang guild master.

"Ina! Kailan ka pa dumating?" Ani ng dalagita kaya kunot noong nagkatinginan ang mga guild members sa isa't isa.

"Anong ibig mong sabihin Lady Hans?" Napatanong na lang ng babaeng nakasuot lamang ng oversized tshirt. Kahit papaano ay natatakpan ang kaniyang maselang bahagi kahit na panty lamang ang suot na pam-ibaba.

Ipinaliwanag ni Hans Avannia ang mga panlilinlang niya sa mga ito sa nakalipas na mga araw. Karamihan ay nauunawaan ang ginawang hakbang nito subalit may ilan na sumama ang loob dahil para bang wala itong tiwala sa kanila. Gayunpaman, sinarili na lang ang kanilang saloobin dahil alam nilang para sa ikabubuti ng nakararami ang naging desisyon ng dalagita.

Hindi tumugon ang guild master sa naging pahayag ng kaniyang bunsong anak. Nang malaman kung bakit may kasiyahang nagaganap ngayon sa kanilang guild shrine, masusi nitong kinilatis ang dalawang baguhan.

"Isang katulad naming may dugong phoenix at isang......... Ordinaryo?" umiling ito sa kaniyang huling iniisip. "Imposibleng may ordinaryong maging Devata. Aalamin ko bukas na bukas din kay Hans ang nangyari sa Trial of the Council"

Pinahintulutan niyang magpatuloy na sila sa kanilang kasiyahan. Siya naman ay pumasok muli sa kaniyang opisina.

"Kailangan ko munang mabawi ang buong lakas ko. Nanghihina pa rin ako dahil sa naging laban ko sa isang Top-rank Vicious Monster sa Barrenland" aniya na umupo sa kaniyang upuan at isinandig ang kaniyang ulo sa sandigan nito.

'Hans, maging ako ay hindi alam kung paanong nakabalik ako dito. Basta't nagising na lamang ako na nasa loob na ng aking opisina'

Samantala, di kalayuan sa kapitolyo ng Elixir Empire. Isang di kilalang lalaki na nasa katanghaliang gulang ang pinagtitinginan ng mga malalapit sa kaniyang pwesto. Agaw pansin ang kaniyang kakaibang kasuotan ngunit binabalewala niya ang mga nakapaligid sa kaniya. Nakatuon lamang ang kaniyang tingin sa sariling repleksyon sa basong puno ng alak.

"Hindi ako makakapayag na may wawasakin ka na namang mundo dahil lang sa pansarili mong desisyon" aniya saka tinungga ang baso. "Ngayon lamang ako nakatikim ng ganitong kasarap na inumin, kaya mas lalong di kita titigilan!"

Makalipas ang unang araw na pamamalagi nina Cedrick Xavier at Art Fredrinn sa kanilang guild shrine, kinagabihan ay ang pagdating ng council member na si Cris Visca para sunduin ang dalawa.

Ngayon nga ay kasalukuyang lumalapag mula sa himpapawid ang tatlo papunta sa harap ng tarangkahan ng Solarix Institute. Ang tanyag na institusyon na itinayo ng Elixir Empire para dito makapag-aral ang mga royal, noble, at aristocrat family.

Ang tatlo ay payapang nakarating sa harap ng Solarix Institute mula sa mahabang paglipad. Ang mga Devata ay may kakayahang lumipad subalit na-uuri ang mga ito sa dalawa. Ang Soaring Devata at Floating Devata.

Ang Floating Devata ay walang kakayahang lumipad sa natural na paraan, di gaya ng Soaring Devata na normal na ang paglipad sa kanila. Ang mga floating devata ay gumagamit ng mga armament o mismong ang pangunahing sandata na mayro'n sila ang kanilang pinapatungan para makalipad sa himpapawid.

Tungkol naman kay Art Fredrinn na nalalaman ng lahat na wala itong mana, kaya inaasahan nilang hindi ito makakagamit ng mahika para umusal ng mga skills o technique, ang naging solusyon para makasabay siya papunta sa Institusyon ay ang makisakay sa Armament ni Cedrick Xavier na hindi naman tumanggi ngunit nagyabang pa. "Isang karangalan na maisakay ang aking raybal, mainggit ka sa sandatang mayro'n ako, nyahahahahah" halakhak nito noong papaalis pa lamang sila.

"Inumaga tayo dahil sa isang 'yan" ani Cris Visca habang nangungunang naglalakad papunta sa tarangkahan kung saan may nakabantay ng Institute Knight.

Ipinakita lamang ng binatilyo ang kaniyang medalyon, na nagpapatunay na isa siya sa mga Council member, ay pinapasok na sila ng nagbabantay sa tarangkahan.

May nalalaman na ang dalawa sa kung bakit naririto sila sa tanyag na institusyon na pinapangarap ng lahat ng mga kabataang mahihirap na makapag-aral dito. Subalit, ang paaralan ay para lamang sa mga maharlika at mga tanyag na pamilya kaya hindi na sila umaasang balang araw ay makakapag-aral sila rito. Hanggang panaginip na lang ang mga mithiing inaasam.

Sa Institusyon ring ito makikilala nina Cedrick Xavier at Art Fredrinn ang iba pang makakasama nila sa pagpasok sa Labyrinth of Miraculous Island. Ang mga kapwa nila baguhan na mula pa sa iba't ibang guild ng Elixir Empire. Ang mga Devatang nakasama nila noong Trial of the Council.

Galaxy Dominator [The Labyrinth Of Miraculous Island]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon