Alex p.o.v
Nakakasawa na makinig ng balita sa radyo ng kotse boring kasi pakingan ,isama mo na rin yung pagbubunganga ng tatay ko sa akin.
"Subukan mo pa ulitin yung ginawa mo at inasal sa old school mo dati,"He sighed before continuing those words" itutuloy ko yung usapan natin na pag-aaralin kita pero-"
" Once na ulit yung ginawa ko sa school ko dati,pag aaralin mo 'ko pero hindi mo na sagot yung mga bayarin ko sa school at allowances 'ko" dugtong ko sa panenermon n'ya.
" Buti alam mo" tugon ng aking tatay.
Oo! Paulit-ulit nalang.
Hindi na kasi nagsasawa eh. simula kasi ginawa ko yung mga kalokohan ko ginawa sa dati school ko sa Baguio lagi nalang n'ya nalang binabangit yung mga iconic lines n'ya. Eto isa sa mga tinupad n'ya pangako na after school year ay ililipat na n'ya ako ng school sa talavera. Hindi pa nga ako naniwala no'ng una. Akala ko hindi n'ya sisireyosohin. Eto tinotoo na n'ya. Papuntang talavera na kami.
Yung dahilan kung bakit ako inilipat ng magaling ko'ng ama ay dahil pinakailaman ko yung hindi dapat pakiilaman. Tulad nalang yung pakikielam ko sa issue ng teacher naming lalaki na babaero,tapos babae n'ya pala yung advicer namin. Kaya ayun parehas sila lumipat ng school ng dahil sa pakikielam ko sa issue nila.
Nagkaroon sila ng poblema kasi onti-onti na nawawalan ng teacher yung school namin ng dahil sa akin. Hindi naman nila magawa yun kasi isa sa nag contribute ng malaking pera dito yung nanay ko.
Speaking of that kaya nakaroon ako ng interest makielam sa issue sa school namin ay dahil namatay yung nanay ko. after that natutuwa na ako na makielam sa mga issue labis ako natutuwa na umaalis sila sa school.
Binangsagan nga ako ng ' the best detective ng Baguio highschool'
Kasi naman pati rape case ng teacher sa student ay Isang araw lang na-solve ko na agad kung sino nang ra-rape sa student. Gano'n ako kagaling.
Kaya halos ng mga teacher sa school ko dati ay natatakot na magkaroon ng kasalanan sa harapan ko kasi makakaroon na ako agad ng interest lutasin yun.
Kaya ayun napilitan si tatay na ilipat ako sa school sa probinsya ng namayapa ko nanay.
Nakarating na kami sa bahay namin dati. Dito na nakatira yung kapatid ni mama. Nakarating na nga kami hindi pa rin yari magbunganga. Bumama na kami sa kotse. Nagulat ako at nagtataka na rin
Grabe,ang laki ng pinagbago ng bahay namin.
Bahay ba namin ito?
Hindi naman ganito itsura noon, eh. Wala rin naman second floor 'to dati.
Napansin ni tatay na nagtataka ako
Paano ba naman kasi six years ako nakatira dito dati,eh hindi naman ganito itsura no'n.
" Kung nag tataka ka kung bahay ba natin 'to, bahay natin ito, bago mamatay yung mama mo ay pinaayos muna ng mama mo yung bahay, actually gift sa'yo ito ng mama mo,sayo ipapamana yung bahay na ito bago s'ya mawala," paliwanag n'ya " eh,bakit dito muna pinatira ni mama yung kapatid n'ya?" Tanong ko " wala kasi mag babantay and kawawa naman yung tita mo kasi nasunugan sila ng bahay 'di ba?" Dagdag pa nito
Bigla may lumabas sa pinto. Pinagbuksan n'ya kami ng gate.
Pamilyar sa akin yung mukha n'ya. Wait. Si tita arlene!?" Alex" tawag sa akin ni tatay " natatandaan mo pa ba yung tita mo?" Tanong nito
" Nako primo, baka hindi na ako kilala ng pamangkin ko" saad nito.
Kinuha ko yung kamay ni tita sabay nagmano.
YOU ARE READING
Student Reaper
HorrorSi alexis ay isang magaaral sa TSHS. Pinalipat sya ng kanyang ama para magaaral ng maayos at hindi na muli ulitin ang kanyang Gawain sa dati n'ya eskwelahan. May pinagsunduan sila ng kanyang ama na hindi na s'ya uli makikielam sa mga issue at histor...