01: The First Meet

8.2K 157 3
                                    

ALORA POV

"Baby, ready na ba ang mga gamit mo?" tanong ni Mommy, only child lang ako.

"Yes, Mom. Kagabi pa po" sagot ko sa kaniya at ngumiti,


Si Mom and Dad ay doctor. Mayaman ang family nilang dalawa, they’re big business woman and man in the whole country. They have different businesses.

"You’ll cal us, okay?" sabi niya habang tinutulungan akong ayusin ang hair ko.



"Yes, Mom. Take care sa iniyo ni Dad!" nakangiting sabi ko at humarap na sa kaniya dahil nasuklayan niya na ang mahaba kong buhok na medyo curly.


"Yes, Baby. You too, always take care, okay? We’ll visit you sometimes. Huwag magpabaya" paalala nila at niyakap ako, yumakap din naman ako sa kaniya.


Inantay lang namin si Daddy, mga 30 na minuto ay dumating na rin siya. Ngumiti ito at tinawag na kami. Habang na sa daan kami ay panay ang habilin nito sa akin.


"Baby, mag-iingat ka, ha?" saad ni Daddy nang makarating na kami sa tutuluyan kong condo. Mga 2 hours lang ang byahe.



"Yes, Daddy, kayo rin po ni Mom." nakangiting paalala ko rin at niyakap silang dalawa.



Tinulungan nila akong ipasok at iayos ang mga gamit ko sa condo, hindi na rin sila tumagal dahil sa hinahabol pa nila ang oras at malayo rin ang byahe pabalik sa amin.



Sobrang daming habilin ang isinabi nila sa akin. As in sobrang dami. May sarili akong condominium at car. Bigay ito ng parents ko sa akin. Alam ko namang mag-drive, dahil tinuruan ako ni Dad dati. May mga pagkain at gamit na rin ako rito sa condo ko. Malaki ‘yong condo ko, 2 floor ito.




Hindi na ako nagluto ng kakainin ko dahil dumaan naman kami kanina sa fast food. Iyon ang napili kong kainan, do’n kami kumain at pinag-takeout pa ako nila Mommy para raw ‘pag nagutom ako ay may makain ako.



Lumabas ako ng condo ko dahil in-message ako ng kaibigan ko. Sabi ay mag movie marathon daw muna kami sa kanila. Kaya naman nilock ko na ang aking condo, sabay lumabas.


Nakasuot lang ako ng black silk nightwear, naka-messy bun din ang buhok ko at naka-glasses ako. I have poor sight, that’s why gumagamit ako ng glasses.



Nag-ta-type ako ng message ko sa kaibigan ko ng biglang may nabangga ako at nalaglag ang phone ko. Agad ko namang pinulot ‘yon para kunin, pero nang mapulot ko ‘yon ay nanatili akong nakayuko kaya hindi ko pa nakikita ang itsura nitong nakabunggo ko.




Mygosh?! Ito na ba ‘yon? Iyong true love ko?





"S-sorry p-" hindi ko na natuloy ang sasabihin nang magsalita ang kaharap ko.




"It's okay, Ms." Malamig na saad nito, kaya naman nag-angat na ako ng tingin dito.


Omg



Makalaglag panga ang ganda niya, grabe!



Lord? Straight ho ako, hindi ba?



Jusko po! At wow! Ang hot niyang tingnan sa suot niya.


"T-thanks po" nahihiyang saad ko, ngumiti naman ito



"Welcome, Ms. Be careful, next time." saad nito at tinalikuran na ako. Nagsimula naman na rin akong maglakad. Grabe napaka ganda, ha?


Straight pa kaya ako? Ang ganda no’ng dress niya, bagay na bagay—

"Hoy, lalagpas ka na sa akin?" Ay, jusko!



"Ano ba!?" saad ko kay Nadia na kaibigan ko, ginulat niya ako masyado. Hindi ko namalayan na naglalakad pa rin pala ako.



"Uy, grabe? Galit ka, ‘Te? Anyare sa ‘yo? Mukhang nag-iilusyunada ka na naman diyan?" sunod-sunod niyang tanong, wow! Napaka o.a, hindi ba?



"Grabe? May maganda pala rito at ang hot niya?" patanong na sabi ko sa kaibigan ko, lumaki naman agad ang mata niya at pinulupot ang kamay sa aking braso.


"Ano? Wait, asan?!" excited na tanong nito, hinampas ko naman siya nang pabiro. Kapag maganda at pogi talaga ang usapan, agad aangal.



"Hanapin mo" saad ko rito at nilagpasan na siya. Pumasok na ako sa condo niya. Halos parehas lang naman kami ng condo.



"Hoy ano ba? Sa ‘yo ba itong condo na ‘to, ha?" Saad naman nito sa akin at hinampas pa nga ako. Natawa na lang ako sa kaniya, sanay na rin ako sa ugali niya. Sanay naman na ako dahil matagal ko na siyang friend.



"Asan na ang panood? Baka naman chismis ang gawin natin dito?" sarkastikong tanong ko sa kaniya. Humagalpak naman siya sa tawa, kaya tinaasan o siya ng kilay.



"Hoy ano ka ba, gusto mo ba ng chika?" siya naman ang nagtanong ngayon, kaya naman napalingon ako sa kaniya at tumango.



"Jusko! Ang chika ay ang gaganda raw ng mga prof sa S.H.U! Shit, gaganahan akong mag-aral niyan!!" tili niya, napakasakit sa tenga ang tinis ng boses niya.


"Hoy, ano ba? Mag aaral ang gagawin natin do’n!" saad ko at lumapit sa kaniya saka pabirong binatukan siya ng mahina.



"Ang kj mo a? Straight ka ba, ha?" mayabang na tanong nito, napatawa nalang ako.



"Malamang oo? Hindi naman ako katulad mo e" pabirong saad ko, pero to be honest... Hindi talaga.



"Sus! E talaga ba? Bakit kanina sabi mo may maganda riyan sa labas?" pinanlakihan niya ako ng mata nang itanong niya iyon. Grabe talaga itong babaeng ito, akala mo hindi friend!



"Oh? Bakit? Sabi ko lang naman ay may maganda akong nakita, ibig sabihin ba no’n ay hindi na ako straight?" tanong ko naman sa kaniya na nagtataray, normal na sa ‘kin ang magtaray.



"Hoy malamang dati nga e-" binatukan ko siya para hindi niya matuloy ang sasabihin. At hindi pa nga siya nadala, magsasalita ulit sana ito matapos akong mapanlakihan ng mata, kaya naman nagsalita na ako para talagang hindi niya iyon matuloy.



"Nadia! Ano ba?!" sigaw ko rito, kaya naman natahimik na siya. Pero ang gga hindi mapigilang tumawa, kaya naman tinaasan ko ulit siya ng kilay.



"Hoy! Gusto mo pa ba si Ria, ha?" tanong nito sa akin kaya naman nairita ako agad.



"Ano ba, ha? May problema ka ba sa ‘kin?" irita na talagang tanong ko sa kaniya. Pinigilan niya pa ang pagtawa dahil sa pagsusungit ko, pero hindi niya iyon napigilan kaya naman humagalpak na siya sa tawa.



"Hoy ikaw ha? Huwag mo lang talagang sabihin sa akin na gusto mo pa iyong babaeng iyon. Malilintikan ka talaga!" sigaw niya sa'kin at tinalikuran ako papunta sa kusina, naupo na lang naman ako sa sofa niya rito sa living room.



"Oh!" Alok niya sa akin sa fries, mukhang galit amp?



Kumain na lang kami, hindi na rin kami nakanuod dahil sa bunganga nito. Napakaingay, hindi tumitigil hanggat walang naisasabi. Hindi makontento nang hindi bumubuka ang bibig.






I'll Always Choose You [Editing/ Revising]Where stories live. Discover now