Chapter 3: Going Strong

17.1K 92 2
                                    

CHAPTER 3  

Makalipas ang sampung buwan…

Lunes ng Pebrero. Bandang 5:50 ng hapon

Nandito ako ngayon nakatambay sa labas ng bahay. Hinihintay ko kasi ang pag-uwi ni Biloy galing eskwelahan. Simula kasi nang tumuntong siya ng kolehiyo ay hindi na kami masyadong nagkakasama. Paano, kumuha siya ng part time job kasi hindi kaya ni Tita Mel ang gastusin niya para sa kolehiyo. Gustong-gusto kasi ni Biloy na makatapos.

Samantala, fourth year na ako ngayon. Actually, ga-graduate na ko sa April. Nakaka-excite nga kasi tutungtong na rin ako ng kolehiyo katulad ni Biloy.

“Oh, anong ginagawa mo dyan?” tanong ni Biloy pagkapasok na pagkapasok ng gate.

“Hinihintay ka,” sagot ko habang nagpapacute.

Umupo siya sa tabi ko.

“Pasensya na ha? Kung hindi na tayo masyadong nagkakasama,” sabi niya.

“OK lang, naiintindihan ko naman eh,” sagot ko.

“Totoo ba yan?” tanong niya sa akin sabay tingin sa aking mga mata.

Totoo namang naiintindihan ko na kaylangan niyang mag-aral and at the same time ay magtrabaho kapalit man noon ay ang pagkawala ng time namin para sa isa’t-isa. Ayokong makasagabal sa kung anong gusto niyang makuha sa hinaharap. All I can do is to be a supportive cousin, best friend and a girlfriend to him.

“Oo naman,” sagot ko sabay titig sa kanyang mga mata.

Halata sa kanyang itsura ang pagod. Mamaya kasi ay aalis siyang muli para magtrabaho sa isang 24 hour fastfood chain dahil graveyard shift siya.

Ngumiti siya.

“Bakit?” tanong ko.

“Wala lang, natutuwa lang ako na naiintindihan mo ko. Natutuwa ako na nagkaroon ako ng isang katulad mo,” sagot niya.

Natawa ako sa sinabi niya saka nagsalita, “Ang baduy mo!”

“Kung baduy ang pagsasabi ng tunay na nararamdaman sa isang tao, baduy na kung baduy!” sabay tawa niyang muli.

Sandaling nagkaroon ng katahimikan bago siya muling nagsalita.

“Nga pala, sa isang linggo na ang prom niyo di ba?” bigla niyang tanong.

“Oo, bakit?” sagot ko.

Next Friday na kasi ang prom namin. Hindi ako excited kasi hindi siya ang makakasama ko roon. Kung pwede nga lang hindi umattend sa prom na iyon ay gagawin ko pero kaylangan eh.

What About Us? (Complete Tagalog Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon