Chapter Ten: Just Got Married

435 23 3
                                    

CHAPTER TEN: JUST GOT MARRIED

Bahagyang inilayo ni Tina ang mukha sa mukha ni TJ. Kumurap saka tumitig siya sa lalaki. Napahawak siya sa dibdib nang makitang nakapikit na ulit ang lalaki. He might have opened his eyes in a short amount of time again at kagaya ng sinabi ni Julia, maaaring wala iyong ibang ibig sabihin. But what's with the small smug smile on his darn kissable lips?

"Kiss him!" patuloy na udyok ni Julia. Wala itong kaalam alam na binabagyo ang dibdib niya.

Nilingon niya ang kaibigang malawak ang ngiti, nakahawak pa sa dibdib na parang kiliting kiliti. Kung malapit lang ito sa kanya gusto niya itong singhalan para tumigil. Nadaanan ng kanyang tingin si Arielle may banayad itong ngiti sa mga labi, subtly coaching her, too to kiss her son.

Mahigpit siyang napahawak sa malambot na tela ng kanyang damit pangkasal nang ibalik niya ang tingin kay TJ. Kinikilabutan siya nang matindi. Hindi niya lubos maisip na darating 'yong araw na siya naman ang hahalik sa mga labi ng palakang nagnakaw ng kanyang first kiss.

Lumunok siya. Bumaba ang tingin niya sa mga labi ng binata. But what kind of sorcery is this that his lips... sensual and inviting surprisingly and ceaselessly making her heart flutter?
She couldn't stop being excited and nervous.

Tina shook her head and tried to focus on what seemed to be the hardest job she had to do. Kinailangan niyang ipikit nang pagkariin riin ang mga mata. Her hands were sweating na kulang na lang na lang ay tumulo ang pawis niyang unti unting namumuo sa gilid ng noo niya.

She shook her head again. She just need to get it over and done with para tumigil na rin siya sa pagiging praning.

Tina at last leaned forward and gave TJ a quick kiss in the corner of his mouth. The kiss didn't even linger at kahit hindi gaanong naglapat ang kanilang mga labi, Tina felt an electrical shock that ran up her body and stopped her ability to think.

For a moment she just gazed down at TJ's sleeping face. At that moment, in her heart eyes he looked more dashing.

Thankfully, Julia's cheering and the clapping of hands of everyone around them made her come back to her senses.

Tumuwid siya sa pagkakatayo at sa aral na ngiti ay pumihit paharap sa mga naroon. Binitawan niya ang kamay ni TJ para salubungin at tanggapin ang pagbati nina Theo at Arielle na nakangiti at mahigpit siyang niyakap.

PAGKATAPOS ng kaunting salo salo na ipinahatid pa ng mag asawang Theo at Arielle sa suite nila ni TJ, sa wakas isa isa nang nagpaalam ang mga De Marco. Niyakap siya sa pangalawang pagkakataon nang mahigpit ng mag asawa na nag abisong dadaan bukas para ihatid ang regalo para sa kanya. Yumakap at humalik din sa pisngi niya si David na nagsabing masaya ito na maging parte siya ng pamilya.
Sinuklian niya iyo ng matamis na ngiti.

"Paano, aalis na 'ko." si Julia na hawak ang kamay niya. Huminto sila sa harap ng nakapinid na elevator.

"Salamat, Juls, " sabi niya.

Ngumiti si Julia. "Labag pa rin ito sa loob ko, Tina. Alam mong magkaiba ang pananaw natin tungkol sa pag aasawa, pero kaibigan at parang kapatid na rin kita. Kaya kahit ano pa man ang desisyon mo, kahit gaano pa kaitim ang plano mo, susuporta ako."

"Alam ko," ayon niya. And she was thankful for that.

"Guwapo 'yong asawa mo. Parang ang sarap mahalin, yapusin, daganan at itali sa kama. Hindi kita masisisi kung mahulog ka kahit ganyan ang kondisyon niya."

Umasim ang mukha niya. "Not gonna happen."

"Huwag kang magsalita ng tapos, Tina. Si TJ De Marco ang asawa mo. He's a certified hottie. He can magically make any girl fall in love with him without doing any thing."

Bad Wives 1: TINA (PREVIEW ONLY) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon