Chapter Four: The lips that looked so familiar

507 33 3
                                    

Itinulak ni Tina pabukas ang pintuan na may maganda at positibong mindset. She will make sure her patient's well taken cared of - na makakarecover ito sa kahit anong sakit. Kung kailangan niyang humiling ng himala o isama sa mga dasal niya ang paggaling nito, buong puso niyang gagawin.

Natigilan si Tina nang bumungad sa kanya ang malaki at modernong hotel-like suite. Humahangang iginala niya ang tingin sa loob. Nangingintab ang lahat mula sa furniture hanggang sa granite tiled floor.

Pinaglandas niya ang mga kamay sa malaking tv na nakahang sa dingding hanggang sa brown leather sofa na nakapuwesto sa mismong harap niyon habang tahimik siyang humahakbang papasok. Wala kahit kaunting alikabok na dumikit sa kanyang daliri.

A few steps away from the receiving area was a bookshelf na nagsisilbing dibisyon sa mini-kitchen. Sa tabi niyon ay four-seater dining table na may nakapatong na basket na puno ng iba't ibang klase ng prutas.

Sa kaliwa ay ang cabinet at personal vault na ilang hakbang lang ang layo mula sa toilet and bath na hindi niya palalagpasing silipin mamaya. Floor to ceiling ang glass windows na natatakpan ng kulay beige at puting kurtina.

Sa tabi ng patient control bed na nasa dulong gitna ng suite ay isa ulit na one-seater leather sofa. Sa bandang kaliwa ng kama ay ang stand ng IV dextrose na nakakabit sa kaliwang kamay ng pasyente. Wireless ang electronic vital signs monitor na sa mga sandaling iyon ay mahina at kalmanteng nagbe-beep.

Huminto ang tingin ni Tina sa lalaking nakaratay sa kama. May suot itong oxygen mask at may benda na nakapaikot sa ulo.

Bumabang muli ang mga mata niya sa hawak niyang record bago ibinalik ang tingin sa pasyente.

"Good morning, Sir TJDM... I'm Tina, your personal nurse," bati niya sa wakas, dinagdagan ng kaunting sigla ang boses.

It must be this patient's initials. TJD, iyon ba ang mga pangalan nito at sa M nag uumpisa ang apelyido nito? M? Marcos? Mondragon? Montejo? Ano'ng M pa ba sa Pilipinas ang sikat o may kakayanang magbayad ng ganon kamahal na hospital suite?

Tina inched closer, puno ng antisipasyon ang kanyang dibdib. She stared at him for a moment and decided he looked damned good looking, este, quite familiar. The slightly curly jet black hair, the well-defined eyebrows and thick, long eyelashes, the prominent jawline and the straight manly nose... at ang maliit na nunal sa itaas ng mga labi nito - bakit parang nakita na niya ito noon?

Ipinilig ni Tina ang ulo nang matantong imbes na bistahan lang, pasimple na rin niyang hinahangaan ang gandang lalaki nito.

Kaya marahil pamilyar ito sa kanya ay dahil may kutob siya na ito ang VIP na dinala niya sa Ospital kagabi. Katibayan na roon ang head injury... at paano naman ang sugat sa tagiliran nito at dibdib - ?

Sinuyod niya ng tingin ang parteng iyon ng katawan ng lalaki. Hindi niya makita dahil nakabutones ang suot nitong pantulog. Ang sigurado lang ni Tina ay may matigas na dibdib at magandang katawan sa ilalim ng pares ng pyjama nitong suot.

Tina clicked her tongue. Everything about this man screamed wealth and power - and masculinity as well.

Tina grimaced, tahimik na sinita ang sarili. Ano bang nangyayari sa kanya? When did she start admiring men's appearance? Dati rati'y nahuhuli niya iyong tingnan. Pitaka muna bago mukha, pera muna bago pisikal na anyo.

Sa mga tulad niyang desperada kahit kamukha ni Michaelangelo ng teenage mutant ninja turtles basta may pera at matutulungan siya sa mga plano niya, kakapitan niya na parang linta.

Ikinuyom niya ang mga kamay niyang nangangating kalasin sa pagkakabutones ang suot na pang-itaas ng lalaki para i-check kung may sugat ba ito sa dibdib o may benda ba ito sa tagiliran. Gusto niyang malaman kung tama ang hinala pero iyon nga lang ba ang agenda niya o may gusto pa siyang ibang makita?

Tina groaned in dismay. Yawa. Palala nang palala ang imahinasyon niya. Syempre, 'yong sugat lang nito, wala ng iba.

Kung ito ang VIP kagabi, mas dito siya dapat lumapit kaysa kay David na hindi niya pa sigurado ang identity.

This guy's the bigger catch. He even managed to look like a royal even after almost dying last night. Whoever this man is, sisiguraduhin niyang mabibigyan ito ng magandang serbisyo hanggang madischarge ito.

Humarap siya sa monitor at nag umpisang magre-record ng vital signs nang makaramdam ng tawag ng kalikasan.

Hindi naman siguro kalabisan kung sa toilet sa loob ng suite niya palalayain ang likido sa katawan. Nasa dulo ng palapag pa ang banyo at hindi niya puwedeng iwan ang pasyente nang walang kapalitan - kahit pa mag isa ang pasyente nang abutan niya kanina.

Lumakad siya papunta sa toilet and bath matapos ipatong ang chart at ballpen niya sa couch.

Tapos na siyang magbanyo at katatapos niya lang maghuhugas ng mga kamay nang marinig niya mula sa loob ang tunog ng s-in-wipe na key card. Dali-daling pinatay ni Tina ang gripo.

Maingat niyang itinulak nang bahagya ang pinto ng banyo pabukas saka akmang lalabas pero naunahan siya ng paglitaw ng dalawang may edad na babae sa pinto ng suite.

Inalalayan ng babaeng nakasuot ng royal blue dress na lampas tuhod ang haba ang isa pang may edad na babaeng umiiyak at humahakbang palapit sa kinahihigaan ng pasyente.

Gucci handbag and designer clothing brand ang ipinatong nito sa leather couch, Tina noted. Must be the mother, she thought para itong papanawan ng ulirat, humihikbi at mabuway ang mga hakbang.

"The surgery went well according to his Doctor pero ino-obserbahan pa rin siya hanggang ngayon -" anang kasama nito.

Suminghot ang babae.

"If it went really well, bakit hindi pa rin siya nagigising? Natatakot ako, Abby... How could this happened to him?" hikbi nito.

Natigilan si Tina. Naudlot ang gagawin niya sanang paglabas. Ibig sabihin, nasa comatose state ang VIP?

"Theo will be fuming once he heard about this... Siguradong gagawin niya ang lahat mahanap lang ang gumawa nito sa anak namin. He has a lot on his plate, hindi ko alam kung tamang sabihin ko pa sa kanya.."

Nangunot ang noo ni Tina. Kinutuban siya. Theo?

"This is very serious, Arielle. The people behind this are serious to get my nephew killed. Your husband needs to know the truth so he can protect you. Paano kung balikan ng mga gumawa nito sa kanya ang pamangkin ko? Paano kung hindi lang pala si TJ ang target kundi ang buong pamilya n'yo?"

Nagpahid ng luha sa mga mata ang babaeng tinawag na Arielle.

"Ang sabi ni David, palihim na nag iimbestiga ang mga Pulis. They issued a media blackout para hindi magpanic ang mga investors at share holders..." tumingin ito sa anak. "Si TJ lang ang nakakaalam kung sino ang may gawa nito sa kanya... H-he refused to tell David habang dinadala siya sa Ospital kagabi. When he wakes up, sana malaman na natin ang totoong nangyari."

Bumuntong hininga ang tinawag na Abby. Naaawang hinagod ang likod ng ina ng pasyente.

Ginagap naman ng babaeng umiiyak ang kamay ng anak, "Please wake up, my son. Huwag mo 'kong pag alalahin nang ganito katagal. Gumising ka lang hindi na namin ipipilit sa 'yo ang pamamahala sa DM Hotel. You can do whatever you like... Live and stay wherever you want..."

Kumakabog ang dibdib ni Tina. Nalipat ang tingin niya sa pasyenteng nakaratay. Paanong nawala sa isip niya gayong sa Hotel De Marco nagkrus ang mga landas nila ng lalaking ito kagabi?

TJDM. TJ De Marco. Ang VIP nila ay siguradong anak ni Theo De Marco, ang isa sa pinakamayaman at pinakamagaling na negosyante sa bansa.

Tina pressed her lips into a thin line, sa halip na matuwa bahagyang naningkit ang mga mata niya. Ngayon malinaw na sa kanya kung bakit pamilyar ang mga labi ng pasyente sa kanya. Hindi dahil ito ang VIP na dinala niya sa Ospital kagabi - kundi dahil ito ang lalaking nagnakaw noon sa kanya ng halik!

⚜️

Follow:
LA TIGRESA'S STORIES (FB Page) for more updates

Bad Wives 1: TINA (PREVIEW ONLY) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon