9: Here Comes the Bride

352 20 5
                                    

"You like the Nurse better than the Lawyer." Kumpirma ni Theo na inilapag ang cellphone sa ibabaw ng side table bago hinarap ang asawa. Doon ito niyaya ni Arielle matapos magdeklara si Tina ng kagustuhang maging bride ni TJ.

"Soon to be." Pagtatama ni Arielle. "Nakakapagtaka bang magustuhan ko si Tina? She's beautiful, she looked decent, she's a fine young woman," tugon ni Arielle.

"And so is the other woman." Susog ni Theo.

Napahinga nang malalim si Arielle. Madaming baon na katibayan si Sabrina, para itong abogado talaga na may mga dalang ebidensiya. From recent photos and videos na susuporta sa claim nito na may relasyon ito at si TJ. She's even wearing a ring that she said TJ put on her finger.

Bagaman alam ni Arielle na hindi pa rin nagbabago ang damdamin ng anak para kay Sabrina, hindi pa rin niya inaasahan na babalik pa rin ito sa dating kasintahan pagkatapos ng lahat.

"I like Tina more. She's a wife and mother material. May protective instinct. She can keep a family - "

"I remember you saying that you only met her three days ago."

"I'm a good judge of character, Theo. Kahit si David ay makakapagpatunay na matino siyang babae." Arielle insisted.

"Hindi ako naghahanap ng matinong babae para kay TJ, Arielle. Ang hinahanap ko ay babaeng makakapagpatino sa anak natin."

Natahimik si Arielle. Sinundan niya ng tingin ang pagkuha ni Theo sa nakataob na baso sa bar counter nasa loob ng kanilang suite bago kinuha ang bawas ng bote ng whiskey at sinalinan iyon. "You heard the other woman saying na may relasyon sila ni TJ. Your son promised to marry her kapag pumasa na ang girlfriend niya sa bar."

"Paano kung bumagsak siya? Hindi matutuloy ang kasal? Akala ko ba nagmamadali kang ipakasal si TJ?"

"Hindi pupunta si Sabrina sa opisina kung hindi pa siya handang ikasal sa anak natin."

Which Arielle finds unusual and fishy.

"Base sa narinig ko kanina, nandon ka at kaharap mo sila nang pangakuan ng anak mo si Tina na pananagutan anim na taon na ang nakakaraan. Ikaw mismo ang saksi, hindi ba iyon mas matimbang kaysa sa sinabi nung isa mong aplikante?"

"Marami na ang nangyari, Arielle. Ni hindi natin sigurado kung mahal nga siya ni TJ."

"The same goes with that woman you're rooting for. Sa tingin mo ba magpo propose si TJ sa isang babae nang hindi niya sa 'tin muna sinasabi?"

Hindi madala-dala ni Theo ang alak sa mga labi. Hindi maubusan nang sagot si Arielle sa paliwanag nito. "Marami tayong hindi alam sa anak natin, Arielle. Nakita mo mismo ang katibayan sa mga litrato at videos sa cellphone ni Sabrina."

"Photos and even videos can now be fabricated, you know. And who knows kung matagal nang kuha iyon? Kung isa lang siya sa napakaraming flings ng anak mo? Paano kung wala naman palang ibig sabihin iyon?"

"They looked genuine to me."

"To me, it looked like she was forcing him to kiss her back. I'm sure our son didn't even respond!"

Gustong mapangiti ni Theo. Arielle was as stubborn as the first time he met her. Para itong bumalik sa nakaraan habang nakikipagdiskusyon sa asawa.

"You didn't watch with your eyes open. Hindi mo gusto ang babae."

"Sure, I didn't like her for TJ." Amin niya, nag angat ng mukha sa asawang nakatunghay sa kanya. "I don't trust her, Theo."

Kumibot ang mga labi ng lalaki. "And why so?"

"Instinct."

"Akala ko ba sa akin mo lang ginagamit 'yan? Give the woman a chance."

"Why don't you say that to yourself and give Tina a chance? She saved your son twice, and she is a nurse. Whereas, Sabrina is still a law student. Asawa ang kailangan ni TJ na pansamantalang aalalay sa kanya at hindi estudyante na may gustong patunayan sa mundo at walang ibang ginawa kundi mag post at share maya't maya ng bawat kilos niya sa Instagram at Facebook. Do you think that woman will die for your son kagaya ng ginawa ni Tina para sa anak mo? Kahit siguro ibaba ang binabasa niyang libro para makipag bonding sa sariling anak, hindi gagawin ng babaeng iyon."

Bad Wives 1: TINA (PREVIEW ONLY) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon