PROLOGUE

2.2K 61 12
                                    

"Tina, gising na!"

Sa halip na puwersahing idilat ang mga mata dahil sa paulit-ulit na pagtawag na iyon ng kanyang Ina na si Hesusa, umuungol na mas mariing pumikit ang labing-walong taong gulang na si Tina saka tinakpan ng unan ang nakalitaw niyang tainga. Sigurado siyang wala pang alas-cuatro ng umaga kanina busy na ang Ina sa pag aasikaso ng almusal ng asawang si Frederico at paghahanda ng mga lulutuin para sa maliit nilang negosyo.

Magdadalawang taon na ang nakakaraan nang magbukas ng karenderya 'di kalayuan sa bahay nila si Hesusa. Malaki din ang naitutulong ng kinikita niyon sa gastusin nila sa bahay kaya kahit sobra sobra na ang pagod at puyat sinisikap nito na huwag huminto sa pagtitinda.

Namana ni Hesusa ang hilig sa pagluluto sa Ina nitong si Elsa. At dahil masarap nga parehong magluto ang dalawa, kahit salat sa ibang baga, ni kailan hindi naranasan ni Tina na magutuman. Malusog siya at bilugan dahil siya ang tirador ng tirang pagkain sa karenderya.

Si Frederico, ang Tatay niya na kagaya ni Hesusa ay singkwenta y dos anyos na ay nagta-trabaho bilang housekeeper sa Hotel Benz - isa iyong lumang 2 star hotel sa Mactan. Kagabi, hindi nakauwi si Frederico dahil 24 hours itong duty - may VIP na dadating sa pitong palapag na hotel. Hindi niya alam ang detalye, pero iyon ang nakaringgan niyang pinag uusapan nina Hesusa at Elsa kagabi.

As much as she wanted to be of help to her mother and grandmother, sumusuko na ang katawan ni Tina. Mula sa public school na pinapasukan, araw-araw siyang dumederetso sa karenderya para tumulong sa mga ito.

Nasa first year college na si Tina at kumukuha ng kursong Nursing. Napilitan lang siya sa kursong iyon dahil can't afford ang mga magulang sa kursong kanyang gusto - ang law. Anyway, okay na rin ang Nursing, dahil hindi rin naman talaga siya ganun katalino. Sa edad niyang iyon, ang pag aabogado ang nakikita niyang pinakamabilis na paraan para makaahon sila sa hirap.

Kahit hindi siya maging top notcher sa board, mabubuhay niya na ang pamilya niya kahit habang-buhay wala siyang ipanalong kaso. Sa mahal pa lang ng singilan sa notaryo baka wala pang dalawang taon mapagpatayuan niya ng sariling bahay at disenteng kainan ang mga ito.

Sa ngayon, mayron na silang stay out hired help sa karenderya na naka assign sa paghuhugas at paglilinis. Pero dahil affordable at nasa heart of the city ang kanilang location, dinudumog sila ng tao lalo na sa gabi. Tricycle driver at mga estudyante ang kadalasan nilang parokyano. Hanggang hindi umaalis ang kahuli-hulihang customer, hindi rin umuuwi si Tina. Hihintayin niya ang closing para sabay na silang umuwi sa inuupahan nilang bahay dalawang kanto ang layo mula sa puwesto ng karenderya.

Pasado alas-onse na sila nakauwi kagabi kaya hindi niya pa mapuwersa ang sariling bumangon, ni wala pang limang oras ang kanyang tulog. Sabado sana ngayon, kung ang ibang kabataang ka-edad niya, nagre-relax sa mga bahay-bahay ng mga ito o kaya naman masarap na masarap pa at himbing pa ang tulog, siya heto at umaamot pa sana kahit ilang minuto – pero hindi na puwede. Times up na sabi ni Hesusa na nauubos na ang pasensya sa paulit ulit na pagtawag sa kanya mula sa kusina.

"Tina, kilos na, ano ba?! Alas sinco y media na. Kailangan mong makarating sa hotel bago mag alas-sais. Darating ang bagong may-ari ng hotel, kailangan ng Tatay mo ang uniform at tawas niya! Dalhin mo na 'yang mga 'yan sa Tatay mo ngayon na!"

"Tina!"

Gustong maiyak ni Tina sa frustration na nararamdaman. "Andyan na..." sagot niya.

"Nasaan?! Hindi kita makita!" bulyaw ni Hesusa.

Patamad at napipilitan na bumangon siya sa kama nang marinig na ang pasinghal na boses ng Ina. Pag ganon na ang tono nito, kailangan kabahan na siya. Malamang susugurin na siya nito para buhusan ng tubig sa mukha o kaya makakatikim na siya ng hampas ng palad nito sa katawan.

Bad Wives 1: TINA (PREVIEW ONLY) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon