Chapter Six: To Kill or To Marry?

316 13 3
                                    

Isinara ni Tina ang pinto nang makapasok sa loob ng on-call room for nurses. Dalawang magkatapat na bunk bed ang nasa loob niyon. Mayroon ding dalawang desk na pwedeng pagpatungan ng laptop at kung anong gamit. May built-in-cabinet at shoe rack, may bathroom sa dulo na nang i-check niya, malinis at kompleto sa bath supplies.

Mabilis lang siyang maliligo at iidlip ng ilang oras bago siya babalik sa kuwarto ni TJ. Wala siyang ginawa masyado pero pagod na pagod ang utak at katawan niya. Sabagay, sa dami ng tsaang natapon kanina sa VIP suite kahit sinong anak ng Diyos mapapagod.

Pagkatapos maligo at magset ng alarm, namili si Tina kung aling kama ang uukopahin niya. Matapos patayin ang ilaw, pinili niya ang bunk bed sa gawing kaliwa at pumwesto sa ibaba saka nagtalukbong ng kumot.

Wala pang sampung minuto, mahimbing na siyang natutulog. Naalimpungatan lang siya nang maramdaman ang pagbukas ng pinto at pagpasok ng isang babae sa loob. Nanatili siya sa pagkakapikit at  hindi tuminag man lang sa kinahihigaan.

"Why can't I see him tonight? You promised me!" Pigil ang lakas ng boses na asik ng bagong dating. "You said you'll gonna help me sneak in! Paano pang naging Doktor ka rito kung hindi mo kayang gawan ng paraan ang simpleng problemang ito?"

Tina grimaced. May kausap ito sa cellphone. Hindi nga lang malinaw sa kanya kung ano ang sinasabi pero naririnig niya ang boses lalaki sa kabilang linya.

Pero nakakainis. Sa dami ng lugar na puwedeng pagrant-an talagang doon pa talaga pinili ng babaeng ito na magtungayaw.

Planong balewalain ang babae, nanatili si Tina sa pagkakapikit. Niyakap niya ang sarili sa ilalim ng kumot at pinilit na habulin pa ang kanyang antok.

"Ni hindi mo napa-approved ang request na ako ang iassign sa kuwarto ni TJ. Ito na yong perfect time para mapalapit ako sa kanya pero pinalagpas mo lang! Napunta sa iba ang opurtunidad na dapat ay sa 'kin!"

Tina sighed, irritated. TJ again. Lahat na lang ba ng babae mahuhumaling dito? Wala na bang ibang lalaki sa mundo kundi itong TJ De Marco na ito? Gaano ba kalalabo ang mga mata ng mga babaeng ito para hindi makita ang pulang bandilang nakakabit sa dibdib nito?

'But at least, matipuno at malapad ang dibdib na iyon.' anang isang bahagi ng kanyang utak.

Umingos si Tina. The bastard was a freaking red flag period. Mapagsamantala, malaki ang ulo at higit sa lahat sinungaling at manyakis. At para saan ba ang matipunong dibdib kung siksik liglig naman ito ng libog at kayabangan sa katawan?

"TJ's going to get married, do you hear me?! His father is looking for someone to marry him off. At ni wala akong chance para mai apply ang sarili ko! Kung sana'y naging kasing yaman mo ang mga De Marco disin sana'y isa ako sa pinagpipilian ng Papa niya ngayon!"

Tina rolled her eyes. Gaano naman kaya kasigurado ang hitad na ito na isa ito sa mga pagpipilian ng CEO para mapangasawa ng anak nito sakaling naging kasing yaman nga nito ang mga De Marco?

Umingos siya. Gusto niyang malaman kung sino ang asyumerang babae. She sounded like a rotten spoiled brat na nag iinarte sa gitna ng gabi.

Ibinaba niya nang kaunti ang kumot na nakatakip sa kanyang ulo. Her eyes turned into slits, pilit na inaaninag kung sino ang istorbo.

She better be pretty. Dahil kung hindi, masusungalngal niya ito oras na makitang mukha itong tinapay na paulit ulit na pinitpit ng roller pin.

Iyon nga lang, bukod sa madilim ang kuwarto, nakatalikod pa ito sa kanya kaya gustuhin man ni Tina, hindi niya ito mabistahan sa mukha.

"I don't care!" Exasperated na bulalas pa ng nurse na ikinanipis lalo ng mga labi ni Tina at ikinasingkit higit ng mga mata niya. "Don't you get it? Mahal ko si TJ!"

Bad Wives 1: TINA (PREVIEW ONLY) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon