FLASHBACK~
"Tara na bessy, mag i-start na yung game" sagot ko kay MJ na nagmamadali akong kinakaladkad papunta sa Gymnasium namin.
"Oo bessy eto na nga eh. Hila mo na ko oh." turo ko sa kamay ko pero sya hindi lumingon.
Intramurals kasi ngayon ng school namin. At hindi ko alam kong bakit gustong gusto manuod ni MJ nang Basketball Game ng Varsities. Ewan ko ba sa babaeng to, ang hilig manuod nang basketball game to since Elementary. For sure, gwapo hina-hunting neto. Hahaha
At ngayon, andito na kami sa Gym. Halos lahat ng Students nandito. Lahat kase halfday lang ngayon para manuod at suportahan ang varsity players nang school na ito. May mga supporters din ng kabilang panig.
"Dali bessy, start na 1st quarter." Sabi ni MJ.
Naghanap kami nang upuan. Syempre malapit sa mga schoolmates namin. Kahit wala akong kilala dito sa mga varsities na ito. Yung mga schoolmates namin kanya kanyang sigawan. Kanya kanyang cheer sila. With pompoms pa yung iba. Hay nako. -.-
"GO NUMBER 4 KYAAAAHHHHHH!" Sigaw nung mga nasan harap namin. Mga mukhang kinikilig pa.
"GO KING! GO KING! WE LOVE YOUUUU! KYAHHHHHH!"
"3Pts shoot by Mary Collinn High, Number 4 Tolentino!" Sigaw nung Announcer. Kaya lalong nagsigawan yung mga babaeng schoolmates ko at syempre yung mga gays din.
"Kyaaaahhhh! KING FOR THE WIN! KING FOR THE WIN!" They said in chorus. Yung mga gays sumasayaw pa with pompoms at nakapalda pa na parang pang cheerleader.
Sino ba yang King na sinisigaw nila? Kaya sinundan ko nang tingin yung naka Number 4 na jersey. Hanggang sa lumingon yung sinasabi nilang King.
At Oo nga .. Ang Gwapooooo! Ang cool nya maglaro. His Eyes, His Lips so kissable. At ang sexy ng posture nya. His like an angel. *O*
"Hoy! Mirasol ano ba? kanina pa kita tinatawag! ano ba nangyayari sayo at natulala ka jan ha?" Biglang sigaw ni MJ sa tenga ko.Kaya binatukan ko.
"Aray ko ha?! Nambabatok?" Sabi ni MJ habang hinahawakan yung parte ng ulo nya na binatukan ko.
"Eh kasi naman naninigaw sa ka sa tenga. Ang saket kaya no!" Pagtataray ko sa kanya.
"And stop calling me Mirasol! It's so Eww. -.-" dagdag ko pa. E kasi naman, ayan ang tawag nila mama at papa saken pag nagagalet sila saken.
At nagroll eyes lang ang magaling kong bessy. Ang sunget nito. Ganyan kami kamaldita ng aking bestfriend. Pero kahit ganyan mahal ko yang babaeng yan. Para na nga kaming kambal e.
Napalingon ulit ako dun sa nakajersey na number 4. Ano kaya pangalan nya? Matanong nga kay MJ baka alam nya.
"Pst! Bessy!"kalabit ko kay MJ.
"Oh?" Ang sunget nito. May buwanang dalaw ata to?
"Ang sungit mo ngayon." nagpout ako sa kanya.
"Meron ka no?" Dagdag ko pa habang tinutusok ko yung tagiliran nya.
"Huh? Wala no! Next week pa ko." Hahaha. Talagang sinabe nya. Lumingon sya sa tabi nya. Lalaki nga pala katabi nya. Kaya binigyan nya ko ng masamang tingin.
"Pero seryoso bessy may itatanong ako. Ano yung sinisigaw nilang Number 4"
"Tingin mo bessy? malamang yung number ng jersey nya. If your asking his name, Bryan King Tolentino. Also known as King dito sa school natin." Ohhh-kay? May pagkamind reader talaga to. Hirap magtago ng sikreto sa kanya.
BINABASA MO ANG
(SUPER ON-HOLD) She's The Right Girl
Romance"Siya na lagi kong sinisigawan. Siya na laging HYPER. Siya na concern Saken at At sya Nagmamahal pala talaga saken. One day i realize that .. SHE'S THE RIGHT GIRL" -Bryan King Tolentino