3: Rosicrucian and Caesar

28 0 0
                                    


Autumn's pov


"Ikaw pala 'yung nasa facebook na kasama nila True at Mia." Luis finally said after cutting off his words.

Wait, what? Facebook? Does Luis means that he didn't recognize me? I thought.. he would say something regarding my true identity. He made me nervous for a second.

"Ito oh." iniharap nya sa akin ang phone nya. Tama nga sya, tatlo kami nila True at Mia na nasa picture. I believe it was taken yesterday because it was the time I stood up to explain the reason why Ms. Trinity poisoned his husband. "Nakapost kayo sa page ng Students of Crimson Academy and the students are praising you for solving the case." 

Napatingin ako kay Mia na mukhang natutuwa tungkol doon. 

"Naikwento nga ni Mia na naging suspect ka daw. Nagulat nga ako kasi bago ka dito at naging suspect ka." Lily said. 

"Nakita kasi sya ni True sa cctv. But the thing is, her name is now cleared. At tumulong rin sya para maclosed ang case kahapon." proud na sabi ni Mia.

Nang pumasok na ang aming teacher ay nagsi-ayos na ang mga kaklase ko. Luis went back to his seat and Lily turned her back from us to face the board.

Hazel once mentioned before that there are students here at Crimson who solve mystery cases. When I knew about that, I was more eager to enter this school. Why? Because they are the key that I can use to solve the case that I have been wanting to chase since the day of her death.


After the morning period, I went to the cafeteria and enjoy myself with a cup of hot chocolate. Umupo ako sa bakanteng upuan kung saan limang upuan ang bakante. Gusto ko sanang umupo sa pangdalawahan dahil mag-isa lang naman ako pero dahil ito na lang ang bakante ay napilitan na akong maupo dito.

"Pinagreserve mo pa talaga kami ng upuan." napatingin ako sa biglang nagsalita sa gilid ko. It was Lily. "Kaya pala nauna ka sa amin, akala ko iniwan mo na kami." sabi nya na parang natouch sya sa ginawa ko. 

Wala pa man akong sinasabi kung pumapayag na ba akong umupo sila ay nagawa na nila. In just a blink of an eye, the chairs are all occupied. Katabi ko sa kanan ko si Lily at sa tabi nya si Mia. Si True at Luis naman ang nasa harap namin.

"Ako na oorder guys. Ano sa inyo?" Lily asked them. Isa-isa nilang sinabi ang mga ipabibili nila kay Lily.

"Ikaw Autumn?" I showed her my cup of hot chocolate. "Isa pa nyan?"

"No. I mean meron na ako." tumango sya. Nang makumpleto nya ay muli nyang inisa-isa ang order nang bawat isa.

I was drinking my chocolate when I suddenly feel that there is someone standing and staring beside me. Napatingin ako dito at nagulat pa sya nang makitang nakatingin ako sa kanya. Maya maya ay lumapit na sya sa table namin. Pakiramdam ko kanina nya pa gustong lumapit dahil kanina ko pa sya nararamdaman sa likod ko.

"Ahmm..Hi. Nakakaistorbo ba ako?" The girl asked. Isa-isa nya kaming dinapuan ng tingin. Si Lily na dapat ay tatayo na para bumili ay muling naupo nang makita ang babae.

"Hindi naman." Luis said while smiling. 

The girl looked down and take a deep breath. "I'm Denise Hernandez, Grade 11 student. Gusto ko sanang humingi ng tulong sa inyo."

"About sa acads ba 'yan? Basta 'wag lang calculus." sagot agad ni Luis at hinampas ito ni Mia. Saglit na tumayo si Luis at pumunta sa kabilang table, pagbalik nya ay may dala na syang upuan at pinaupo ang babae.

Crimson AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon