"Hoy, Alora! Ano na? Gusto mo pa ba siya?" pasigaw na tanong sa akin ni Nadia. Oo, andito pa rin ako sa kaniya. Hindi pa ako mapakawalan ng gga. Takot atang mag isa.
"Ha? Sino?" tanong ko naman sa kaniya. Tumaas ang kilay nito na parang sinasabing, talaga ba? wala kang naalala? gusto mo ipaalala ko pa sa iyo?
"Hoy! Huwag ka ngang maangan diyan, anong akala mo sa akin? gga?" tanong nito. Oo, tama ka. Ang akala ko sa iyo ay gga, kung hindi lang kita kasama ay pinagkamalan na kitang lasing.
"Si Ria? Gusto mo pa? Sabi ko!" at hindi pa nga nagpa-awat. Naiirita na talaga ako sa kaniya, paulit-ulit e.
"Ano ba? Gusto mo ba si Ria? Hindi.ko.na.gusto.si... RIA!" irita na talagang sabi ko at diniinan ang sinabi sa huli. Dahil do'n ay natawa ang bruha.
"Ano bang kinakatawa mo riyan? Aalis na nga ako, paulit-ulit ang mga tanong mo nakakairita!" sigaw ko at tumayo mula sa sofa para lumabas na. Narinig ko pa siyang isigaw ang pangalan ko pero hindi ako lumingon, at nagdaretso na lang sa paglalakad.
Gusto ko na rin kasing matulog, kaya ginawa ko nang dahilan iyon para makatakas sa kaniya dahil mukhang ayaw na akong pauwiin.
Nagsimula akong maglakad palabas ng building, para bumili ng milktea. 7:17 PM pa lang naman, mga 5 PM ako pumunta kanina roon kay Nadia.
Naglakad na ako papasok sa Cafe Shop dito sa tapat ng building, maliwanag naman sa labas dahil sa moon at mga ikaw mula sa building. Mabuti na lang at meron sila ritong milktea.
"Good evening, Ma'am" bati sa akin ng guard. Nginitian at tinanguan ko ito saka nagpasalamat sa pag-open niya ng pinto sa akin.
"Uhm, one milktea, cookies and cream" nakangiting saad ko sa babae, tumango naman siya at isinulat iyon sa note ata.
"Dine in po or take out?" tanong niya, sinabi ko namang take out. Mga ilang minuto ay natapos na rin ang paggawa nila, kaya napagpasyahan kong umuwi na kasi madilim na rin.
Pagkarating ko sa condo ay agad kong nilock ang pinto at in-open ang mga ilaw. Kinain ko na rin iyong tinakeout namin sa fast food, I partnered it with my milktea. Pagkatapos non ay naligo ulit ako at nagbihis.
Napag-isipan kong maghanap na ako agad ng isusuot ko para bukas, para hindi na ako maghirap na maghanap bukas ng isusuot.
~~~~~~
Pagkabangon ko ay naghilamos at nagbrush muna ako.
Kakain na sana ako nang may marinig ako sa phone ko, notification malamang.
From Nadia:
Hoy, anong oras na
bangon ka na, Girl.To Nadia:
I know right. 'wag ka
masyadong mag ma-
dali. miss mo ba ako?Natatawa naman akong binitawan ang phone ko at pinainit ang food na natira ko pa kagabi. Yes, 'Te. Tama ka nga. Hindi naman sa wala akong pera, nagtitipid lang.
May nagnotif ulit pero hindi ko na pinansin, alam ko namang mangungulit lang iyon kaya ininit ko na lang ang food ko. Habang iniinit ko ay maliligo na ako, bahala na automatic naman iyon.
Pagkatapos ko maligo ay malamang nagbihis na ako at nagdry din ng hair ko. Nagskin care na rin syempre. Sakto paglabas ko ng cr ay may nagdoor bell.
What the hell?
Hindi ko naman siya inaya, ba't siya pupunta dito!? Joke. Alam ko namang si Nadia iyon.
YOU ARE READING
I'll Always Choose You [Editing/ Revising]
RomanceDate Started: June 29, 2023 Date Ended: Status: on going