2: Autumn's Involvement

26 0 0
                                    


Autumn's pov

How exciting it is! My very first involvement in a case and my first time as a suspect. Insert my sarcasm there. If I could have just known, hindi na sana ako nakinig sa pag-uusap kanina nila sir Jayson at Ms. Trinity. Wala sana ako sa harap ng lalaking ito at hindi sana ako suspect sa pagkamatay ni sir Jayson. Sana pala ay hinanap ko na lang mag-isa ang room ko at hindi na ako nakarating doon sa faculty. 

"Instead of convincing me that you are not involve in the murder, you are even talking things like that. Sue me to death, huh?" hindi ako tumingin sa kanya dahil naiinis lamang ako. 

"Ano ang pinag-usapan nyo ni sir Jayson?" pag-ulit nya sa tanong nya kanina. Tumingin ako sa paligid, dumami na ang mga estudyante. I hope they are not hearing us. Baka kung ano ang isipin nila kapag nalaman nilang suspect ako sa pagkamatay ng isa sa mga guro ng school na 'to.

"Tinanong nya lang ako kung bakit ako nasa labas sa oras ng klase. I said that I am a new student and I am looking for my room. Kung pinanuod mo ang cctv ay makikita mong iniabot ko sa kanya ang papel kung saan nakaprint ang class schedule ko. Itinuro nya sa akin kung saan ang room tapos umalis na sya." He looked at me directly as if assessing me if I am saying a truthful answer.

"Kung hinahanap mo ang room paano ka napunta sa faculty?" 

"May isang teacher ang inutusan ako na dalhin ang mga bote ng tubig sa faculty. Dinala ko 'yon doon at umalis na rin. Nakita ko rin doon si Ms. Trinity, ask her if you're doubting me. Now tell me, how could I possibly done the murder?" 

"Tingin mo ba sasabihin ng killer kung paano nya ginawa ang krimen? You're stupid if you do that." I rolled my eyes. Yeah right, Mr. Detective. "Sir Jayson met his death through the poison on the water bottles you have brought in the faculty." natigilan ako sa sinabi nya. 

The water in the bottles are poisoned? Pero kung may lason ang mga tubig sa bote na iyon paanong si sir Jayson lang ang namatay and how could the killer put the poison in the water? Sa pagkakaalala ko ay hindi pa nabubuksan ang mga bote kanina, wala rin akong napansin na bawas na doon. How come does the water is poisoned?

"The teacher just made me bring those in the faculty, I didn't do anything on those bottles!" hindi ko napigilan ang sarili ko. Napalingon sa amin ang ilang mga estudyante dahil sa boses ko.

"Ms. Ivy?"

"I don't know her name. But she's the one with the long straight hair." tumango sya. What if Ms. Ivy is the one who puts the poison? I mean, sya ang may dala at bumili ng mga tubig. There is also a possibility that Ms. Trinity did that, naiwan syang mag-isa sa faculty kanina, who knows kung ano ang ginawa nya sa mga boteng inilagay ko sa bawat table.

Magsasalita sana ang lalaking nasa harapan ko nang biglang mag-vibrate ang phone nya na nakapatong sa table. Kinuha nya iyon at may binasang kung ano doon. Tumingin sya sa akin pagkatapos.

"What? Alam na ba nila kung sino ang gumawa. I told you--" hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang magsalita sya.

"The case is not yet close. Sumama ka sa akin."

"Saan naman 'yan? Hindi pa ba sapat 'yong sinabi--" I think I just found the person I wanted to kill. Tama bang umalis sya basta basta habang kinakausap ko sya?

Sa hindi ko na mabilang na pagkakataon para sa araw na ito ay wala na naman akong nagawa kung hindi ang sumunod sa kanya. Mabuti na lang at tumila na ang ulan kung hindi ay babalik talaga ako sa cafeteria at hayaan syang mainis sa kakahintay sa akin.

"Don't tell me you'll bring me to the police?"

"If you want your name to be cleared, sumunod ka na lang." huminto sya sa tapat ng faculty. They put the yellow barricade on the side para hindi makapasok ang mga estudyante. Malamang nandito kanina ang ibang mga estudyante kaya walang tao sa cafeteria. Mga estudyanteng nakikichismis sa nangyari. The guy just casually entered the crime scene, nang makita nya akong hindi sumunod ay lumingon sya sa akin at hinila ako. Not to mention na ang paghila nya ay parang humihila sya ng lubid. Hindi man lang nagdahan-dahan.

Crimson AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon