Day 13

96 2 1
                                    

House
7:00 am
Monday (continuation)

Nagising ako dahil sa lakas ng hangin. I mean, yes sobrang malakas. Humahangin pati damit ko.


"Claire, gising na ba ang katawang lupa mo?" Nabuhay agad ako. Pucha, napakalalim mag Tagalog! Nakita ko nanaman si Ezekiel, na nakaupo sa bintana ko at masayang pinapakita saakin ang napaka perpektong pakpak nya.


Inirapan ko sya at humarap sa kabilang side ko para hindi nya makita ang ngiti sa mukha ko.





"Bumangon kana, samahan mo akong mag umagahan." At bigla nalang nawala ang napakalakas na hangin. At naramdaman kong umupo sya sa may paanan ng kama ko dahil sandali itong lumubog.





"Hindi ako mag-uumagahan." Maikling sagot ko.


"Hindi maaari yan. May kasalanan ka pa saakin, Claire. Sana naman sundin mo ako ngayon." Napakunot ang noo ko doon.


"Anong kasalanan ko sayo?"


"Kaibigan mo pala si Mia... Tsaka iyong tungkol sa kagabi..." Bigla akong napapikit dahil sa sakit ng ulo ko noong sinubukan kong alalahanin ang mga kagagahan ko.


Bigla akong tumayo para maligo na tsaka para mapagmasdan ko na sa harap ng salamin ang kagandahan ko.


But the moment na nakita ko iyong sarili ko sa repleksyon ng salamin, halos lumawa ang mata ko sa nakita ko. Dahil narin sa napakaganda ko, e nakahubad ako!


"What.. the fuck..." Nakita ko sa repleksyon ng salamin si Ezekiel na nakatingin saakin.


FUCK IS THIS!!!


Naghumiyaw ako at nagtalukbong ng kumot.


"Fuck you Ezekiel!"


"Huh? Bakit? May masakit nanaman ba sayo? Sandali, gusto mo bang ibili kita ng.. yung.. lumilipad? Yung may pakpak, tama ba? Sandali lang..." At agad agad syang tumayo at lalabas na sana sa bintana ko, pero sumigaw nanaman ako dahil sa sakit ng ulo ko at sa inis ko sa lalaking hayop na to!





Anghel ba talaga to? Bakit nya ko nagawang ganituhin?





"Ayos  ka lang ba? Sabihin mo saakin kung anong masakit sayo."


"Ginalaw mo ko... Inabuso mo ako! Inabuso mo ang katawan ko, Ezekiel! Porket lasing ako bakit mo ako inabuso? Anghel ba talaga kita? O talagang nababaliw na ako?" Naiiyak na ako. Kasi kahit sanay akong magdamit ng halos kita ang kaluluwa, e never pa akong nagalaw ng isang lalaki.


"Dahil ba iyan sa nakita mo ang sarili mong walang saplot?" Naiyak nadin ako dahil sa napakalalim ng kanyang Tagalog, na kahit ako ay nahahawa na rin sakanya.


Hindi na ako nakapagsalita kasi, wala na. Bakit ba ako nagtitiwala kaagad sa tulad nyang psycho fucking path?





"Ah, Claire, kumalma ka muna. H-hindi kita ginalaw." Tumaas ang isang kilay ko.





"So ano lang? Care to explain kung bakit nagising ako ng walang damit? Madami akong magagandang damit pero bakit nakahubad akong magising?" Hindi ko na napigilan magsalita ng magsalita.





"Nalasing ka ng sobra kagabi, halos hindi mo na alam kung ano ang ipinag sasasabi mo saakin. Natatawa nga ako noong sinabi mo na may Pokemon sa tabi ko, at parang takot na takot ka. Hindi ko alam kung ano yon, ang alam ko lang ay tumabi ako dahil may alon na papunta saatin kahit nasa kalsada tayo. Hindi ko alam kung ganoon ka ba talaga kapag nalalasing, o nakainom ka lang ng ipinagbabawal na gamot." Napanganga ako sa sinabi nya at halos mahiya ako.





Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 19, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

30 DAYS WITH HERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon