Kasalakuyan ako naghahantay dito sa bench na malapit sa puno. Nag text sa akin kuya tonio na hantayin muna daw s'ya saglit, hinihintay daw n'ya yung dalawang pinsan ko tsaka si tita daw na namalengke pa para sa tanghalian namin mamaya. Nabu-buryong na ako dito, gustuhin ko man gumala at libutin yung buong school baka maulit nanaman yung ngyari kanina. Baka palayasin ako ng ibang estudyante na matagal na dito.
Hindi pa kasi nawawala yung ngyari sa akin kanina. Yung may nag-dadabog ng pintuan,yung kumakalipas ng takbo, yung tsismis kanina, tsaka idagdag mo na rin yung nakakalito sinabi ng na estudyante na mas nakakatanda sa akin.
Baka pinagtri-tripan lang ako no'n eh...
No choice,dito muna ako. Ang init na rin kasi kaya nakakatamad libutin yung buong school na 'to.
After 25 minutes dumating na si Manong tonio sa labas, kasama na n'ya si tita pati na rin yung dalawa ko pinsan na nag-enroll sa junior high.
Nakadating na kami sa bahay. Tinulungan ko ibaba yung pinamili ni tita. After no'n dumiretsyo na ako sa Kwarto,magluluto daw muna si tita ng tanghalian.
Hindi mawala sa aking isipan yung mga nangyari kanina, especially yung yung tsismis.
Eto ka nanaman alex. You keep a promise in your self na hindi ka na makikielam. Pero hindi ko naman pakikielaman, aalamin ko lang. Sabi ko sa aking isipan.
Ganyan talaga pag sobra bored mo na sa buhay hindi kana mapag isip ng matino. Pero seryoso yung bulungan na narinig ko kanina, about ata sa s*icide 'yun?
Pero bakit may s*icide na may nagaganap sa school? Tapos 5 pa yung napatiwakal ang malala mas marami daw yung nag su-su*cude last years and years? Tama ba? Yun kasj pagkakaintindi ko sa kanila kanina.
Pero wala naman na bangit na may killer eh? So it's positive na depressed Yung mga magaaral nila? Is the school aware or may pakielam ba sila sa mga students na nagpapakamatay? Siguro iniisip lang ng school or what so ever na depressed lang yung student.
Pero i highly expect na gumagawa sila ng actions sa ganitong issue. Pero yung issue sure ako marami na nakakaalam, dahil yung dalawang babae na naguusap tungkol do'n din yung usapan nila. Pero ba't wala nagsasabi sa akin, matagal na daw yung diba?
Si mama sana kaso lang matagal na s'ya wala. Alam ko na si tita kasi do'n s'ya nag highschool. Pero kung matagal na yung su*cide na 'yun bakit hindi man lang sinasabi ni tita saakin? Mamaya tanungin ko pag kakain na kami.
Yung dalawang babae na nagbubulungan need ko sila mahanap. Gusto ko malaman at makakuha ng information sa kanila. Sure ako incoming grade 11 din sila katulad ko,and sure ako one day makikita ko rin sila.
Sa sobra pag o-overthink ko hindi ko na namalayan yung oras.
Knock! Knock!
"Alex,kain na" boses ni tita 'yun.
Bumaba na 'ko sa kusina. Nakita ko na naghahain palang si tita, kaya agad ko ito tinilungan. Napansin ko na wala pa yung dalawa. " Tita, ako na po" alok ko ng tulong sa kanya na kinukuha yung mga platito "salamat,pangken. Medyo nangangawit na nga yung likuran ko" sabi n'ya " sa'yo ko na papagawain 'yan ah, puntahan ko lang yung dalawa tapos si Manong tonio." Dagdag n'ya
Tango nalang yung naisagot ko sa kanya.
Nang mayari ko yung paghahain sa lamesa,sakto naman na pumunta sila sa kusina. Gaya ng dati, nanalangin muna kami bago kumain. May kani-kanila sila usapan na hindi ko maintdihan.
Until, nagtanong si tita saakin. Nagtanong s'ya about sa nangyari kanina.
Sabihin ko kaya yung ngyari kanina saakin? Wait may tatanong pala ako sa kanya.
"Tita" tawag ko" diba po nag highschool kayo dati sa tshs?" Dagdag ko uli.
"Oo" sagot n'ya habang may patango tango pa" bakit?" Dagdag na tanong ni tita.
Didiretsyohin ko na ba yung tanong?
Matagal ako bago sumagot sa tanong n'ya " actually po tita,gusto ko sana itanong...." Ano na alex tuloy mo na" kung totoo na may nag su-s*icide sa school namin?' tanong ko
Matagal bago makasagot si tita. Nakapinta sa kanya mukha yung pagtataka.
May alam kaya s'ya? Sigurado ako! May alam si tita
" Sabihin natin oo" tugon n'ya
" Kung totoo po eh ano po yung dahilan" tanong ko muli
"Sabi ng school n'yo,at sabi din sa amin ang dahilan suicide talaga nila ay depression" ani tita
Depression ba talaga? Pero ba't takot na takot yung iba? Then bat ang rami? AGHHHHH! i hate overthinking na. Gusto ko na masagot 'to
" P-pero kung ganon, ba't sabi sa narinig ko marami daw nagpakamatay sa mga time n'yo no'n?" Giit ko'ng tanong sa kanya
Napatingin yung dalawang pinsan ko pati na rin si Manong tonio habang kumakain. Napalagok muna si tita bago sagutin yung tanong ko.
" Nako,wag ka maniwala jan. Sabi sabi lang yun at tsaka panakot lang ng dating principal yun" sabi n'ya" para magtiyaga kami at sumipag mag aral no'n. Alam mo takot na takot umabset lahat ng estudyante ng tshs no'n? Kasi baka daw multuhin sila ng student reaper" bahagyang nagulat si tita sa sinabi n'ya,na nagpahinto sa kanyang sarili.
Student reaper? Tanong ko sa sarili ko? So may serial killer talaga? So hangang ngayun Meron pa?
Teka! S'ya ba dahilan kung bakit may estudyante nagpapakamatay? So hindi su*cide yung cause of death nila!?
Tumawa si tita na bumasak sa aming katahimikan
"Y-yung student reaper yun yung tatakutin ka n.... " halata inaalala n'ya yung nakaraan or nagdadahilan. Bakas na sa kanya mukha na nagsisinungalin na s'ya "....h-hindi ko na matandaan yung iba, basta yung student reaper kalimutan mo na yan,at wala iyun" dahilan n'ya
Nakayari na kami sa tanghalian. Napapaisip pa rin ako,baka dahilan nalang yun para hindi ko na pakielaman yung history at story ng school na papasukan ko or may madilim na tinatago yung school na hindi n'ya sinasabi.
Sana andito lang si mama. Si mama kasi hindi nagsisinungalin'yun, sobra honest n'ya saamin.
Pabagsak ako humiga sa kama. Hindi hindi na mawawala yung ngyari ngayun araw na 'to. Yung tsismis kanina,dabog at takbo ng kung sino man, yung su*cide sa school, at yung student reaper.
Subukan ko hanapin yung Year book ni mama at tita,baka may nakatago information na pwede ko mahalungkat.
Sa ngayun hahanap lang ako ng kalat na information about sa school na papasukan ko.
Don't forget to vote, comment,and share. Thank you. Patiently wait for next chapter.
YOU ARE READING
Student Reaper
TerrorSi alexis ay isang magaaral sa TSHS. Pinalipat sya ng kanyang ama para magaaral ng maayos at hindi na muli ulitin ang kanyang Gawain sa dati n'ya eskwelahan. May pinagsunduan sila ng kanyang ama na hindi na s'ya uli makikielam sa mga issue at histor...