Knock!knock!knock!Nagising ako dahil sa malalakas na katok.
Ano ba yan! Ang sarap ng pagkakatulog ko,tapos gigisingin ako.
" Kuya al, gising na! Late na tayo" tawag ng kung sino.
Hindi ko alam kung sino yung tumatawag at kumakatok sa pinto. " Eto na! Babangon na!" Sigaw na sabi ko
Nasan yung cellphone ko? Alam ko tinabi ko lang yun sa desk ah? Naka charge pa nga yun. Teka? Alam ko nag set ako ng alarm ko ah!? Nakuha ko na yung cellphone ko. Full charge naman 'to nang makuha ko.
PUTEK! Oo nag alarm nga ako ng 8:40AM, pero ba't hindi s'ya nag alarm?
B*bo!
Napasampal nalang ako sa noo ko,Kaya naman pala naka silent!
Ang tanga mo alex!
" Punyeta!" Sigaw ko habang kinikuha ko yung mga damit ko. Naligo na rin ako. Nang nayari nagbihis ako. Sobrang madali ko.
Tanga-tanga ko naman kasi eh!
Ayan napapala ng pagpupuyat.wala naman kausap,pero nag pupuyat! Bumaba na ako para mag pa hatid kay Manong tonio.
" Sir, ang aga n'yo po nagising ah" birong sabi ni manong tonio
Pati na naman s'ya? Oo na late na ako nagising
"....asan sila tita?" Tanong ko
" Sir,eh hinihatid ko na. Mas maaga daw kasi enrollment sa junior highschool,kaysa sa senior high school." Paliwanag nito. " Tara na sir hatid na kita" dugtong pa nito.
Kinuha ko yung cellphone ko para tignan kung ano'ng oras na ba. Sh*t it's almost 9:30AM. Kaya pa! Baka onti nalang yung nag e-enroll sa ganitong oras. 10:30AM daw kasi close na daw yung registration at enrollment.
Sh*t muntik ko na makalimutan yung mga requirements na kailangan dalhin!
" Manong tonio, wait lang. Mauna na po kayo, may kukuhanin lang po ako sa itaas"
"Sige " sabi nito,tsaka lumabas.
Bumalik ako sa Kwarto ko para hanapin yung files ng requirements. " Putek! Saan ko nga pala inilagay yun?!" Nagmamadali ko hinanap yun, hindi naman nagtagal nahanap ko iyun sa loob ng desk ko. Kumaripas ako ng takbo para makaabot na agad ako sa takdang oras.
Pumasok na ako sa sa sasakyan. Chineck ko kung may kulang saakin. Andito yung cellphone ko, i.d check! Wait yung laman ng requirements ko baka may kulang. 2 by 2 picture,ahmm school report card, andito na. Yung photocopy ng PSA birth certificate. Okay andito. Yung form 137 ko. Andito okay na nakalagay naman sila sa Brown envelope eh.
" Okay na,sir" Tanong ni manong tonio
" Okay na po"
Nakarating naman kami agad ni manong tonio sa school na pag- eenrolan ko. Grabi maganda din s'ya at malawak! Kaganda ng entrance ng school. Kaso lang wala tatalo sa school na pinasukan ko dati.
Karami estudyante nag e-enroll! Akala ko kahit ganito oras wala na mag e-enroll kasi late na ih.
"Thank you po manong tonio! Mamaya nalang po." Pagpapasalamat ko. Bumisina s'ya after n'ya umalis
Pagpasok ko sa entrance ay bumungad saakin yung guard
"Log-in ka muna" bungad ng guard saakinNaglog-in na ako at isinulat lahat ng kailangan ng information do'n. Nang matapos naglakad ako palabas. Grabi! Ang astig naman! Ang lawak. May katabi pa oval yung school nito tsaka junior high. Ang astig naman.
YOU ARE READING
Student Reaper
HorrorSi alexis ay isang magaaral sa TSHS. Pinalipat sya ng kanyang ama para magaaral ng maayos at hindi na muli ulitin ang kanyang Gawain sa dati n'ya eskwelahan. May pinagsunduan sila ng kanyang ama na hindi na s'ya uli makikielam sa mga issue at histor...