12: Talking With Her Parents

1.9K 59 1
                                    

"I'm sorry, don’t look at her like that!" selos lang naman pala e.





"Okay, Kamari" tanging saad ko.



"I said sorry, Alora. Come on? I have cake and milktea, do you want some?" mahinahanong tanong niya, tumango naman ako.




Inilagay niya sa lamesa ang mga foods. May cake, fries, burger, carbonara at chicken. Yummy! Pati na rin iyong tag-isa namin milktea at ice cream.




"Thanks" pasasalamat ko nang iabot niya ang mga food sa akin.




"What do you want for you birthday? Your birthday is near already" tanong niya, muntik akong masamid.





Paano niya nalaman? Stalker ko ba siya?




Napakunot ang noo niya at peke siyang umubo. "I saw in your PSA" saad niya, mukhang nabasa niya ang nasa-isip ko, ang galing.





Next week na kasi ang birthday ko, kaya ang parents ko ay pumunta na rin dito. Pagkatapos daw ng birthday ko ay may s-stay pa sila ng mga 1 week bago umuwi, nagleave raw kasi sila.





"Uhm, okay po. Hindi na kailangan" pagtanggi ko, tumaas naman ang kilay niya at inirapan ako.





"Kahit ano nalang" bawi ko dahil mukhang mawawala na naman siya sa mood.







Tumango-tango siya. Natagalan kaming kumain. Hindi ko pa naman siya naimbitahan dahil wala pang final plan.





Umalis na rin ako pagkatapos naming kumain, hindi ako eat and run a!






"Hoy, ano?" bungad sa akin ni Nadia, lumapit silang lahat sa akin. Nandito sila sa labas ng building. Kung umaaktong sila ay akala nila may gagawing masama sa akin ang babaeng iyon.





"Tara na maglakad. Wala pinakain lang ako" sabi ko naman, alangang sabihin kong nag seselos siya. Baka isipin nilang may kami, pero ang totoo wala naman. Tapos baka itanong din nila kung kanino, mahirap na.






"Huh?" gulat na tanong ni Belle.





"Anong pagkain?" gosh! Itong si Sol talaga. Natawa naman lahat maliban kay Elle.




"What the hell! Ofc food. Iyong normal, napakarami pa nga e. Nag sorry na siya don’t worry" sabi ko, tumango-tango naman sila. Naglakad na kami papunta sa room.





"Malapit na pala ang birthday ng ate mo!" paalala ni Nadia nang makarating kami sa room





"Girl anong plano?" tanong ni Belle.





"Gusto ko maraming yakult!" sabi naman ni Sol. Parang bata! Nakikinig lang sa amin si Elle na parang walang pake.





"Uhm, wala pang final plan. Andito na sila Mommy and Daddy ko, actually asa condo sila kagabi. Pero ngayon ay aalis muna sila, pupunta sila sa house ng Grandfather and Grandmother ko, both sides pinapatawag kasi sila" mahabang paliwanag ko, tumango-tango naman sila.







Sabi ko nga sa iniyo ay mayaman ang both sides ng parents ko. Actually pati na rin ang parents ko, nag-iisa akong apo ng both sides. Ang mga magulang ko naman ay talagang nagtrabaho sa sarili nila at hindi na sa company ng parents nila or may kinalaman sa company or kaari-ari-an ng parents nila. Para raw sa akin na lang mapunta kaysa sa kanila. Wala naman na kasing ibang mapupuntahan iyon. Napa-kasunduan na raw iyon ng mga Parents at Grandparents ko bago pa nabuntis ang Mommy ko.







I'll Always Choose You [Editing/ Revising]Where stories live. Discover now