"Tara na, papunta na sila Sol dito!" nagbabalik na naman ang ingay ni Nadia. Umalis na kasi si Ms. Kanina pa.
Napagkasunduan naming isang car na lang ang idadala, at iyong akin na naman syempre.
"Hoy, bakit ba hindi mo sinama si Ms? Sayang naman baka ilibre pa niya tayo!" malakas talaga ang boses niya at sanay na ako.
Kaya pala ako tinatawag na baby kanina kasi may kailangan, yuck! Kadiri!
"Hey, andito na kami!!" sigaw naman ni Sol, nasa isang sasakyan lang silang tatlo at si Sol ang nagda-drive.
Kumaway pa silang dalawa ni Belle at ngumiti naman si Elle.
Nagconvoy lang kami, unang gala namin ay sa mall, bibili ng gamit.
"Hey! Ang bilis magpatakbo a?" pabirong tanong ni Belle. By
"Oo nga e nakakairita na siya, parang sinasadya sa tuwing sasakay ako sa car niya. Porket magara ang kotse niya, kaya ko rin naman bumili ng kagaya sa kotse mo, hoy!" natatawang umiling nalang ako sa kadaldalan ni Nadia. Humagalpak naman sa tawa ang dalawa, si Elle naman ay kagat niya ang pang ibabang labi.
"Yeah, I agree! Ang ganda ng car mo ha? Yayamanin ha, siguro mayaman buong angkan no" pabirong sabi ni Sol, hindi naman siya nabigo kasi natawa kaming lahat. Tumawa si Elle pero mahina lang.
Speaking of angkan, anyway parents pala HAHAHAAHHA. Tumatawag sila tuwing gabi sa akin. Hindi lang sila natuloy bumisita kasi laging busy. Pero this week ay pupunta raw sila rito at bibisitahin ako.
"Hindi naman kami gano’n kayaman" nahihiyang sabi ko. Tumawa naman si Nadia at hinampas ako. Inirapan ko naman siya.
"Hindi raw mayaman, pero ang allowance every year ay 50 million! Iba pa sa parents mo!" natatawang sabi niya, kita ko naman ang gulat sa mga mata nila.
"Hoy? Ang yaman mo naman!" Sigaw ni Sol.
"Wow? Really! I think you’re really rich" malakas na sabi ni Belle. Mukhang manghang-mangha naman itong si Elle.
Akala mo talaga hindi mayaman a. Itong si Nadia ay ngayon palang CEO na. I mean nakapangalan na kasi ang ibang business nila sa kaniya.
Itong si Belle ay politician ang both parents. Mababait ito, hindi sila katulad ng iba na kurakot.
Si Solaine ay halos lahat ng business ay mayroon na sila.
Itong si Elle, tahimik lang pero ang parents, grabe!
Kung tutuusin ay mas mayaman ang parents nila sa parents ko, pero dahil mayaman ang family ng both parents ko ay ayon.
~~~~
Nauna kami makarating ni Nadia sa mall, mga 5 mins lang naman. mabilis din pala magpatakbo itong si Sol e.
"Wait lang, nag ri-ring phone ko" paalam ko sa mga friends ko, narinig at nag vibrate kasi ang phone ko, wala naman akong inaasahan
Unknown Number
Sino naman kaya ito?
[Hello?] Patanong na sabi ni Ms. Oo si Ms. Nickolson.
YOU ARE READING
I'll Always Choose You [Editing/ Revising]
RomansDate Started: June 29, 2023 Date Ended: Status: on going