Chapter 4: Crush ko

2 0 0
                                    

Si Salvador na cutie. Matangkad, maputi, mabait, kapag nagsalita lalaking-lalaki but he's only 23. Tinuturuan nya rin akong magsalita ng Spanish. Sinabi ko nga sakanya one time,

"The only Spanish that I know is Spanish bread." Pinipigilan ko talagang tumawa sa group video call kasi baka makita nya ang ngala-ngala ko. Nakanganga pa naman ako kapag tumatawa. HA-HA-HA!

"What's a Spanish bread?"
Yong mukha nya ay naging question mark talaga pagsagot nya sakin habang ang mga kasama naming Pinoy sa call ay tumawa nalang nang tumawa.

"Why are you guys laughing??"
Namula sya bigla na napaka-cute sakanya pero tawang-tawa rin ako. Hindi ko na napigilan, yumuko ako ng konti para hindi nya makita sa camera ang pagtawa ko.

"Itaas ang ating watawat! Nakaganti na tayo sa pananakop ng mga Kastila!" dagdag ni Kenneth na isa ring baliw na gaya ko.

Those were the normal days I had with them. As always, it was fun and crazy. Pinagtri-tripan nila si Salvador kahit pa nga older sakanila 'yon. He's cool about it kasi minsan nagsasalita rin sya ng words na sya lang rin nakakaintindi. Kaibahan lang, wala syang kasamang tatawa dahil mag-isa lang naman syang Spanish sa group. We also had a snapchat group where we sent videos of places we went to or kahit random day lang, what we're doing, parang giving them updates. Some of the conversation we had, naalala ko yong bits of information we've shared together but I'll try my best na hindi ilayo ito sa totoong napag-usapan at pangyayari. Hindi ko rin naman matandaan word-by-word.

I was still working nang biglang nag-ring phone ko. Sa company kung saan ako nagwowork, mobile phones are allowed to be used during working hours. Nag-ring phone ko pero hindi ko sinagot agad dahil kapag sinagot ko ang call nila, I'll need to speak in English. Magugulat mga katrabaho ko at baka biruin pa nila ako na may AFAM ako. Hindi nakatiis ang isa sakanila. NagDM sakin si Kenneth.

"Sagutin mo, nandito si Chavie." Iyon ang nickname ni Salvador sa amin.

"Luh! Ano naman kung nandyan siya?" Sagot ko sa makulit kong kaibigan.

"Dali na! Para naman magkajowa na yan. Ikaw rin tagal mo na ring single." Pang-aasar niya.

"Sige, labas muna ko. Nasa office pa ko e. Chat kita pag nasa labas na ako." Reply ko sakanya.

"Call na." Chat ko kay Kenneth. Tumawag naman sya agad sa group chat namin.

"Hello, Elise!" Pagtingin ko sa screen si Kuya mong Salvador napakatamis ng ngiti. Kinilig naman ako, parang nag-init pa nga and mga pisngi ko. Halatang-halata ng mga kasama namin sa call na nagtitinginan kami. Sabay-sabay pa nila kaming tinukso.

"Hi, Chavieeee!" Kinikilig pa rin ako that time kasi nga nakatingin si Salvador sa screen nya. Pagkarinig nya sa boses ko nagwave pa sya. Enebe!!! Ako lang 'to!

"I heard you're both single." Sabi nung isa naming kasama sa call.

"Kenneth told you?" Tanong ko sakanya.

"Kenneth is the closest to you. He's scary. He'll tell everyone your secrets." Natatawang sagot ni Salvador. Tumawa nalang din ako. Hay naku! Marupok na Elise.

"I think we should leave the call and let these two talk. Let's give them some privacy y'all!" Lakas talaga mang-asar ni Kenneth pero pinapakiramdaman ko si Salvador. At tama ba naman ginagawa ko? May trabaho pa ko pero nakikipaglandian ako dito. HA-HA!

"Go away, Kenneth!" Sabi ni Salvador.

"Yessssirr!!!" Sagot ni Kenneth habang tumatawa yong iba pero bago pa man nila mapindot ang end call(na alam kong gagawin nila dahil napakasutil ng mga iyon) ay nagsalita na ako.

"Guys, I'm really sorry. I'm still working. I'll stay on some other time for you all." Ngumiti ako. I felt bad din na I need to leave the call. Halos kapapasok ko palang, iiwanan ko na agad sila.

"You just got rejected, my boy. HA-HA!" Sabi ng isang friend namin sa call. Tinitingnan ko si Salvador baka malungkot bigla pero nakangiti pa rin naman sya.

"No, Chavie. I'm just working now. You can DM me and I'll reply when I'm not busy. I can't video call inside the office." Pagpapaliwanag ko para hindi naman sya ma-offend.

"It's fine, Elise. Thanks!" Ngumiti naman sya. Alam kong naintindihan nya. Respectful ang Kuya. Pogi pa.









**medyo tagal ng update ko sa story because I attended an intimate wedding. Hehe will update as much as I can. Thank you.**

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 18, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Discord Love StoryWhere stories live. Discover now