Day 3

723 16 0
                                    

House
9:00 am
Saturday

Nag inat ako. Goodmorning! Argh ang sakit ng ulo ko. Yung nangyari kahapon, hindi ko nalang pinansin yung mga nangyari. Baka sobrang kinabahan lang talaga ako nung time na yun kaya wala ako sa sarili. At eto namang si Kian, hindi na sya nagparamdam simula kahapon.

Well Saturday pala ngayon. This is my beauty rest day.

Kabisado nyo na ba ang sched ko? Kapag Friday kasi, yun talaga ang araw na nakikipagsocialize ako. Or it's my clubby day!

And kapag naman Saturday, ito na ang araw na magpapaganda ako.

So I decided na bumangon na sa kama at magsuklay ng buhok. Nakaharap ako sa salamin, admiring myself.

Kahit ano talagang anggulo maganda parin ako. No doubts. Totoo nga ang kasabihang, malalaman mo ang tunay na ganda, kapag bagong gising ka.

So here I am, nag uumapaw ang kagandahan ng bagong gising.

Pumunta na ako sa comfort room at nilagyan na ng milk bath powder ang bathtub.

Yes magbababad ako dito.

After 2 hours, nagbihis narin ako. Pupunta ako sa mall like what I actually do every weekends.

Wag na kayong mag inarte. Matagal talagang maligo ang magaganda.

Nagsuot lang ako ng simple black dress. Hindi ito masyadong mahaba. Hanggang tuhod ko lang. Yes as usual, nakareveal ang cleavage ko.

Nagsuot din ako ng black doll shoes na galing pa talagang Europe. I also grab my gucci black hand purse. Aba napakaimposible namang magsuot ako ng hindi branded.

Lumabas na ako at sumakay na sa color black Mercedes Benz ko. All black day eh?

Pinaharurot ko ang car ko hanggang nagring ang phone ko. Nasa loob ng purse ang iPhone ko at ang purse ko ay nasa passenger seat.

At dahil nga gusto kong makita kung sino ang tumatawag, binuksan ko ang purse ko. Pero ang hirap buksan. Isang kamay lang kasi ang gamit ko at dahil rin nga metalic magnet ang nagsisilbing lock nito, kailangan ng force para mabuksan ito.

Then biglang.....

Argh! Badtrip!! Ang ganda ng umaga ko!

Napairap naman ako nang lumabas ang driver ng Nissan na nabangga ko.

Kinuha ko ang purse ko at lumabas narin ng kotse ko. Tss. Isa lang pala sa mga client ko ang tumatawag. Nice one.

Galit na galit ang driver pero nung nakita nya ako lumambot ang reaksyon nya.

"Alam mo ba kung ano ang ginawa mo miss?" Tanong nya. I think nasa 20s sya.

"Of course! May dalawa akong mata. Wag mo akong itulad sayo mister," Sabi ko naman.

"Bayaran mo ang kotse ko!" Sigaw nya sakin. Ang ayoko sa lahat ay ang sinisigawan ako!

"Ipapabayaran mo pa sakin yang kotse mong pabulok na? Tignan mo nga o, pa fade na ang color brown Nisan mo! Or gusto mo bigyan narin kita ng pang bili ng bago mong kotse?" Mataray kong sabi.

"Aba pilosopo at mayabang ka ha?" Sabi nya naman sakin.

"Tss. By the way ito ang 500 thousand ha? Pambili mo ng bago mong kotse. Bumili ka narin ng toothpaste. Ang baho ng hininga mo!" Binato ko sakanya ang cheque na nagkakahalaga ng 500 thousand at pumasok na ng kotse ko.

Ang dami narin palang nakatingin samin pero kahit isa walang sumali samin. Haha!

Nakatingin ng masama sakin ang lalaki pero nginitian ko lang at binusinahan ko pa.

30 DAYS WITH HERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon