Day 6

509 24 5
                                    

"Always call his name."

Office
4:56 am
Tuesday

"HOY MGA CHAKARET MAGSIGISING NA KAYO! ABA ABA ABA!" Nagising ako dahil sa boses ni Tyler. Mygod na bakla ito! Napakaingay.

"Oopss! Girl ang aga mo yata? Aba, sinipag pumasok ng maaga? Isang himala!" Sabi ni Tyler at umupo sa couch sa office ko at nag crossed legs pa.

"Dito ako nakatulog. Hindi ko rin alam," Sabi ko at nagkusot pa ng mata.

"Ayyyy? Talaga? Bakit? Diba pumunta ka sa party kagabi with Ezekiel? Nako! Aba pagod ka ata? Jusko, ginawa nyo na ba? Omg!" Sabi nya ng nakatakip pa ang bibig gamit ang scarf na nakaikot sa leeg nya.

Napairap naman ako.

"Pwede ba Tyler? Tigilan mo ko ha. Hindi maganda ang mood ko ngayon. Ikaw muna ang bahala dito, uuwi lang ako," Sabi ko at kinuha na ang bag at lumabas na ako.

"Mader!"

"Ano?"

"Babalik ka pa ba?"

"Of course!" Sagot ko at naglakad na.

"Mader wait!" Sabi nya.

"Ano nanaman?" Naiirita na ko ha!

"It's Taylor not Tyler," Sabi nito at napahagikgik pa. What the hell is made this gay? Nakakaimbyerna!

Naglakad na ako at pumasok na ng elevator. Nakatulog pala ako, hindi ko alam.

Nang magbukas na ang elevator nagulat ako sa nakita ko.

"Hey," Sabi nya pero nilagpasan ko lang sya. Ayoko syang kausapin. Masyado syang pakielamero.

"Kausapin mo ako, Claire,"

"Parang awa mo na. Kailangan natin mag-usap. Hindi tayo nagkaintindihan---"

"Yun na nga e! Hindi tayo nagkaintindihan kasi pakielamero ka Ezekiel! Wala ka kasing alam kaya mo nagawang pakialaman ang buhay ko!" Sabi ko ng nakasigaw na at nag echo pa ang boses ko sa parking lot. Buti nalang masyado pang maaga para walang tao.

"Paulit ulit mo nalang sinasabi na wala akong alam sa buhay mo Claire. Pero meron! Ako ang anghel na binigay sayo para bantayan ka, tulungan ka!" Sabi ni Ezekiel.

"Whatever. Fuck off," At naghand sign pa talaga ako na umalis na sya. Binuksan ko na ang kotse ko at pinaharurot na ito.

Nang makarating ako sa bahay ko nagulat ako dahil nandun sya mismo sa bintana ng kwarto ko. Talaga bang hindi nya ako titigilan?!

"Mygosh! You scared me to death!" Sabi ko.

"Claire look, Im sorry. Sorry kung hindi ko muna nasabi sayo. Akala ko kasi magiging masaya ka kapag nakita mo na ang papa mo," Tiningnan ko lang sya ng mataray na tingin.

"So do you think naging masaya ako?" Sabi ko sakanya. At nagsimulang maghubad ng damit.

"H-hey... w-what are you doing Claire?" Gulat nyang tanong.

"Undressing?" Sabi ko sakanya na halatang halata namang naghuhubad ako.

Napatayo naman sya sa bintana at nilabas ang pakpak nya. Humangin nanaman na halos matangay ako.

Lumipad na sya paalis.

Hays. Ang anghel na yun. Anghel pa ba talaga sya?

Ginawa ko na ang dapat kong gagawin. Nang matapos ako ay agad kong hinanap ang phone ko, pero wala. Nasa office ko pala yun.

30 DAYS WITH HERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon