Chapter 5: Big Mistake

16.4K 103 10
                                    

Mr. Author’s Note: Magaganap na ang pinakamalaking pagkakamaling babago sa takbo ng kanilang kwento. Ngayong summer, lalong mag-iinit ang bawat tagpo. Basahin na!

 

RATED SPG: Striktong Pagbasa at Gabay ng mata ang kailangan. Maaaring may maseselang Tema, Lengguwahe at Sekswal na hindi angkop sa mga batang mambabasa.

 

 

CHAPTER 5

“Yes, cous. It’s me!” nakangiti niyang pagsagot sa akin.

Di naman ako nakapagsalita sa mangha. Hindi ko kasi inaasahang uuwi siya ngayon.

“Oh cous, nagulat ka yata masyado?” tanong nito sa akin.

Bukod kasi sa biglaan niyang pagdating, ibang-iba na din kasi ang itsura niya. Mula ulo hanggang paa, masasabi mo talagang nagbago na siya. Ewan ko lang kung pati ugali ay ganoon din.

“Jas? Jas,” tawag pa sa akin nito. Jas as in short for Jasmine.

“Ah…eh…sorry, nagulat talaga ako sa biglaan mong pagdating. Di ka man lang nagpasabi na uuwi ka ngayon,” sagot ko.

“Oo nga eh, I’m so sorry kung biglaan ang pag-uwi ko. Hindi kasi natuloy yung pag-uwi ko last year so I guess I’m just too excited to come back here,” taglish niyang sagot.

“Sana nagpasabi ka man lang para nasundo ka namin sa airport,” sabi ko pa.

“Sorry talaga, Jas. Actually, I called Tito kanina when I was in airport pa kasi hindi ko na tanda ang pauwi dito sa inyo so sila na ang sumundo sa akin. I asked you nga eh but Tito said na you always go out every Sunday kaya hindi ka na namin inistorbo,” paliwanag pa sa akin ni Vanessa.

“Vanessa, magpahinga ka na. Siguradong napagod ka sa byahe mo,” sabi pa ni papa.

“Kaso, Pa. Hindi pa ayos yung room niya.” alala ni mama.

“Ma, Pa, sa kwarto ko na lang kaya muna matulog si Vanessa hangga’t hindi pa naayos yung magiging kwarto niya. OK lang ba, Vanessa?” tanong ko naman sa kanya.

“Oo naman. Just like the old times,” sabi pa ni Vanessa at hinatid ko na siya sa kwarto ko.

Pagdating sa kwarto ko.

“Magpahinga ka muna, Vanessa. For sure, may jetlag ka pa.” wika ko.

“Oo nga eh. Grabe, na-miss talaga kita Jas.” sabi pa nito sa akin bago humiga sa kama.

“Ako rin kaya,” sagot ko naman sabay upo sa tabi ng kama.

“Nga pala, marami akong dalang pasalubong sayo. Bukas ibibigay ko sayo,” alala nito.

What About Us? (Complete Tagalog Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon