Chapter 4: Happiest Moments

16.4K 74 7
                                    

Mr. Author’s Note: Paparating na siya. Magbabago na ang takbo ng istorya. Malapit na.

 

RATED SPG: Striktong Pagbasa at Gabay ng mata ang kailangan. Maaaring may maseselang Tema, Lengguwahe at Sekswal na hindi angkop sa mga batang mambabasa.

 

 

CHAPTER 4

Pagdating ko sa tapat ng gate namin, imbis na dumeretso ako sa bahay namin ay sa bahay ako nila Biloy pumunta. Pagpasok ko, naabutan kong walang tao sa sala.

“Tita?!” tawag ko pagkapasok ko sa loob ng kanilang bahay.

Walang sumagot.

“Biloy?!” tawag ko naman kay Biloy.

Wala ring sumagot.

Umakyat ako sa kwarto niya para malaman kung nandoon ba siya.

Kinatok ko ito.

*Tok tok tok*      

“Biloy?” tawag ko sa kanya habang nakatatok sa pintuan ng kanyang kwarto.

“Pasok!”

 

Dahil sa narinig ko, nalaman kong nandito nga siya sa kanyang kwarto.

Ipinatong ko muna ang gitarang regalo ko sa kanya dito sa labas ng kwarto niya bago ko buksan ang pinto.

Pagbukas ko, nakita kong nakahiga siya sa kanyang kama. Tanging t-shirt at boxer shorts lang ang kanyang suot.

“Bi…Biloy, nasaan si Tita?” tanong ko dito.

“Wala pa si mama eh, nasa trabaho pa siya.” sagot nito pero sa itaas ng kisame ito nakatingin.

Lumapit ako at tinabihan ko siya sa kanyang kama. Umupo ako sa tabi niya habang siya naman ay nakahiga.

“Bakit ka nandito, mahal?” tanong niya.

“May…may gusto sana akong ibigay sayo eh,” sagot ko.

“Ano yun?” taka niyang tanong.

“Wait lang,” sabi ko pakatapos ay tumayo at pumunta sa may pintuan ng kanyang kwarto at kinuha ang gitarang ipinatong ko doon kanina.

Pagkatapos ay bumalik ako sa kanyang kama at umupo sabay sabing, “Happy birthday!”

Tiningnan niya ang dala-dala ko at napabalikwas sa kanyang hinihigaan. Halata sa mukha niya ang pagkagulat sa aking tinuran.

What About Us? (Complete Tagalog Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon