CHAPTER 12 - Their Past

48 1 0
                                    

*Riri's Note*

Pasensya sa sobrang sabaw na update sa last chapter.Ajujujuju! /Uminom ng ariel/ Sobra kasing stress si author sa ojt nya. Ajujujuju! Sana'y maunawaan nyo po. /Smile like an idiot/

Scroll down for continuation of this story. Don't forget to vote & comment guys!

(Third Person's POV)

*FLASHBACK*

"Congratulations Jeric Louise Mallari for your speech. Once again, the Valedictorian this school year Mr. Jeric Louise Mallari." At nag bow si JL matapos matanggap ang kanyang medalya at magbigay ng speech bilang Valedictorian.

"Congrats bro!" Salubong na yakap ni King sa kaibigang si JL na Salutatorian din. Magkababata ang dalawa kaya halatang-halata ang closeness nila.

"Thanks bro! We did it! Celebration later!" At naghigh-five pa.

Pagkatapos ng nasabing pagdiriwang, magkasama ang dalawa para magpasalamat ulit sa mga teachers nila. Nang mapadaan sila sa music room at may narinig silang tumutugtog ng piano.

Sumilip sila sa nasabing kwarto upang tingnan kung sinuman ang tumutugtog, at nakita nila si Christine.

"Jeric, naalala mo yung kinukwento ko sayo na babaeng gusto ko? Sya. Sya yun." Sabi ni King habang binangga ng mahina si JL. "Ang ganda nya diba?" Dagdag pa nito.

"Si Christine Rose Robles. Ang favorite ni Miss, Borromeo dahil sa ganda ng boses nya." Nagulat naman si King sa narinig nya. "Kilala mo sya?" Tanong ni King at tumango naman si JL.

"Naalala mo rin yung kinukwento ko sayo na babaeng una kong liligawan? Sya yun King." Sandaling nagkatinginan si King at JL. "Hays! Hanep na buhay naman oh. Iisang babae lang pala ang gusto natin. Hahaha" Pabirong sabi ni King pero merong lungkot syang naramdaman dahil sa sinabi ng kaibigan.

"Oo nga eh. Di ko alam na sya din pala ang gusto mo King. Sorry." Sabi din ni JL na may lungkot din. "Ano ka ba! Sorry pinagsasabi mo? Okay lang. Ligawan mo na sya." Sabi ni King na tinapik ang balikat ni JL. "Sigurado ka ba jan sa sinabi mo? Pero teka sabi mo gusto mo din sya?"

"Oo gusto ko sya pero ikaw based sa kwento mo sakin dati, mahal mo na sya eh. Go ahead Jeric. Court her. Pero pagsinaktan mo sya, aagawin ko sya sayo ah! Hahaha."

"Promise, i'll never hurt her. Ayoko syang agawin mo eh. Hahaha." Sabi ni JL at ginulo yung buhok ni King. Agad naman syang siniko ng kaibigan. "Siraulo ka! Wag mong sirain yung buhok ko! At seryoso ako sa sinabi kong aagawin ko sya sayo pagsinaktan mo sya!"

"May tao ba dyan?" Narinig nilang sabi ni Christine kaya't agad silang umalis palayo.

Naghighschool ang dalawa, magkaibigan parin sila. Kahit na naging girlfriend na ni JL si Christine, sinuportahan parin ni King ang kaibigan. Kahit unti-unti na nyang minamahal si Christine, pilit nyang pigilin ang nararamdaman nya dahil sa kaibigan nya.

Ngunit isang araw, biglang nagbago ang lahat.

Pauwi si King galing sa group practice nang makita nya si Christine na umiiyak. "Christine? Bat ka umiiyak? Ano nangyari?" Tanong ni King pero parang walang narinig si Christine. "Christine!" Napalingon si King sa sumigaw at nakita nyang palapit si JL sa kinaroroonan nila. Nang makita ni Christine si JL, agad itong tumakbo palayo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 13, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

(SUPER ON-HOLD) She's The Right GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon