(Ella's POV)
Pagkatapos nung nangyari sa SC Room, hanggang ngayon naiinis pa rin ako kay Bryan. Hindi ko alam pero hanggang ngayon parang masama pa rin yung loob ko sa kanya. Siguro dahil sya ang unang taong nanigaw at nagpahiya sakin nang ganoon. :(
Maaga akong umalis sa bahay namin. Di rin ako masyadong nakatulog kagabi. Si Kaye naman tulog pa kaya nauna na akong umalis. 6:30 pa ang flag ceremony ng school namin. Mag aalas sais palang ng umaga.
Pagbukas ko nang file case ko, nakita ko yung folder na binigay ni Bryan nung nagmeeting kami kahapon. Kaya kinuha ko iyon at binuksan, kainis nagiging emo ako rito sa rooftop. At kailan pa ako naging member ng mga emo sa school na ito?
"Psh, nakakainis ka talaga Bryan King Tolentino. Napakayabang mo. Ikaw ang dahilan bat ako emo ngayon. Ikaw din ang dahilan bat ako mukhang zombie ngayon. Nakakaasar ka talaga. Akala mo porket crush kita eh pwede mo na akong ipahiya nang ganoon? Tsk! Simula nung araw na nakita kita, gusto na kita. Gustong gustong gusto, alam mo ba yun ha?! Haynako di mo kasi alam yun eh. :( Papatunayan ko sayo na mali yung tingin mo saken. Ha! Kaya nga ako naging Vice President ng Student Council eh. Akala mo! Makikita mo talaga! Grrrrr!!!!!!"
Pagsisigaw ko nang malakas dito habang nakaupo dito sa isa mga blechairs. Nangiti ako nang malapad at natawa sa ginawa ko.
"HAHAHAHAHAHAH!!!!~"
Grabe parang tanga yung ginawa kong yun. Buti nalang ako lang ang tao dito sa rooftop. Muli ko nalang binalik ang tingin ko sa folder na ito. Dito nalang ako mag iisip nang mga isusuggest ko sa mayabang na si Bryan King na yun. Peste naman, kahit na sobrang inis ko sa mokong na mayabang na yun di ko parin maipagkakaila na crush ko sya. Mahal ko na nga ata eh?
Bigla ko namang naalala yung sabi sakin ni MJ kagabi nung tumawag sya.
~"Haynako Gabriella Mirasol, dapat nga mas mainis ka sa kanya kasi ganoon yung ginawa nya sayo. Bat ka umiiyak ngayon ha?! Diba sabi mo crush mo lang naman sya? Don't tell me na .... OMG! Do you inlove in him?! Ella? Mahal mo na nga ba sya?"~
*Erase* *Erase* Mahal agad? Di ko rin alam yung sagot sa tanong ni MJ kagabi. Fine! Aaminin ko na, yan nga ang dahilan bat ako zombie kagabi. Dahil kahit ako hindi alam yung anong ang totoong feelings ko para sa kanya. Since first year, lagi kong nararamdaman yung bilis nang tibok ng puso ko pag nakikita ko sya.
Bago ako tuluyang maging emo, naisulat ko na yung mga suggestion kong booth para sa 1st year & 2nd year. Since sabi ni Bryan na tig-tatlong booth sa bawat year.
FINALLY~
Nag inat-inat ako at naghikab. Grabe feeling ko anytime mamaya sa klase makakatulog ako.
Nagramdaman kong nagvibrate yung phone ko na nasa bulsa ng palda ko, may nagtext lang naman pala.
1 unread message from: MJBessy
*Hoy loka kong bestfriend!!!? Bat ang aga mong umalis ha? Wag mong sabihing nasa rooftop ka nang school at nag eemo? Ako tutulak sayo jan! >____< Anyway, kasabay kong pumasok si Kaye.*
1 unread message from: Claire Ortiz
*Hey sis? Where are you? Nasa school kana daw sabi ni MJ? Aga ah? That's a miracle Sis. Hahah, We're on our way. See yahhh :)*
Ngayon lang ako sinipag magbasa nang text, actually kanina pa to nagvivibrate. LOLS~ Pagtingin ko sa oras, Holy chesse! 5minutes before 6:30, Oh no!!!!!~
Dali kong inaayos ang gamit ako at tumayo.
Hingang malalim sabay .... Utot! Dejoke lang. Kadiri lang. Hahahah
BINABASA MO ANG
(SUPER ON-HOLD) She's The Right Girl
Romance"Siya na lagi kong sinisigawan. Siya na laging HYPER. Siya na concern Saken at At sya Nagmamahal pala talaga saken. One day i realize that .. SHE'S THE RIGHT GIRL" -Bryan King Tolentino